Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pandacan, Maynila"

m
orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB
m (Bot: Migrating 2 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q3547123 (translate me))
m (orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB)
Ang Pandakan sa panahon ng mga Kastila ay isang kabukiran kung saan maaring makapag-tanim ng palay o asukal. Binubuo ang Pandakan dati ng mga mumunting sapa na dumadaloy sa Ilog Pasig. Dahil sa mga sapang ito, naging mainam ang pagsasaka sa naturang pook, pamamalakaya at ibang pang pangkabuhayan.
 
Unang dumayo sa pook ang mga lahing Tagalog mula sa probinsyaprobinsiya ng [[Bulakan]] upang dito'y manirahan at mamuhay ng mas malapit sa Maynila na dati'y nasa loob ng pader ng pook ng [[Intramuros]].
 
Sa panahon ng mga Amerikano sa Ika-Dalawampung siglo, itinatag sa Pandakan ang kauna-unahang pook industriyal ng Pilipinas. Sa Pandakan inilagay ang mga tangke ng langis at ang pamamaraang paghahatid ng langis sa buong isla ng [[Luzon]]. Itinayo din sa Pandakan ang iba't ibang pabrika na gumagawa ng [[kopra]] na pinagmumulan ng langis pang-luto, gawaan ng mga lubid yari sa abaka, ilang pabrika na bumubuo ng mga sasakyan at ang kauna-unahang gawaan ng Coca-Cola sa Pilipinas.
Matatagpuan sa Pandakan ang kanlurang kalahati ng Palasyo ng Malakanyang na nahati ng Ilog Pasig (ang silangang bahagi ay nasa pook San Miguel). Ang bahaging ito ng kabuuang pook na sumasakop sa opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas ay mas kilala sa tawag na Liwasang Malacanan na nagsisilbing tirahan para sa mga taga-pagtanggol ng Pangulo.
 
Naging makasaysayan ang Pandakan sa pamamagitan ni [[Apolinario Mabini]], na dati'y taga probinsyaprobinsiya ng Batangas. Nagsilbing tirahan ni Mabini ang Pandakan, ang unang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Pang-labas ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong [[Emilio Aguinaldo]]. Sa kasalukuyan, ang tirahan ni Mabini ay nakatayo pa rin at isang pook puntahan para sa mga mag-aaral ng kasaysayan.Isinilang din sa Pandakan si Padre Jacinto Zamora, isa sa mga paring martor na pinatay sa pamamagitan ng paggarote sa Bagumbayan (ngayon ay Rizal Park) noong ika-17 ng Pebrero, 1972.
 
Ang dating tirahan ni dating Unang Ginang [[Imelda R. Marcos]] ay nasa Pandakan at ito'y matatagpuan sa harap ng Parokya ng Santo Nino de Pandacan sa kanto ng kalye Hesus at Labores. Ang lumang tirahan ni Ginang Marcos sa Pandakan ang nagsisilbing ugat niya sa pagiging residente ng Maynila, maliban sa kanyang pook kapanganakan sa ProbinsyaProbinsiya ng [[Leyte]].
 
Sa Pandakan din matatagpuan ang opisyal na tanggapan ng CARITAS o ang Catholic Charities. Sa taong 2007, nasa Pandakan din ang studio at tanggapan ng [[TV Maria]], ang himpilang pang-telebisyon ng Simbahang Katoliko sa Archdiocese ng Maynila.
 
== References ==
* "By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II, 3 February-3 MarchMarso 1945" by Alphonso J. Aluit (1994) Bookmark, Inc. © 1994 National Commission for Culture and the Arts ISBN 971-569-162-5
 
* "Pandacan Oil Depot Relocation Plan Submitted," Business World, 14 MayMayo 2008 [http://www.bworldonline.com/BW051408/content.php?id=002]
 
{{Lungsod ng Maynila}}