Metapisika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Addbot (usapan | ambag)
m Bot: Migrating 85 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q35277 (translate me)
m orthography, replaced: ksyon → ksiyon (3) using AWB
Linya 1:
Isang sangay ng [[pilosopiya]] ang '''Metapisika''', at may kaugnayan ito sa mga [[agham-pangkalikasan]], tulad ng [[pisika]], [[sikolohiya]] at ang [[biyolohiya]] ng [[utak]]; at sa [[mistisismo]], [[relihiyon]] at mga paksang [[espirituwal]]. Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala -- tuladpaniniwala—tulad ng [[pagmemeron]], [[pag-iral]], [[pangsanlahat]], [[kakanyahan]], [[kaugnayan]], [[kasanhian]], [[kalunanan]], [[kapanahunan]], [[pangyayari]] at maraming iba pa.
 
Isang dahilan na nakakapagpahirap sa pagpapaliwanag kung ano ang metapisika ang napakalaking pagbabago na pinagdaanan ng sangay na ito mula nang pangalanan ng mga patnugot ni [[Aristoteles]] ang sangay ng ito maraming daantaon na ang nakakalipas. Maraming problemang hindi dati-rating ibinibilang na pangmetapisika ang naidagdag sa metapisika. Meron namang dating itinuturing na mga problemang pangmetapisika ang nakaugalian nang ilipat sa ibang nakahiwalay na sangay ng pilosopiya, tulad ng [[pilosopiya ng relihiyon]], [[pilosopiya ng pag-iisip]], [[pilosopiya ng pagdama]], [[pilosopiya ng wika]] at [[pilosopiya ng agham]]. Napakahabang oras ang maaaksaya kung babanggitin ang lahat ng problemang tinataglay, o dati-rating naging bahagi, ng metapisika.
 
Ang maaari nating tawagin na "pinakasentrong" mga problema sa metapisika ay ang mga problemang ''lagi'' nang itinuturing na pangmetapisika at ''di-kailanman'' itinuring na di-pangmetapisika. May pagkakahawig ang mga problemang pangmetapisika sa mga ibinibilang na mga problema ng [[ontolohiya]], "ang agham ng pag-iral ''sa katalagahan'' ng pag-iral" ''(basahin ang [[ontolohiya]])''.
 
Iba naman ang pakiwari ng ibang mga tradisyon ng pilosopiya tungkol sa mga problemang pangmetapisika kumpara sa tradisyon ng pilosopiya sa Kanluran; tulad ng [[Taoismo]] at iba pang [[Pilosopiya sa Silangan]] na hindi sumasang-ayon sa mga pangunahing simulain ng metapisika ni Aristoteles, na naging bahagi na at di-tinututulan sa pilosopiya sa Kanluran, bagaman merong ilan sa Kanluran na may ibang pananaw sa metapisika tulad ni [[Georg Wilhelm Friedrich Hegel]] sa kanyang ''Agham ng Lohika''.
Linya 9:
== Pinagmulan ng salitang 'metapisika' ==
 
Nagsulat ng maraming aklat ang sinaunang pilosopong Griego na si [[Aristoteles]] na tinipon at pinangalanang ''Pisika''. Sa nauna nitong edisyon, iniayos ang mga sinulat ni Aristoteles ayon sa paksa; at may pangkat ng aklat na inilagay kasunod ng ''pisika''. Tinatalakay ng mga aklat na ito ang pangunahin at pangsaligang bahagi ng pagsasaliksik ng pilosopiya na hindi pa noon napapangalanan. Kaya tinawag ng mga sinaunang dalubhasa na maka-Aristoteles ang mga aklat na ito na τὰ μετὰ τὰ φυσικά, "ta meta ta physika", na nangangahulugang "ang (mga aklat na inilagay) kasunod ng (mga aklat sa) pisika." Kaya, ito ang pinagmulan ng salitang 'metapisika' (sa [[Griego]], μεταφυσικά).
 
Kaya sa pagsusuri ng salitang-ugat, metapisika ang paksa ng mga aklat ni Aristoteles, na sama-samang pinangalanan na ''metapisika''. 'Paksa ng ''metapisika'' ni Aristoteles' ang pang-etimolohiyang kahulugan ng ''metapisika''.
 
Nahahati ang ''metapisika'' sa tatlong bahagi, na itinuturing ngayon na mga tradisyunal na sangay ng Kanluraning metapisika; ito ang (1) [[ontolohiya]], (2) [[teolohiya ni Aristoteles]] at (3) [[agham na pangsanlahat]]. Meron ding mas maigsing mga sulatin na iba ang tinatalakay, tulad ng talasalitaang pampilosopiya, na sinisikap ipaliwanag ang pilosopiya sa mas malawak nitong kahulugan, at mga sipi mula sa ''pisika'' na tuwirang kinopya ang mga salita.
 
* ''Ontolohiya'' ang pag-aaral ng [[pagmemeron]], [[pag-iral]]; may tradisyunal itong pakahulugan na "ang agham ng pag-iral ''sa katalagahan'' ng pag-iral" ''
Linya 19:
* ''Teolohiya'', nangangahulugan ito dito na pag-aaral tungkol sa [[Diyos]] o sa 'mga diyos' at ang mga tanong tungkol sa mga bagay na makadiyos.
 
