Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Richard Wagner"

m
orthography: -nsyon > -nsiyon using AWB
m (Bot: Migrating 115 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q1511 (translate me))
m (orthography: -nsyon > -nsiyon using AWB)
 
[[Talaksan:RichardWagner.jpg|thumb|Richard Wagner]]
Si '''Wilhelm Richard Wagner''' ([[Mayo 22]], [[Mayo 1813]] [[Pebrero 13]], [[Pebrero 1883]]) ay isang maimpluwensiyang [[kompositor]] na [[Aleman]], [[music theory|music theorist]], at [[essayist]], ngunit mas kilala sa kanyang mga [[opera]]. Hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling itinatanghal ang kanyang musika. Ang pinakatanyag sa mga ito ay ang "Ride of the Valkyries" mula sa ''[[Die Walküre]]'' at ang "Bridal Chorus" mula sa ''[[Lohengrin]]''. Napakakontrobersyal din niya. Una, dahil sa kanyang mga pagbabago sa musika at drama, at ikalawa, dahil sa kanyang pagiging hayagang tagapagtaguyod ng mga ideyang [[Anti-Semitism|anti-semitic]] o laban sa lahing Hudio.
 
== Sa Umaga ng kanyang Buhay ==
Si Richard Wagner ay isinilang sa Leipzig, Alemanya, noong ika-22 ng Mayo, 1813. Ang kanyang Ama, isang mababang opisyal sa Lungsod ng Leipzig, ay sumakabilangbuhay 6 na buwan makalipas ang kanyang Kapanganakan at noong Augusto 1814 ay nakipagisangdibdib na muli ang kanyang ina sa
Aktor na si Ludwig Geyer. Si Geyer, na ayon sa bulong-bulungan ay ang siyang tunay na ama ng batang si Richard ay pumanaw noong ang munting batang ito ay 6 na taong gulang, kayat si Wagner ay naiwan sa pangangalaga ng kanyang Ina.
 
Noong 1833, sa murang gulang na 20, natapos likhain ni Wagner ang kaunaunahan niyang kumpletong opera, Die Feen (Mga Diwata). Ang operang ito na malinaw na ginaya ang istilo ni Karl Maria von Weber ay nanatiling hindi naitanghal hanggang 50 taon kinalaunan. Samantala, ay nahawakan niya ang pagiging direktor ng mga Tanghalang pangopera sa Magdeburg at Koenigsigsberg,kung saan ay naisulat niya ang Das Liebesverbot, base sa Dramang "Measure for Measure" ni William Shakespeare. Ang pangalawang pagtatangka na ito sa Opera ay naitanghal sa Magdeburg noong 1836, bagamat hindi umani ng gasinong tagumpay.
 
Noong ika-24 Nobyembre1836Nobyembre 1836, nakipagisangdibdib si Wagner sa Aktres na si Christine Wilhelmine "Minna" Planer, at sila'y nanirahan sa Lungsod ng Riga kung saan siya'y naging director pangmusika ng lokal na Tanghalan ng Opera. Ilang linggo kinalaunan, tumakas si Minna kasama ang isang opisyal militar na iniwanan din siya na wala man lamang ni isang kusing. Tnanggap muli siya ni Wagner, subalit simula ito ng isang miserableng buhay ng magasawa na magwawakas lamang makalipas ang 30 taon. Noong 1839, ang magasawa ay nagkautang ng gayong kalaki na kinailangang lisanin nila ang Lungsod ng Riga upang takasan ang mga nagpautang sa
kanila.(Ang paulitulit na suliranin sa Utang ay naging suliranin ni Wagner hanggang sa huling mga sandali ng kanyang buhay) Sa kanilang pagtakas ay nakaranas sila ng matinding unos sa Karagatan patungong Londres, dito nakuha ni Wagner ang kanyang inspirasyon sa pagsulat Der fliegende Holländer. Nanirahan ang magasawa ng mga ilang taon sa Paris kung saan siyang sumulat ng mga artikulo at nagareglo para sa ibang mga Kompositor.
 
Ang paninirahan niya sa Dresden ay nagwakas lamang ng si Wagner ay masangkot sa Politikang makakaliwa. Isang makabansang Kilusan ang bumabalot sa mga nagsasariling Lupain sa Alemanya, na tumatawag ng pansin upang magkaroon ng Dagadag na Kalayaan at upang bigkisin o pagisahin ang mga watak-watak na mahihinang lupain at makabuo ng isang bansang Aleman. Dibdiban ang pakikilahok ni Richard Wagner sa kilusang ito at naging mga panauhin niya sa kanyang tahanan ang kaibigan niyang si August Roeckel, na editor ng isang radikal na makakaliwang pahayagan na Volksblaetter, at ang Anarkistang Ruso na si Mikhail Bakunin.
 
