Hinuhang atomiko: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Legobot (usapan | ambag)
m Bot: Migrating 29 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q210553 (translate me)
m orthography using AWB
Linya 1:
Sa kimika at pisika, ang '''hinuhang atomika''' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''atomic theory'') ay isang hinuha sa kalikasan ng materya na kung saan tinutukoy na ang [[materya]] ay binubuo ng hiwalay at malinaw na bahagi na tinatawag na [[atomo]]. Ito ay kakaiba sa matandang paniwala na ang materya ay mahahati sa mga arbitrayong laki.
 
Ang hinuhang atomika ay nagsimula libong taon ang nakalilipas bilang kaisipang pangpilosopiya at noong siglo 19 kung kailan natamo nito ang malawak na pagtanggap sa [[agham]]. Salamat sa mga tuklas sa larangan ng [[estoikiyometriya]]. Ang mga kimiko noong mga panahong yaon ay naniniwala na ang pinakapundamental na yunit ng mga elemento ay mga partikulang pundamental ng kalikasan na tinatawag na atomo (mula sa salitang Griyegong ''atomos'', na may kahulugang “di nahahati”). Subalit, sa pagpasok ng siglo 20 sa pamamagitan ng ibat-ibang eksperimento sa [[elektromagnetismo]] at [[radyaktibidad]], natuklasan ng mga pisiko na ang “di nahahating atomo” ay binubuo pala ng mga iba’t-ibang subatomikong partikula (tulad ng [[elektron]], [[proton]] at [[neutron]]) na maaring uminog ng hiwalay sa isa’t-isa. Sa katunayan, sa ilang matitinding paligid tulad ng mga [[bituing neutron]], hindi umiinog ang mga atomo dahil sa napakatinding na temperatura at presyon. Ang larangan ng agham na nag-aaral ng mga subatomikong partikula ay tinatawag na [[pisika partikula]] at sa larangang ito, umaasa ang mga pisiko na matutuklasan ang tunay ng pundamental na kalikasan ng materya.
 
==Atomismong pangpilosopika==
Linya 42:
===Pagkakatuklas ng mga subatomikong partikula ===
 
[[Talaksan:JJ Thomson exp2.png|right|300px|thumb|Ang [[cathode ray tube]] ni Thomson na kung saan namatyagan niya ang paglihis ng [[cathode rays]] ng isang larangang elektrikal.]]
 
Sinasabing ang mga atomo ay pinakamaliit na paghahati ng materya hanggang 1897 nang matuklasan ni [[J.J. Thomson]] ang elektron sa pag-aaral niya ng cathode ray tubes.][[9]] Ang cathode ray tube na ginamit ni Thomson ay isang saradong lalagyang bubog na kung saan ang dalawang [[elektrod]] ay pinaghiwalay ng vacuum. Kapag ang ang [[boltahe]] ay pinaagos sa dalawang elektrod, nagbubunga ito ng cathode rays na ipikikita na isang nagbabagang patsa sa tinatamaang bahagi ng bubog sa kabilang dulo ng tubo. Sa pamamagitan ng eksperimentasyon, natuklasan rin ni Thomson na mga rayos na ito ay napalilihis ng [[larangang elektrikal]] (at [[larangang magnetiko]] na alam na noon). Kanyang ipinalagay na ang mga rayos na ito, sa halip na mga onda, ay binubuo ng mga partikulang may negatibong kargada na tinawag niyang “korpuskula” (na tinawang na elektron nang lumaon ng ibang siyentipiko)
 
Paniwala ni Thomson na ang mga korpuskula ay nagmula sa mga atomo ng elektrod. Dahil dito ipinalagay niya na ang mga atomo ay nahahati at ang mga korpuskula ang bumubuo rito. Upang maipaliwanag ang kabuuang neutral na karga na atomo, kanyang iminungkahi na ang mga korpuskula ay nakakalat na pahaba-bilog na balangkas sa pantay na dagat o ulap ng positibong karga na tinawag na plum pudding model.[10]
Line 51 ⟶ 50:
Sa dahilang napatunayan na tunay na nahahati ang atom, inimbento ng mga pisiko ang katagang “elementaryong partikula” upang ipaliwanag ang mga partikulang hindi na mahahati pa.
Pagkatuklas ng nukleyo
 
[[Talaksan:Gold foil experiment conclusions.svg|right|200px|thumb|Ang eksperimento sa pohas na ginto<br> ''Itaas:'' Inaasahang resulta: ang mga partikulang alfa ay lalagos sa plum pudding model ng atomo nang halos walang paglihis.<br> ''Ibaba:'' Namatyagang resulta: kaunti ng mga partikula ang lumihis na nagpapakita ng isang maliit at siksik ng positibong karga]]
Line 71 ⟶ 69:
May kakulangan ang planetaryong modelo ng atomo. Una, ayon sa pormula ni Larmor sa [[klasikong elektromagnetismo]], ang matuling kargadong elektron ay nagpapalabas ng mga [[ondang elektromagnetiko]]; ang isang lumiligid na kargadong elektron ay unti-unting mawawalan ng lakas (enerhiya) sa pagbulusok nito sa nukleyo kung saan dagling sasalpok ito. Ang isa pang balagha na hindi maipaliwanag ng modelong ito ay kung bakit ang mga sabik na atomo ay nagpapalabas lamang ng liwanag sa loob ng hiwalay at malinaw na espektra.
[[Talaksan:Bohr atom model English.svg|thumb|right|Ang modelong Bohr ng atomo]]
 
