Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pag-init ng daigdig"

m
orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB
m (orthography using AWB)
m (orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB)
Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan sa short wave radiation (maiksing ondang radyasyon) na mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang onda ng radyasyong infra-red mula sa lupa na lubhang na nagpapahirap sa mundo na mapalamig ito.
 
Tinatayang tumaas ng 31% at 149% ang konsentrasyong panghimpapawid ng carbon dioxide at methane kumpara sa antas bago naging industriyal ang mundo noong 1750. Sinasabing mas mataas ito kaysa alinmang panahon nitong huling 650,000 taon, kung saan may matibay na ebidensyaebidensiya mula sa mga ice cores (sample ng yelo na kinuha ng pabarena). Mula sa hindi tuwirang ebidensyangebidensiyang heolohika, pinaniniwalaang ang ganitong kataas na dami ng carbon dioxide ay nangyari 40 milyong taon ang nakaraan. Ang tatlo sa apat na bahagi ng mga emisyong dulot ng tao (antropoheniko) ng carbon dioxide sa himpapawid nitong nakaraang 20 taon ay dulot ng pagsunog ng mga produktong petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay pinangungunahan ng pagbabago sa paggamit ng lupa lalo na ng pagpanot ng kagubatan [5].
 
Ang pinakamahabang pagsukat instrumental ng ratio ng paghahalo ng carbon dioxide sa himpapawid ay nagsimula noong 1958 sa Mauna Loa, Hawaii. Mula noon, ang katamtamang (average) taunang halaga nito ay tumaas mula 315 ppmv na ipinakikita ng Keeling Curve. Ang konsentrasyon ay umabot ng 376 ppmv noong 2003. Ang Timoging Polo (South Pole) ay nagpakita rin ng kamukhang pagtaas. [6]. Ang buwanang pagsukat ay nagpapakita ng maliit na panapanahong osilasyon.
Ang methane (metano) ay gawang biyolohika at emisyon mula sa mga tubo ng petrolyong gas. Ang ilang biyolohikang pinanggagalingan ay natural tulad ng anay at ang iba ay dulot ng aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang bukid [7]. Sinasabi ng ebidensyaebidensiya na nasumpungan kamakailan lamang na ang mga kagubatan ay maaaring pinanggagalingan din nito (RC; BBC). Tandaan na ito ay kontribusyon sa natural (likas) na greenhouse effect at hindi greenhouse effect na dulot ng tao (Ealert).
 
Inaasahang patuloy ang pagtaas ng carbon dioxide dahil sa patuloy na paggamit ng mga produkton petrolyo. Ang direksiyon nito ay hindi segurado at depende sa lagay ekonomiko, panglipunan, teknolohikal at natural na pag-unlad ng tao. Ang espesyal ng report sa emisyon ng IPCC ay nagpapakita ng malawak na pagtaas ng carbon dioxide sa hinaharap mula 541 hanggang 970 parts per million (bahagi ng isang milyon) pagdating ng 2100.
 
== Epekto sa Sistema ng Paligid ==
Ang ebidensyaebidensiya ng pag-init ng mundo tulad ng pag-unti ng niyebe (snow), pagtaas ng pantay laot, pagbabago ng panahon ay nagpapakita ng kahihinatnan na aapekto sa galaw ng tao gayundin sa sistema ng ating kapaligiran. Ang pag-init ng mundo ay nangangahulugan ng pagbabago sa ating paligid. May ilang halaman at hayop ang mapipilitang lumikas sa kanilang likas ng tahanan o kaya’y maglaho dahil sa pagbabagong nangyayari. Ang ibang may buhay naman ay maaring dumami.
 
== Dulot sa mga bundok ng yelo (glaciers) ==
 
Ang pag-init ng mundo ay nagbubunga ng negatibong balanse sa glacier mass (bulto ng bubunduking yelo) na nagdudulot sa pag-urong ng glacier sa buong mundo. Ipinakita ni Oerlemans (2005) na may netong bagbaba sa 142 na 144 bundok na may glacier na may rekord mula 1900 hanggang 1980. Mula noong 1980, tumindi ang pag-urong ng glacier sa mundo. Gayundin, ipinakita nina Dyurgerov and Meier (2005) sa pamamagitan ng glacier data sa malakihang rehiyon (e.g Europa) na may netong pagbaba mula 1960 hanggang 2002 kahit na ang ilang lokal sa rehiyon (e.g. Scandinavia) ay nagpakita ng pagtaas. Ang ilang glacier na nasa disekilibryo sa kasalukyang klima ay nawala na [25] at tinataya na ang patuloy na pagtaas sa temperatura ay magdudulot sa patuloy na pag-urong ng karamihan ng mga alpinong glacier sa buong mundo. Mahigit sa 90% ng mga glacier na inereport sa World Glacier Monitoring Service ay umurong na mula 1995 [26].
Ang isang kabaha-bahala ay ang potensyalpotensiyal na paghinto ng tunaw ng yelo (tubig daloy) ng Hindu Kush at Himalaya. Ang tunaw ng mga glacier nito ay nagdudulot ng malaki at maasahang mapagkukunan ng tubig para sa Tsina, India at halos buong Asya. Ito ang pangunahing mapagkukunan rin ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang pagbilis ng pagkatunaw nito ay magdudulot ng malakas ng pagdaloy ng tubig sa maraming dekada at pagkatapos nito “ang ilang lugar na may pinakamaraming tao sa mundo” ay tinatayang ‘mauubusan ng tubig’ " (T. P. Barnett, J. C. Adam and D. P. Lettenmaier 2005) [27]
 