Ang malawakang kawalan ng kasiyahan sa Pamahalaang Saxon ay dumating sa kainitan noong AprilAbril 1849, nung ang Haring Frederick Augustus II ng Saxony ay binuwag ang Parlamento at tumangging ipairal ang Bagong Saligang-Batas na iginigiit sa kanya ng mga mamamayan. Ang Paghihimagsik sa (buwan ng)Mayo ay sumiklab kung saan si Wagner ay kasangkot bagama't sa isang maliit na papel. Ang bubot na Himagsikan ay maagang dinurog ng pinagsanib na Lakas ng Tropang Saxon at Prussia, ang Mandamiento de Aresto (Kalatas sa Pagdakip) ay inilabas upang dakpin ang mga naghihimagsik. Si Wagner ay napilitang tumakas patungong Paris, pagkatapos nito sa Lungsod Zeurich Swiso. Hindi nagawang makatakas nina Roeckel at Bakunin na humantong sa mahabang mga taon ng pagdurusa sa Bilangguan
 
== Pagtakas, Inpluwensya ni Schopenhauer, at Mathilde Wesendonk ==
Sa mga sumunod na taon ay nakatagpo si Wagner ng dalawang bukal ng Inspirasyon na gagabay sa kanyang buhay at ito rin ang naging inspirasyon niya sa paglikha niya ng sikat niyang Obra ang Tristan at isolde. Ang unang inspirasyon ay dumating noong 1854, nang ang kanyang kaibigang
makata na si Georg Herwegh ay nagmulat sa kanyang mga mata upang pagaralan ang mga isinulat na aklat ng philosopong si Arthur Schopenhauer. Sa kalaunan ay tinawag ni Wagner ang yugtong ito na isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanyang buhay. Ang personal na katatayuan niya nung mga panahong iyon ay nagpadali upang maging konverte siya sa Pilosopiya ni Schopenhauer na nakasentro sa isang malalim at malungkot na pananaw sa kondisyon ng buhay ng sangkatauhan. Nanatili siyang tagasunod sa pananaw ni Schopenhauer habang buhay kahit na umangat na siya sa kanyang abang kalalgayan. Ang isa sa mga doktrina ni Schopenhauer ay konsepto kung saan ang
musika ay iniluluklok sa pinakamataas na luklukan ng Sining kung ihahambing sa ibang uri ng Sining. Yayamang ito lamang ang Sining na walang kinalaman o hindi nakasalig sa materyosong daigdig. Walang atubiling niyakap ng may galak sa puso ni Wagner ang pilosopiyang ito ni Schopenhauer.
 
Ang mga palaaral kay Wagner ay nagsasabi na ang pilosopiyang ito ni Schopenhauer ang siyang nagbunsod upang ilagay ni Wagner ang musika sa nangingibabaw na posisyon sa mga huli niyang opera kasama na rito ang kalahating ng Ring Cycle ( Sigfried at Die Goetterdaemmerung) na isusulat pa lamang niya. Maraming aspeto sa pilosopiya at doktrina ni Schopenhauer ay pumasok kinalaunan sa libretti ni Wahner. Halimabawa ang mapagtakwil sa sarili na si Hans Sachs sa operang Die Meistersinger, itinuturing na pinaka simpatetikong Karakter, ay likhangisipan ni Schopenhauer (bagamat ito'y salig sa tunay na tao).
 