* ''Agham na pangsanlahat'' ang pag-aaral na dapat tumalakay sa mga pangunahing simulain ni Aristoteles, na pinagbabatayan ng iba pang pagsasaliksik, tulad ng simulain tungkol sa [[batas ng kawalang-kontradiksyonkontradiksiyon]]: ''Hindi maaaring umiral ang isang bagay at sa parehong kaparaanan ay sabay itong hindi umiral''. Hindi puwedeng sabay na merong santol at walang santol. Hindi rin puwede na kulay asul ang lahat at kasabay naman na kulay pula ang lahat. Tinatalakay ng "Agham na Pangsanlahat" o "Unang Pilosopiya" ang pag-iral ''sa katalagahan'' ng pag-iral —- na ibig sabihin, ano ang pinagbabatayan ng lahat ng agham (pag-aaral), bago pa idagdag ang mga sari-saring kaalaman ng anumang agham. Kabilang dito ang kasanhian, kaibuturan, katangian at taglay na sangkap ng mga bagay.
 
=== Mga Halimbawa ===
Linya 33:
 
Narito ang isa pang tanong tungkol sa kung ano ang mga pisikal na bagay: kailan natin masasabi ''sa pangkalahatan'' na ''pumasok'' na ''papunta'' sa ''pag-iral'' ang mga pisikal na bagay at kailan ''natatapos'' ang pag-iral nito?
Tiyak natin na maaaaring magbago ang isang santol pero nandito pa rin ito; hindi ito nawawala. Maaari itong mangitim at mabulok, ngunit santol pa rin ito. Hindi maaaring maging bayabas ang isang santol. Ngunit kapag kinain ang santol, hindi lamang ito nagbago, tuluyan na rin itong nawala. Ang mismong pagkasantol nito ang natapos. Kaya bahagi ng pag-aaral ng metapisika ang mga tanong tungkol sa [[kakanyahan]] (identity), ang pananatili ng isang bagay sa kanyang pag-iral sa loob ng kanyang kapanahunan, hanggang sa sumailalim ito sa [[pagbabago]], at kalaunan, ang mismong pagkawala (nothingness) nito.
 
Umiiral ang isang santol sa isang [[kalunanan]] (nakalagay ito sa isang hapag sa gitna ng isang silid) at sa isang [[kapanahunan]] {(nakalagay ito ngayon; hindi ito nakalagay noong isang linggo at wala na ito sa susunod na sanglinggo). Ngunit paano nga ba uunawain ang [[kalunanan]] (space) at [[kapanahunan]] (time)? Bilang halimbawa, maaari ba nating sabihin na isang di-nakikitang koneksyonkoneksiyon ng mga linya sa tatlong kasukatan (dimensyon) ang kalunanan, na kinalalagyan ng santol at iba pang mga pisikal na bagay? Kung halimbawang alisin natin ang santol at iba pang mga pisikal na bagay sa pag-iral: mananatili ba sa pag-iral ang kalunanan? May ibang nagsasabi na "hindi", na sa kawalan ng mga pisikal na bagay, naglalaho rin ang kalunanan, dahil balangkas lamang ito kung paano natin inuunawa ang kaugnayan ng mga pisikal na bagay. Marami pang ibang tanong na pangmetapisika na maiuugnay sa kalunanan at kapanahunan.
 
Meron pang kakaibang mga tanong sa metapisika. Isang uri ng bagay ang santol; kung nasa silid din si Maria, at sinasabi nating may [[isip]] si Maria, tiyak na sasabihin nating iba ang pag-iral ng isip ni Maria sa pag-iral ng santol. Maaari nating sabihin na di-materyal ang isip ni Maria, samantalang materyal na bagay naman ang santol. Hindi rin yata tama na sabihing nasa isa lamang pook ang isip ni Maria, dahil hindi natin maaaring ikulong sa isang silid ang kanyang isip. Ngunit may tiyak at tukoy na kinalalagyan ang santol (sa ibabaw ng hapag na nasa gitna ng silid). Ngayon, paano naman nating ipapakita ang kaugnayan ng isang kalagayang-pangkaisipan, tulad ng pagpapasyang kumain, sa isang pisikal na pangyayari, ang mismong pagkain ng santol? Paano ang ugnayan ng [[kasanhian]] sa pagitan ng isip at katawan kung talagang magkaiba ang mga ito? Ito ang ''[[suliranin ng isip-katawan]]'' na nakaugalian na ngayong ilipat sa nakakababang sangay ng pilosopiya, na tinatawag na [[pilosopiya ng pag-iisip]]. Ngunit may ibang pilosopo na nagtuturing na bahagi ng metapisika ang suliranin ng isip-katawan.
Linya 59:
* [[Pilosopiya]]
 
Matatagpuan sa seksyongseksiyong ito ang iba pang may kaugnayang mga sulatin. ''(Patuloy na madaragdagan)''
 
== Nakaturo sa Panlabas ==
Linya 69:
* [http://www.perseus.tufts.edu/cgi-bin/ptext?lookup=Aristot.+Met.+980a Salin ni Hugh Tredennick (HTML at Perseus)]
* [http://plato.stanford.edu/entries/aristotle-metaphysics/ Metapisika ni Aristoteles sa Stanford Encyclopedia of Philosophy]
* Stefan Amsterdamski, Between Experience and Metaphysics. Boston Studies in the Philosophy of Science 35. Dordrecht--BostonDordrecht—Boston, Reidel, 1975.
* [http://www.arfalpha.com/IdealMadeReal/IdealMadeReal.htm The Ideal Made Real or Applied Metaphysics For Beginners ni Christian D. Larson]
* [http://waysofseeing.net/ Ways of Seeing: A common sense exploration of modern metaphysics.]