Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Sayusay"

m
orthography using AWB
m (Inalis ang binago ni 121.54.2.132, ibinalik sa huling bersyon ni 122.54.244.196)
m (orthography using AWB)
Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa paglinang ng kasanayan sa komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay-ngalan, at pagbibigay-kapangyarihan.
 
Sa tradisyunal na pagkilala sa sining na ito, karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng pagbigkas at, samakatwid, ay kinakailangang masangkapan hindi lamang ng mga estilo sa pananalita kundi maging sa paggamit ng jestyurs at galaw para maging epektibo at kaakit-akit sa mga taga-pakinig. Kaugnay nito, sinasabi nina ''William D. Halsey'' at ''Emmanuel Friedman'' (1979) na ang retorika ay isang berbal na [[agham]] at humahakdaw pa sa ''lojic'' at ''balarila''. Sa pagbibigay-empasis nito sa paggamit ng mga salita bilang epektibong sangkap, ang retorika ay nakatuon sa maaring magawa ng mga salita at hindi sa kinakailangang istraktura o ayos ng mga [[salita]] sa isang pahayag. Ang binibigyan-priyoriti sa retorika ay kalayaan sa pagpapahayag at hindi ang mga panuntunang ipinagbabawal ng lojic at balarila. Maaring sabihing sa retorika, ang mahalaga, unang-una ay ang epektibo at ang magandang pagapaphayag, bago pa ang ''lojic'' at ''balarila''. Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap. Kailangang mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng maganda at mabisang pagpapahayag na magagawa lamang ng isang malikhaing manunulat sapagkat siya’y may kakayahan sa paggamit ng mga [[salita]] bukod sa may kinalaman sa mga prinsipyo ng retorika at ng mga sangkap nito. Kaya hindi nga kataka-taka kung bakit ang mga nasa [[mass media]] ay mahuhusay; sa pamamgitan ng alam nilang mga sangkap ng retorika, namamanipuleyt nila ang isispan ng kanilang mga tagapakinig at mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit nila ng mga [[salita]].
 
:<big>“''Tulad ng salapi at enerhiyang atomiko, ang mga salita ay magagamit sa mga layuning mabuti at masama.''”</big> - (halaw mula sa salaysay ni William D. Halsey)<ref name="Antonio, Andres, Ambrocio, Aranza, Bagadiong">{{citation | first=Eroll John | last=Antonio | contribution=''Ano ba ang Retorika?'' | editor-last = Andres, A.K.| editor2-last =Ambrocio, R.A. | editor3-last=Aranza, A. | editor4-last= Bagadiong, K. | title=[[LIKHA sa Makabagong Henerasyon]] | from=University of the East, Philippines | link=http://erroljohn020.blogspot.com/2008/04/what-is-rhetorics-anu-ang-retorika.html }}</ref>
==Kaligirang pangkasaysayan==
 
[[File:Socrates Louvre.jpg|thumb|250px||right|Si Socrates, batay sa kontekstong pang-kasaysayan, ay itinuturing na isa sa mga nagpalaganap ng retorika noong mga unang siglo. (''Pagkilala sa imahe para kay:'' '''Eric Gaba''' (User:Sting)]]
 
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa '''Syracuse''', isang isla sa ''Sicily'' noong ''ika-limang siglo'' bago dumating si [[Kristo]]. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang ''diktaturyal'', ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na si '''Corax''', isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang ''proem'' o ''introdusyon''; ang ''salaysay'' o pahayag na [[historical]]; ang mga pangunahing argumento; mga '''karagdagang pahayag''' (''supplemental statements'') o '''kaugnay na argumento''' (''supporting arguments''); at ang ''konklusyon''. Naimbento nila ang ''retorika'' sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga '''konkretong katibayan''' (''concrete evidence'').
 
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga ''sophist'', Makapal na panitik (''katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon''), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang [[political]] sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at ''estilo'' sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni [[Socrates]] (''c. 470-399 B.C.'') sa pagsasabing walang hangad ang mga ''sophist'' maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa ''retorika'' bilang sining ng pakikipagtalo (''debate'') at hindi sustansya ng ''talumpati''. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng '''palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain'''. Kinikilalang pinakama-impluwensyang retorisyan noon si Isocrates ''(c. 436-338 B.C.)''. Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang '''tuluyan''' o ''prosa''. Kakikitaan ang kanyang sariling ''prosa'' ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting [[pangungusap]] na mayaman sa [[History|kasaysayan]] at [[Philosophy|pilosopiya]]. Sa Rhetoric ni '''Aristotle''' ''(384-322 B.C.)'' sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang [[Logic|lohika]] ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang ''enthymeme'' kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na [[silohismo]] na mula sa katotohanang '''unibersal'''; at ang halimbawa o ''analogy'' para sa pangangatwirang induktibo.
 