== Destabilisasyon ng pag-usad ng dagat ==
 
== Epektong Pang-ekonomiko ==
Nagpalabas ang mga institusyong pinansyalpinansiyal kasama ang dalawang pinakamalaking kompanya ng seguro sa mundo, ang Munich Re at Swiss Re, sa isang pag-aaral noong 2004 (UNEP summary) na “ang madalas na pagdalas ng mga malubhang pangyayaring pangkalikasan kaakibat ang takbong panlipunan” ay gugugol ng halos 150 bilyong dolyar bawat taon sa susunod na dekada. Ang mga gugoling ito sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga sa seguro at pagtulong sa mga disastre ay mapapabigat sa mga kliyente, mambubuwis at industriya.
 
Ayon sa Association of British Insurers, ang pag-iwas sa pagpapaimbulog ng karbon sa himpapawid ay makakaiiwas ng 80% ng tinatayang dagdag na gastosin mula sa mga bagyo hanggang mga taong 2080. Ayon kay Choi at Fisher (2003) ang bawat pagtaas ng 1% sa taunang ulan ay magpapalaki sa halaga ng katastrope ng halos 2.8%.
 
== Produksiyon ng biomass ==
Ang paglalang ng biomass ng halaman ay naiimpluwensyahannaiimpluwensiyahan ng mapagkukunan ng tubig, pagkain at carbon dioxide. Ang bahagi ng biomass ay ginagamit (ng tuwiran o di tuwiran) bilang pagkukunan ng lakas ng halos lahat ng mgay buhay kasama rin ang pagkain sa mga inaalagaang hayop, at bungangkahoy at pagkaing butil ng tao. Kasama rin dito ang mga batang ([[Filipino]]: ''troso'') na kailangan sa konstruksiyon.
 
Ang pagtaas sa papawirin ng carbon dioxide ay makapagpapataas din ng metabolismo ng mga halaman na malamang ay makapagpaparami ng kanilang ginagawang biomass. Ang pagtaas ng temperatura ay magpapahaba rin ng panahon ng pagtatanim sa mga malalamig na rehiyon. Minsang ipanikikita na ang mga epektong ito ay makagagawa ng isang mas berde at mayamang planeta dahil maraming biomass na mapagkukunan. Gayunpaman, maraming bagay ang nakapaloob rito. Hindi malinaw kung ang mga halaman ay magkakaroon talaga ng benepisyo sa pag-init ng mundo. Ang paglaki ng halaman ay apektado ng maraming bagay kasama ang taba ng lupa, tubig, temperatura at konsentrasyon ng carbon dioxide.
 
== Pagbukas ng Northwest Passage (Daang Pahilagang-kanluran) kung tag-araw. ==
Sinasabing ang pagkatunaw ng Arktikong yelo ay magbubukas sa Northwest Passage sa tag-araw ng darating na sampung taon. Ito ay magpapaikli ng 5,000 nautikong milya ng ruta ng barko sa pagitan ng Europa at Asya. Lalong mahalaga ito sa mga supertankers na napakalaki upang dumaas sa Kanal ng Panama at kasalukuyang dumaraan sa dulo ng Timog Amerika. Ayong sa Canadian Ice Service, ang dami ng yelo sa kupuluang Artiko sa silangang Canada ay bumababa ng 15% sa pagitan ng 1969 at 2004 [41][[42]].
 
