Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pagmimina"

m
orthography: -ksyon > -ksiyon using AWB
m (orthography using AWB)
m (orthography: -ksyon > -ksiyon using AWB)
Ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa ibabaw ng lupa. Tinatawag itong '''pagmiminang patalop''' o ''strip mining'' sa Ingles. Ang ilang pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng lupa upang marating ang isang '''poso ng mina''' (''mine shaft'' sa Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina bilang '''pagmimina sa ilalim ng lupa''' o ''undergound mining''. Ang ilang pagmimina, katulad ng pagmimina ng ginto, ay isinasagawa sa ibang mga paraan. Ang ginto ay maaaring mamina sa pamamagitan ng paghahanap sa loob ng himlayan ng isang [[ilog]] o ibang agusan o bugsuan ng [[tubig]] upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong '''pananala ng ginto'''.
 
Ang pagmimina ay ang tanging paraan upang makangalap ng uling, isang mahalagang mapagkukunan ng [[enerhiya]]. Ang mga minahang ito ay maaaring pagmiminang patalop, o kaya ay maaaring pagmimina na umaabot at nagmumula sa daan-daang talampakan ang pagiging kalaliman sa lupa. Ang pagmimina sa ilalim ng lupa ay isang [[mapanganib]] na [[hanapbuhay]]. Nagkakaroon ng mga [[aksidente]] sa mga minahan ng uling at tanso, at maraming mga tagapagmina ng uling ang namamatay taun-taon. Ang mga panuntunan na pangkaligtasan at natatanging mga kagamitang pangkaligtasan ay ginagamit upang mabigyan ng pruteksiyonproteksiyon ang mga minero mula sa mga aksidente.
 
[[Kategorya:Hanapbuhay]]