Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Lohika"

m
orthography, replaced: nsyon → nsiyon using AWB
m (orthography, replaced: ksyon → ksiyon using AWB)
m (orthography, replaced: nsyon → nsiyon using AWB)
Mula sa lumang [[wikang Griyego|Griyego]] na λόγος (''logos'') ang '''lohika'''. Ang literal nitong kahulugan ay “ang salita” o “ang sinabi”, ngunit mas pinipili ang kahulugan nito bilang “kaisipan” o “katwiran”. Ito ang [[pangangatwiran]] na ginagamit upang maabot ang katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa hanay ng mga palagay. Sa mas pormal na kahulugan, isang pag-aaral ng mga palagay ang lohika—ang proseso kung saan nalilikha ang mga bagong pahayag mula sa mga napatunayan nang mga pahayag. Isang masalimuot na talakayan sa pagitan ng mga pilosopo ang pagbibigay ng eksaktong kahulugan sa “lohika.” Ngunit anuman ang batayang napili para sa pag-aaral ng lohika, ang mithiin ng mga tagapagtaguyod nito ay ang pagpapaunlad sa kakayanan ng tao na mapaghiwalay ang mga tumpak sa di-tumpak na pangangatwiran bilang gabay sa wastong pag-iisip.
 
Sa likas nitong anyo, ang kayarian ng mga palagay ang nagkakaroon ng partikular na pansin—ang ''pormal'' na ugnayan sa pagitan ng bagong gawang mga pahayag at mga napatunayan nang pahayag, kung saan nangangahulugan ang "pormal" na malaya ang ugnayan mula sa pahayag nito mismo. Mahalaga ang pagsiyasat sa ''pagkakaroon ng batayan'' sa hakahaka, kasama ang mga iba't ibang posibleng kahulugan ng pagkakaroon ng batayan at praktikal na kondisyon sa kanyang kapasyahan. Sa ganitong paraan, nakikita na may mahalagang ginagampanan ang lohika sa [[epistemolohiya]] na nagbibigay ng mekanismo para sa pagpapalawig (ekstensyonekstensiyon) ng [[kaalaman]].
 
Bilang pangalawang resulta, nagbibigay-hatol sa pangangatwiran ang lohika; sa madaling salita, kung papaano dapat mangatwiran ang mga tao—gayon din ang iba pang mga matatalinong nilalang, makina, at sistema. Gayunman, di-mahalaga sa lohika ang ganoong mga kahatulan. Mas mahalaga para dito ang mga paglalapat. Kadalasang pinag-aaralan sa ibang larangan kung papaano mangatwiran ang mga tao, kasama na dito ang [[kognitibong sikolohiya]].