Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Dyipni"

m
orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB
m (Bot: Migrating 1 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q652494 (translate me))
m (orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB)
Ang '''dyipni''' o '''dyip''' ang pinakakilalang uri ng sasakyan sa Pilipinas. Ang mga ito'y ginawa mula sa mga ''"US Military Jeeps"'' na naiwan mula sa [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]]. Simula sa unang pagkalikha nito, ang dyipni ay marami nang mga [[palamuti]].
 
Ang dyipni ang pinakagamit na uri ng [[sasakyang panlupa]] sa [[Pilipinas]]. Ginagamit ito sa pamamiyahe, kalakalan, at mga pamamalakbay-pamilya. Ang maigsing dyip ay kayang magsakay ng 12-15 katao, samantalang ang mahabang dyipni'y kayang magsakay ng 15-20 katao. Kadalasan, ang mga dyipni ay puno ng mga tao, lalo na tuwing oras ng pamamayihe ng maraming tao.
 
Ang dyipni ay isa sa pinakakilalang di-patakarang sagisag ng Pilipinas.
 
[[Talaksan:jeepney.jpg|right|300px|thumb|Dyipni ng Pilipinas]]
Noong papaalis na ang mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas pagkatapos ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], daan-daang mga segundamanong mga jeep ang ipinagbili sa mga [[Mga Pilipino|Pilipino]]. Binago ng mga Pilipino ang itsura ng jeep, ginawa nila ito para magkasya ang ilang mga pasahero, may mga metal na bubong para sa lilim, at inayusan ang sasakyan kasama ang mga buhay na mga kulay at mga palamuti sa harapan nito.
 
Mabilis na lumitaw ang dyipni bilang isang tanyag at malikhaing paraan upang matatag muli ang murang pampublikong transportasyon, na nawala sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagkilala ng malawakang gamit ng mga sasakyang ito, nagsimula ang [[Politika sa Pilipinas|pamahalaan ng Pilipinas]] na magpataw ng mga limitasyon sa paggamit nito. May mga espesyalisadong mga [[lisensyalisensiya ng drayber|lisensyalisensiya]], mga regular na ruta, at nakatakdang pamasahe.
 
Ang mga karaniwang dyipni ay may mga malalaking bintana sa gilid at walang pintuan sa me bandang likuran. May mga dyipni rin na me [[aircon]], lalo na sa lungsod ng [[Makati]].
* [http://www.wayblima.com/cebu-jeepneys.html Dokumentasyon ng mga Dyipni sa Cebu]
 
[[KaurianKategorya:Kalinangan ng Pilipinas]]