Si '''Cicero''' ''(106-43 B.C.)'' ang batikang orador ng [[Roma]], katulad din ni [[Aristotle]], ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng ''orador'' kaya’t sa isyu ng [[Moral|moralidadmoral]]idad ipinahayag niyang nararapat na '''maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati'''. Sagana ang ''prosa'' ni ''Cicero'' sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni [[Aristotle]] ang ''oratoryong deliberative'' o [[politikal]] na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (''public debate''). Si Aristotle din ang nagpasimula ng ''oratoryong panseseremonya'' o ''epideictic'' na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga [[salita]]. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na ''declamation''.<ref name="Antonio, Andres, Ambrocio, Aranza, Bagadiong">{{citation | first=Eroll John | last=Antonio | contribution=''Ano ba ang Retorika?'' | editor-last = Andres, A.K.| editor2-last =Ambrocio, R.A. | editor3-last=Aranza, A. | editor4-last= Bagadiong, K. | title=[[LIKHA sa Makabagong Henerasyon]] | from=University of the East, Philippines | link=http://erroljohn020.blogspot.com/2008/04/what-is-rhetorics-anu-ang-retorika.html }}</ref>
 
==Layunin==
[[Image:Traitdunion 02-2002 Ostia-Talk LR.jpg|thumb|right|Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang uri ng komunikasyon, isang paraan ng paggamit ng retorikal na ekspresyon, na tinatawag '''''Small-group communication''''']]
 
Ang '''retorika''' ay isang uri ng sining na naisasagawa sa pamamagitan ng ''pasalita'' o ''pasulat'' na paraan. Saklaw ng dalawang elementong pang-komunikasyon, ito ay tunay na maituturing bilang isang haligi ng pakikipagdayalogo. Sa isang dayalogo, nangangailangan ng dalawa o higit pang indibidwal upang ito ay maisagawa. Sa tulong ng presensya ng mga tagapag-dayalogo, nagkakaroon ng gradwal na asimilasyon na siyang nagsisilbing pamuhatan upang makapagpalitan ng samu't saring '''ideya''', '''pakiramdam''', '''argumento''', o kaya ay mga manipestasyon na hinimok mula sa iba't ibang '''aspetong pangkapaligiran''' ang mga sangkot sa isang dayalogo. Ang retorikal na paggamit ng mga salita ay hindi lamang mailalapat sa ''interpersonal'' na uri ng komunikasyon; bagkus, ito rin ay maaaring magamit sa mas malaking kantidad ng tao. Kabilang sa mga terminolohiyang tinutukoy dito ay ang ''small-group communication'', uri ng komunikasyon na nangangailangan ng tatlo o higit pang indibidwal upang makapagpalitan ng iba't ibang saloobin mula sa mga natatanging aspeto na nakatakda nitong pagtuunan ng pansin.<ref name="Bajaj">{{citation | first=Rajiv | last=Bajaj | contribution=''Small-group communication'' | link= http:http://www.slideshare.net/rajivbajaj/small-group-communication}}</ref> Bukod sa nabanggit, kabilang rin dito ang mas nakatataas na antas ng pakikipagdayalogo gaya ng ''organisasyonal na komunikasyon'' (mula sa terminong ginamit na humuhulma sa katayuan ng isang organisasyon o kapisanan upang lumikha ng isang kumberseysyon)<ref name="Baker">{{citation | first=Kathryn | last=Baker | contribution=''Organizational Communication'' | link= http://www.au.af.mil/au/awc/awcgate/doe/benchmark/ch13.pdf‎}}</ref> at ''komunikasyong pang-madla'', kung saan ito ay tumutuon sa partisipasyon ng maraming tao, na maaaring nasasaklaw ng isang institusyon o anumang pangkat ng mga indibidwal na sinabayan ng presensya ng mga sangay ng media para sa mas mabilis na pagpapakalap ng mensahe.<ref name="Wikipedia">{{citation | first=The Free Encyclopedia| last=Wikipedia, | contribution=''Mass Communication'' | link= http://en.wikipedia.org/wiki/Mass_communication‎}}</ref>
 
==Kahalagahan at Kaugnayan ng Retorika at Wika sa iba pang Larangan==
====Sosyolohiya====
 
:Ang malaking kaugnayan ng [[wika]] at [[sosyolohiya]] sa isa’t isa ay pinatutunayan ng '''sosyolinggwistika''', isang sangay ng pag-aaral tungkol sa [[wika]] na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang ''socius'' at ''linggwistika''. Ang ''socius'' ay salitang Latin na nangangahulugan ng ''interaksyoninteraksiyon'', ''pakikisalamuha'', ''pakikibagay'' at ''pakikipamuhay'' ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.<ref name="Antonio, Andres, Ambrocio, Aranza, Bagadiong">{{citation | first=Eroll John | last=Antonio | contribution=''Ano ba ang Retorika?'' | editor-last = Andres, A.K.| editor2-last =Ambrocio, R.A. | editor3-last=Aranza, A. | editor4-last= Bagadiong, K. | title=[[LIKHA sa Makabagong Henerasyon]] | from=University of the East, Philippines | link=http://erroljohn020.blogspot.com/2008/04/what-is-rhetorics-anu-ang-retorika.html }}</ref>
 
==Panlabas na Kawing==
 
* [http://www.takdangaralin.com/filipino/retorika/retorika-kahulugan-ng-retorika/ Retorika: Kahulugan ng Retorika]
* [http://www.slideshare.net/cychie13/retorika-at-mabisang-pagpapahayag Retorika at Mabisang Pagpapahayag]
{{reflist}}
 
[[KaurianKategorya:Retorika]]
{{stub|Pilosopiya}}
 
[[Kaurian:Retorika]]
 
{{Link FA|fr}}