Ang pangalawang bukal ng inspirasyon ni Wagner ay ang makatang-manunulat na si Mathilde Wesendonck, ginang ng negosyante sa telang seda na si Otto von Wesendonck. Nakilala ni Wagner ang mga Wesendoncks sa Zuerich noong 1852. Si Otto, isang panatikong tagahanga nng musika ni Wagner ay nagpatayo ng isang munting bahay sa kanyang ariarian upang tirahan ni Wagner. Noong 1857, nahulog ang loob ni Wagner kay Mathilde. Bagaman at tinutugunan naman ni Mathilde ang damdamin ni Wagner.walang intensyonintensiyon ang una na masira ang Kasal nila ni Otto Wesendocks. Ipinababtid ni Mathilde sa asawa ang mga pagtatagpo nila ni Wagner. Ang kanilang tipanan ang nagbunsod kay Wagner upang isaisantabi muna ang kanyang Ring cycle (na ipagpapatuloy lamang niya sa mga susunod na 12 taon) upang simulan ang Dramang-musika na Tristan und Isolde, salig sa Salayasay ng Pagibiigan ng Kabalyerong si Tristan at ng may-asawa nang si Isolde na hango
naman sa Alamat ni Haring Arthur. Ang kanilang tipanan ay nagwakas noong 1858, nang harangin ni Minna ang isang liham mula Wagner para kay Mathilde. Sinundan ito ng away, at si Wagner ay nagtungo nagiisa sa Zurich, upang tumuloy kinalaiunan sa Venice. Nang sumunod na taon ay tumuloy siyang muli sa Paris upang pamahalaan ang binagong bersyon ng Tannhauser, na naitanghal sa tulong ng Prinsesa de Metternich. Ang unang Pagtatanghal ng Tannhauser nong 1861 ay isang kabiguan, kagagawan ng mga aristokrato mula Jockey Club. Ang iba pang pagtatanghal nito ay kinansel at dali-daling nilisan ni Wagner ang Lungsod ng Paris.
 
=== Si Richard at Cosima Wagner ===
Ang Kapalaran ni Wagner ay dramatikong pumihit noong taong 1864, nang si haring Ludwig II ay maluklok sa trono bilang Hari ng Bavaria sa murang gulang na 18. Ang batang Hari, isang marubdob na tagahanga ni Wagner buhat pa sa pagkabata ay ipinatawag si Wagner sa Munich, Punong Lungsod ng Bavaria. Binayaran ng Hari ang lahat ng pagkakautang ni Wagner at nagplano upang may maitanghal na bagong opera. Matapos ang napakahirap na pageensayo ay naitanghal ng matagumpay ang operang ''Tristan at Isolde'' sa Teatrong PangKorte ng Munich noong ika-10 ng Hunyo, 1865.
 
Samantala ay nasangkot na naman si Wagner sa isang bagong kalaguyo, ngayon naman ay kay Cosima von Buellow, ang ginang ng Konductor na Hans von Buellow, isa sa marubdob na tagatangkilik ni Wagner at ang kumumpas sa unang pagtatanghal ng Tristan at Isolde. Si Cosima ay ang anak ni Franz Liszt at ng tanyag na Kondesang Marie d'Agoult, at siya'y may 24 taong nakakabata kay Wagner. Bagamat magkaibigang matalik si Liszt at Wagner ay hindi sumangayon ang una sa pakikipagtipan ni Cosima kay Wagner. Noong Abril 1865, ay nagsilang siya sa ilehitimong anak na babae ni Wagner, na tinawag niyang Isolde. Ang kanilang tipanan ay lumikha ng malaking iskandalo sa Munich, at pinalala pa ito ng hindi magkaroon ng pagkakaintindihan ang mga miyembro ng Korte dahilan sa labis na impluwensiya ni Wagner sa Haring Ludwig II. Noong DecemberDisyembre 1865, napilitan ang Hari na himukin si Wagner na lisanin ang Lunsod ng Munich. Waring pinagisipan din niya na bumaba sa pagiging Hari upang sundan ang kanyang Bayani sa ibang bayan, sa Wakas hinimok ni Wagner ang Hari na hwag gawin ito.
 
Pinatuloy ni Haring Ludwig si Wagner sa villa Triebschen, katabi ng Lawa Lucerne sa Switzerland. Nakumpleto ang Die Meistersinger sa Triebschen noong 1867, at itinanghal sa Munich noong ika-21 ng Hunyo sa sumunod na taon. Nang buwan ng Oktubre, ay nakumbinse ni Cosima si Hans von Buellow na makipagdiborsyo. Si Richard at Cosima ay ikinasal noong ika-25 ng Agosto 1870. (Sa mga panahong ito ay hindi nakipagusap si Liszt sa kanyang manugang sa loob ng ilang mga taon) Sa kaaaarawan ng Pasko ng taon ding iyon, ay itinanghal ni Wagner ang Siegfried Idyll para sa Kaarawan ni Cosima. Ang Pakikipagisangdibdib kay Cosima ay nanatiling panghabangbuhay. Nagkaroon sila ng sumunod na anak na babae na si Eva at isang lalake na pinangalanang
Siegfried.
 
 
{{DEFAULTSORT:Wagner, Richard}}
 
[[Kategorya:Mga musiko|Wagner, Richard]]
[[Kategorya:Mga Aleman]]