Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Nanoteknolohiya"

m
orthography: -nsyon > -nsiyon using AWB
m (Bot: Migrating 89 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q11468 (translate me))
m (orthography: -nsyon > -nsiyon using AWB)
Ang '''nanoteknolohiya''' ay binubuo ng mga unlad teknolohiya na may sukat na nanometro, kalimitan mula 0.1 hanggang 100 nm. (Ang isang nanometro ay katumbas ng isang parte ng isang libong mikrometro o ika-isang milyon ng isang milimetro.) Paminsanminsan, ang katagang ito ay iniuukoy din sa mikroskopyong teknolohiya.
 
Ang katagang nanoteknolohiya ay kadalasang ginagamit din sa katagang molekulang nanoteknolohiya (may daglat na “MNT”). Ito ay isang hipotetiko at abansadong porma ng nanoteknolohiya na pinaniniwalaang maabot sa darating na panahon. Kasama rito ang konsepto ng mekano-sintesis (pagbuo ng makina) sa molekulang nanoteknolohiya. Ang katagang nano-agham ay ginagamit sa magkakaakibat na mga larangan sa agham upang mapaunlad ang nanoteknolihiya.
 
Ang lubhang kaliitan ng nanoteknolohiya ay kadalasang sumasailalim sa mga kabalaghaang kwantika na kalimitang nagbubunga na resultang labag sa karaniwang kaisipan. Kasama rito ang epekto ng kwantikong laki at mga pwersang molekula tulad ng pwersang Van der Waals. Gayundin, ang pagkalaki-laking ratio ng surface area (lapad ng rabaw) sa volume nito ay magbubukas ng bagong posibilidad sa agham sa rabaw tulad katalisis (catalysis).
Ang unang nanobot na ginawa ay ang Nano-Bouquet (nanong kulumpon) na ginawa sa Univerdad ng Cambridge.
 
Unang nabanggit ang nanoteknolohiya sa isang pahayag na ibinigay ni Richard Feynman noong 1959, na may pamagat na There's Plenty of Room at the Bottom (Marami Pang Lugar sa Ibaba). Iminungkahi ni Feynman ang isang paraan upang makabuo ng kakayahan na tuwirang ayusin ang mga atomo at molekula sa pamamagitan ng paggamit ng makinaryang maliit nang sampung beses sa mga regular na kasangkapan sa mga talyer. Ang maliliit na kagamitang ito naman ang tutulong sa pagbuo at pagpapatakbo ng lalong mas maliit pang mga makina at aparato. Habang lumiliit ito, kailangang ibahin ang desenyo dahil magbabago rin ang tibay nito.
 
Magiging mas mahalaga ang tensyontensiyon sa rabaw (surface tension) gayundin ang atraksyongatraksiyong Van der Waals kaysa grabedad. Binanggit ni Feyman ang isyung ito sa pagsukat sa kanyang pagpapahayag. Walang pang nakapagpapabula sa posibilidad ng mungkahing niyang ito.
 
Ang katagang Nanoteknolohiya ay ginawa ni Norio Taniguchi isang propesor sa Tokyo Science University noong 1974 upang ipaliwanag ang paggawa ng mga materyales na may nanometrong sukat. Ang katagang ito ay binuhay muli noong mga 1980 na kung saan pinalawak ang kahulugan nito ni K Eric Drexler, lalo na sa kanyang librong Engines of Creation: The Coming Era of Nanotechnology. Kanyang pinagtuunan ang paksang ito sa teknikal na paliwanag sa kanyang disertasyon sa pagkapantas niya sa MIT na kanyang pinalawig sa Nanosystems: Molecular Machinery, Manufacturing, and Computation [1]
 
(http://www.zyvex.com/nanotech/nanosystems.html). Malaking ngayon ang papel ng computational methods sa dahilang magagamit ito nga mga nanoteknologo sa pagdidisenyo at pagmomodelo ng malawak na sistemang molekular.
[[Talaksan:Fullerene Nanogears - GPN-2000-001535.jpg|right|thumb|Ang nanoteknolohiya ay umuusad upang makagawa ng maliliit na teknolohiya; ito ay isang modelo ng “nano-muelye” na may laking ilang atomo ang lapad mula sa isang [[NASA]] computer simulation.]]
 