Napakalaking pagbabago sa pisika ang dulot ng hinuhang kwantika noong bungad ng siglo 20 nang magpostula sina [[Max Planck]] at Albert Einstein na ang liwanag ay inilalabas o hinihigop sa tiyak na dami na tinatawag ng [[kwanta]] (isahan, kwantum). Noong 1913, isinama ni [[Niels Bohr]] ang ideyang ito sa kanyang modelong Bohr ng atomo na kung saan ang mga elektron ay makaliligid lamang sa nukleyo sa isang partikular ng pabilog na pagligid na may tiyak ng [[momentong angular]] at [[enerhiya]] at kung saan ang layo nito sa nukleyo ay proporsyonal sa kanya-kanyang enerhiya [16] Sa modelong ito hindi unti-unting bubulusok ang mga elektron sa nukleyo dahil hindi sila tuluyang mawawalan ng enerhiya; sa halip kisapmatang makaluluksong kwantiko lamang sila sa pagitan ng tiyak ng nibel ng enerhiya. [16] Kapag nangyari ito, nagpapalabas o humihigop ito ng liwanag na may prekwensyang proporsyonal sa pagbabago ng enerhiya (at kaya ang paghigop at pagpapalabas ng liwanag ng tiyak at malinaw na espektra). [16]
Line 78 ⟶ 76:
Noong 1924, nagmungkahi si [[Louis de Broglie]] na ang lahat ng bagay – partikular ang mga subatomikong partikula tulad ng elektron – ay nagpapakita ng ugaling parang onda (alon). Naakit si [[Erwin Schrodinger]] sa ideyang ito at kanyang sinubukan kung mas mainam na ipaliwanag ang kilos ng isang elektron bilang isang onda kaysa isang partikula. Ang [[ekwasyon ni Schrodinger]] ay inilathala noong 1926 [17]na nagpapaliwanag sa isang elektron bilang isang punsiyong-alon sa halip na isang partikulang tuldok. Eleganteng naipaliwanag nito ang mga balaghang espektral na hindi maipaliwanag ng modelong Bohr. Kahit na konbinyente ito sa paggamit ng matematika, mahirap itong maisalarawan at marami ang laban dito [18] Isa sa mga kritiko nito ay si [[Max Born]] na nagmungkahi na ang punsyong-onda ni Schrodinger ay hindi nagpapaliwanag sa elektron bagkus sa lahat ng posibleng katayuan (estado) at sa gayon ay magagamit ito sa pagtutuos sa probabilidad upang masumpungan ang isang elektron sa isang tiyak na lokasyon sa paligid ng nukleyo. [19]
 
Noong 1927, itinuro ni [[Werner Heisenberg]] na dahil isinasama ng isang punsyon-onda ang panahon at posisyon, imposibleng mahalaw ng magkasabay ang tiyak na halaga ng posisyon at momento ng isang partikula sa isang alam na panahon[20]; ito ay naging kilala bilang [[prinsipyo ng walang katiyakan]].
 
[[Talaksan:neon orbitals.JPG|frame|right|Ang limang ligirang atomika ng isang atomo ng neon na pinaghiwalay at iniayos papataas sa enerhiya. Ang bawat ligiran ay naglalaman hanggang dalawang elektron na umiinog sa sonang ipinakikita ng mga bolang may kulay. Ang elektron ay magkatumbas sa parehong sona ng ligiran na ipanakikita rito upang isalarawan ang iba’t-ibang pase ng onda.]]
Line 98 ⟶ 95:
*8. ^ Albert Einstein (1905), On the Movement of Small Particles Suspended in Stationary Liquids Required by the Molecular-Kinetic Theory of Heat, Annal der Physik
*9. ^ JJ Thomson (1897), Cathode rays, Philosophical Magazine
*10. ^ JJ Thomson (MarchMarso 1904), On the Structure of the Atom: an Investigation of the Stability and Periods of Oscillation of a number of Corpuscles arranged at equal intervals around the Circumference of a Circle; with Application of the Results to the Theory of Atomic Structure, Philosophical Magazine Series 6, Vol 7, No 39
*11. ^ H Geiger (1910), The Scattering of the α-Particles by Matter, Proceedings of the Royal Society Series A 82: 495–500
*12. ^ Ernest Rutherford (1911), The Scattering of α and β Particles by Matter and the Structure of the Atom, Philosophical Magazine Series 6, vol. 21
Line 111 ⟶ 108:
</small>
 
[[KaurianKategorya:Pisika]]
[[KaurianKategorya:Kimika]]
 
{{Link GA|en}}