Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Arachnida"

m
orthography, replaced: ksyon → ksiyon (2) using AWB
m (Bot: Migrating 74 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q1358 (translate me))
m (orthography, replaced: ksyon → ksiyon (2) using AWB)
Ang mga araknid ay kalimitang mga terestriyal na mga [[arthropod]], ngunit makikita rin sa mga tubig tabang malibang na lang sa [[sonang pelagik]], at sa lahat ng mga kapaligirang marino. Mayroong silang higit sa 100,000 napangalanang [[uri]], kabilang na ang mga [[gagamba]], [[alakdan]], [[opiliones]], [[tick]], at [[mite]].<ref>{{cite book|editor=Cracraft, Joel & Donoghue, Michael|title=Assembling the Tree of Life|publisher=Oxford University Press, USA|date=2004|page=297}}</ref>
 
Kalimitang masasabi na ang mga araknid ay may apat na pares ng mga paa at mahihiwalay ang mga araknid as mga [[kulisap]] dahil dito (ang mga kulisap ay mayroon lamang tatlong pares ng mga paa). Ang mga araknid ay kalimitang may 6 na pares ng mga appendage — dalawang pares ay ginagamit sa pagkain, paddepensa at persepsyong pandamdam. Ang unang pares ng appendage, ang [[chelicerae]], ay ginagamit sa pagkain at pagdepensa. Ang sumusunod na appendage, ang [[pedipalps]], ay ginagamit sa pagkain, lokomosyon at [[reproduksyonreproduksiyon]]. Sa [[Solifugae]], ang mga palpi ay parang mga paa at nagmumukhang sampu ang mga paa ng Solifugae. Ang mga [[larva]] ng mga mite (at [[Ricinulei]]) ay may anim na paa lamang; ang ika-4 na pares ay lumalabas sa [[ecdysis|moult]] nito bilang [[nimpa (biyolohiya)|nimpa]]. Subalit may mga matatandang mga mite na mayroon lamang anim o minsan pa ay apat na mga paa.<ref name=schmidt93>Schmidt 1993: 58</ref>
 
Maiiba pa ang mga Araknid sa kawalan nila ng [[antenna (biyolohiya)|antennae]] at mga [[pakpak ng kulisap|pakpak]]. Ang kanilang mga katawan ay nakaayos sa dalawang [[tagma]] na tinatawag na [[prosoma]], o [[cephalothorax]], at ang [[opisthosoma]], o [[abdomen]]. Ang [[cephalothorax]] (prosoma) ay mula sa pagsasama ng [[cephalon]] (ulo) at ng [[thorax]]. Ang [[abdomen]] (opisthosoma) ay mahihiwalay pa sa preabdomen at postabdomen sa maraming taksa, subalit may mga orden na gaya ng [[Acari]] kung saan magkasama ang mga abdominal na seksyonseksiyon.<ref>Ruppert, E., Fox, R., & Barnes, R. (2007) Invertebrate Zoology: A functional evolutionary approach. 7th Edition. ''Thomson Learning'' ISBN 0-03-025982-7</ref>
 
May ilang mahahalagang mga modipikasyon na mahalaga as pamumuhay ng mga araknid. Isa na dito ang panloob na repiratoryong balat sa anyo ng [[Invertebrate na trachea|trachea]], o modipikasyon ng [[book gill]] bilang [[book lung]], isang panloob na serye ng mga [[baskular]] na [[lamellae]] na ginagamit sa [[pagpapalit ng gas]] sa hangin. Ang iba pang mga adapsyon ay ang mga [[appendage]] na minodipika upang sa mas mainam na [[lokomosyon]] sa lupa, panloob na pertilisasyon, espesyal na organong pandamdam, at mas mainam na pagpapanatili ng [[tubig]] gamit ang mga mainam na [[ekskretori]] na istruktura, ([[glandulang koksal]] at [[Malpighian tubules]]) at mga mapagkit na patong na nakabalot sa cuticle.
Ang mga araknid ay kalimitang [[carnivore|kumakain ng karne]]. Kumakain sila ng mga nauna nang natunaw na mga katawan ng mga kulisap at mga maliliit na hayop. Tanging ang mga [[harvestmen]] at mga [[mite]], gaya ng [[house dust mite]], na may makikitang pagkain ng solidong partikulo at ang pagbilad sa mga panloob na parasitiko <ref name=pinto2007>Pinto-da-Rocha, R., Machado, G. & Giribet, G. (2007) Harvestmen — The Biology of Opiliones. ''Harvard University Press'' ISBN 0-674-02343-9</ref>, subalit hindi katakatataka sa mga gagamba na kainin ang sarili nilang sapot. Maraming grupo ay [[kamandag (lason)|makamandag]]. Naglalabas sila ng mga kamandag gamit ang mga espesyal na mga [[glandula]] upang pumatay ng prey o kaya kalaban. Maraming mite ang mga [[parasitiko]] at kalimitang nagdadala ng [[sakit]]. Ang mga araknid ay kalimitang [[itlog (biyolohiya)|nangingitlog]] subalit may mga alakdan na nangaganak ng buhay na supling.
 
Totoong ang lahat ng mga arthropod ay may mga exoskeleton at may panloob na estraktura ng parang [[cartilage]] na tissue na tinatawag na [[endosternite]]. Maraming grupo ng masel ang nakadikit dito. Ang kalsipikasyon ng endosternite ay makikita sa ilang mga Opiliones. <ref>[http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/750069]</ref>
 
Mayroong dalawang uri ng mga mata ang mga Araknid, ang lateral at median na [[ocelli]]. Ang lateral na ocelli nag-evolve mula sa mga [[matang kompawnd]] at mayroong [[tapetum lucidum|tapetum]] na tumtulong sa paghuli ng mga [[photon]]. Ang median na ocelli ay nagmula sa isang tuping transverse fold ng [[ectoderm]]. Ang mga ninuno ng mga makabagong araknid ay maaring may parehong uri ng mata ngunit ang mga makabago ay mayroong isa lamang sa dalawang uri.<ref name=pinto2007/>