 
Sa pagiging sopistikado ng agham na ito, natural na pumasok ito sa larangang tinatawag na nanoteknolohiya. Ang katuturan ng nanoteknolohiya ay ito – sa pagpapaliit natin ng mga mga bagay nagsisimula itong magpakita ng mga kakaiba at bagong katangian. Halimbawa, ang mga nanopartikula ay may nakapaka-interesanteng katangian at nagpapakita na mainam gamitin ito bilang katalisador at iba pa. Makagawa man tayo ng mga nano-robot, inaasahing hindi ito pinaliit na bersyon ng karaniwang robot. Sinasabing ang makinaryang pinaliit ng nanoscale ay makakahawahig ng mga likas na aparato: proteina, DNA, lamad, atbp. Isang magandang halimbawa ang mga pagbubuo ng mga supramolekula.
 
Ang mga “nanosize” na pulbos (na may ilang nanometro sa diametro na tinatawag ding mga nano-particles) ay may malaking kahalagahan sa seramika, metalurhiyang pangpulbos, pagkakamit ng unipormeng nanong porosidad at mga kawangking aplikasyon nito. Isang malaking suliranin pangteknolohika ang malamang na pamumuo ng mga maliliit na partikula na nagpapabagal sa paggamit nito. May ilang mga dispersante tulad ng ammonium citrate (sa mga may tubig) at imidazoline o oleyl alcohol (sa mga walang tubig) ang inaasahang mga aditibo para hindi mamuo.
Noong ika-23 ng Agosto 2004, nagpahayag ang Stanford University na nakagawa ito ng isang transistor mula isang nano-tubo ng carbon at molekulang organiko. Ang mga single-walled carbon nanotubes ay parang bang nilulong banig ng mga atomo ng carbon. Nagawa nila ang transistor na ito na may dalawang nanometrong lapad at napanatili nila ang koryente sa haba ng tatlong nanometro. Upang makagawa ng resistor, pumutol sila ng metalikong nanotubo upang makabuo ng mga electrodes at pagkatapos nilagyan ng isa o dalawang organikong materyales upang makabuo ng isang semiconducting na kanal sa pagitan ng mga electrodes. Sinasabing ang bagong tuklas na ito ay gagamitin sa iba’t-ibang aplikasyon dalawa hanggang limang taon mula ngayon.
Sa kasalukuyan, gumagamit ng CMOS (complementary metal oxide semiconductors) ang mga prototypes. Sabi ng Intel sa darating na panahon aasa ang mga maliliit na sukat sa mga kwantikong tuldok, mga balumbong banig ng polimero at teknolohiya ng nano-tubo.
Ang mga plasmons ay mga onda (alon) ng elektron na naglalakbay sa rabaw ng mga metal. May kaparehong prekwensya at larangang elektromagnetiko ng liwanag ito subalit ang sub-ondang haba na laki nila ay nangangailangan lamang ng mas maliit na espasyo. Gumaganap ang mga plasmons na parang onda ng liwanag (light waves) sa bubog nakahinang sa metal na nagbibigay sa mga inhenyero na mamanipula ito tulad ng multiplexing o pagpapahatid ng multiple waves (pinaraming onda). Sa paggamit ng mga plasmons, maipahahatid nang napakatulin ang impormasyon sa mga chips. Ngunit may mga problema rin dito. Halimbawa, ang distansyang maaabot na mga plasmons (na sa kasalukuyan ay ilang milimetro) bago ito mamatay ay depende sa metal na ginamit. Ang mga chips ay karaniwang isang sentemetro ang distansya sa isa’t-isa. Aluminyo ang pinakamainam na metal sa mga plasmons upang makapaglakbay sila ng malayo. Karamihan sa industriya ay gumagamit ng tanso dahil mas mainam na konduktor ito ng elektrisidad. Gayundin, kailangang tingnan din ang pag-iinit. Seguradong mag-iinit ang mga chips kapag gumamit ng mga plasmons subalit hindi pa kasalukuyang nalalaman kung gaano ito iinit.
Ang “grey goo” ay isa sa mga sinasabing pinakamalubhang kahihinatnan bunga nito kung saan ang ito ay magbubunga na mga nano-robot na mag-aanak ng gayundin at manggugulo sa mundo na tatawaging global ecophagy. {{Fact|date=Abril 2008}} Ang mga taga-pagtanggol nito ay nagsasabi na dahil maliliit ito, mas madali itong masira sa radyasyon at init (dahil sa malaking ratio ng surface area sa volume nila). Madaling magigiba ang mga nano-makina kapag nasa masama ang klima. Ang isa sa mga realistikong puna ay ang potensyal makalason ito na makasisira sa estabilidad ng mga cell walls o makasama sa immune system kapag nalanghap o nalunok ang mga ito. Ang isang masusing pag-aaral sa panganib nito mula matagal na karanasan sa mga mikroskopyong materyales tulad ng pulbos na uling ng karbon o hibla ng asbestos ang kinakailangan.
 
[[KaurianKategorya:Teknolohiya]]
[[KaurianKategorya:Agham]]