Kasama sa negatibong dulot sa pagkatunaw ng yelo ay ang pagbilis ng pag-init ng mundo dahil mas makinang ang yelo sa araw kay sa tunaw na tubig na papalit rito. Mayroon ding epektong ekolohiko ang pagkatunaw ng polong yelo (polar ice): halimbawa ang mga polong oso na gumagamit ng lumulutang na yelong dagat upang maabot ang kanilang huhilihin at lumalangoy sa sa iba pang lutang ng yelo kapag naghiwalay ang yelo. Ngayon ang mga yelo ay malalayo na isa’t-isa at maraming patay na polong oso ang natatagpuan sa tubig na sinasabing nalunod. [43]
Ang greenhouse effect ay binabanggit din upang ipaliwanag kung papaano nakalabas ang mundo sa panahong Snowball Earth. Noong panahong ito ang lahat ng batong silicate ay balot daw ng yelo na pumipigil rito na sumama sa carbon dioxide sa atmospero. Unti-unting tumaas ang carbon dioxide sa atmospero haggang 350 beses na mataas ito sa kasalukuyang nibel. Sa rurok na ito, tumaas ang katamtamang temperatura ng 50 °C na mainit upang matunaw ang yelo. Ang madalas na pag-ulan ay madaling nagpalis sa carbon dioxide sa atmospero. Ang makakapal na abiyotikong carbonatong latak ang matatagpuan sa mga yelong bato nang panahong ito ay pinaniniwalaang binuo sa mabilis na pagpalis ng carbon dioxide.
 
Sa paggamit ng datos ng paleoklima nang nakaraang 500 milyong taon (Veizer et al. 2000, Nature 408, pp. 698–701) ipinakikita na ang mahabang pagpapabago-bago sa temperatura ay mahinang maidaramay sa pagbabago sa carbon dioxide. Pinalawig ito nina Shaviv at Veizer (2003, [59]) na ang pinakamalaki at mahabang impluwensyaimpluwensiya sa temperatura ay ang kilos ng ating sistemang solar sa palibot ng galaxy. Pagkatapos, kanilang binanggit na sa loob ng pahanong heolohiko isang pagbabago sa konsentrasyon ng carbon dioxide ang nangyari katulad sa dalawang beses na pagtaas ng nibel nito bago ang panahong industriyal na nagdulot lamang ng 0.75 °C pag-init sa halip na 1.5-4.5 °C na ipinakikita ng mga modelo sa klima [60]. Ang trahaho ni Veizer ay binatikos ng RealClimate.org [61].
 
Itinugon ni William Ruddiman isang paleoklimatologo (e.g. Scientific American, Marso 2005) na ang impluwensyaimpluwensiya ng tao sa klima ng mundo ay nagsimula mga 8000 taon ang nakalilipas dahil sa pag-unlad ng sakahan. Pumigil ito sa pagbaba husto sa nibel ng carbon dioxide (at sa dakong huli ng methane) . Dagdag ni Ruddiman kung wala ang epektong ito, ang mundo ay papasok o pumasok na sa bagong edad ng yelo. Gayunman, ang ilang trabaho sa paksang ito (Nature 2004) ay sumasagot na ang kasalukuyang panahong interglasyal ay katulad sa interglasyal noong nakaraang 400,000 taong nakalipas na tumagal ng halos 28,000 taon na sa kasong ito hindi kailangan idawit ang pagkalat ng sakahan sa pagkahuli ng susunod na edad ng yelo.
 
== Mga Batayan ==
* Bahagi ng nilalaman ng artikulong ito ay mula sa artikulong "[[:en:Global warming|Global warming]]" sa [[:en:|English Wikipedia]] (na-retrieve noong [http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Global_warming&oldid=58669037 14 Hunyo 2006]).
* Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change, JuneHunyo 2005, (PDF) Accessed Jan.7 7,Enero 2006
* Tim Hirsch. "Plants revealed as methane source", BBC, 11 Enero 2006.
* Barnett, T. P., Adam, J. C., and Lettenmaier, D. P. (2005). "Potential impacts of a warming climate on water availability in snow-dominated regions". Nature 438: 303-309.
* Ruddiman, William F. (2005). Plows, Plagues, and Petroleum: How Humans Took Control of Climate. New Jersey: Princeton University Press.
* Smith, T.M. and R.W. Reynolds, 2005: A global merged land and sea surface temperature reconstruction based on historical observations (1880–1997). J. Climate, 18, 2021–2036.
* UNEP summary (2002) Climate risk to global economy, Climate Change and the Financial Services Industry, United Nations Environment Programme Finance Initiatives Executive Briefing Paper (UNEP FI) (PDF) Accessed Jan. 7, Enero 2006
* S.K. Solanki, I.G. Usoskin, B. Kromer, M. Schussler, J. Beer (2004). "Unusual activity of the Sun during recent decades compared to the previous 11,000 years.". Nature 431: 1084-1087. DOI:10.1038/nature02995.
* S. K. Solanki, I. G. Usoskin, B. Kromer, M. Schüssler and J. Beer (2005). "Climate: How unusual is today's solar activity? (Reply)". Nature 436: E4-E5. DOI:10.1038/nature04046.