Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Epiko ni Gilgamesh"

m
orthography: -nsya- > -nsiya-, replaced: impluwensiyal → maimpluwensiya ''(influential)'' using AWB
m (orthography: -nsya- > -nsiya-, replaced: impluwensiyal → maimpluwensiya ''(influential)'' using AWB)
{{Mesopotamian myth}}
Ang '''''Epiko ni Gilgamesh''''' ay isang epikong tula mula sa [[Mesopotamia]] na isa sa pinakamamatandang umiiral na mga akda ng panitikan. Ang kasaysayang panitikan ng Gilgamesh ay nagmumula sa limang independienteng mga tulang Sumeryo tungkol kay ''Bilgamesh'' na pangalang [[Sumerya|Sumeryo]] ni Haring ''[[Gilgamesh]]'' na hari ng lungsod ng [[Sumerya]] na [[Uruk]]. Ang apat sa mga ito ay ginamit bilang sangguniang materyal ng pinagsamang epiko sa [[Akkadian]]. Ang unang bersiyong Lumang Babilonyo nito ay mula 1800 BCE at pinamagatang ''Shūtur eli sharrī''. Tanging ang ilang mga pragmento lamang nito ang umiiral. Ang kalunang Pamantayang bersiyon na Babiloniya ay mula 1300 hanggang 1000 BCE at pinamagatang Sha naqba īmuru. Ang mga pragmento tinatayang 2/4  ng mas mahabang 12 tabletang bersiyong ito ay nakuha. Ang ilang mga mahuhusay na kopya ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan sa mga gibang aklatan nang ika-700 BCE haring [[Assyria|Asiryong]] si [[Ashurbanipal]].
 
== Paglalarawan ==
 
==Mga bersiyon==
Ang pinakamaagang mga tulang ''Sumeryo'' nito ay pangkalahatan ngayong itinuturing na mga natatanging kwento sa halip na mga bahagi sa isang epiko. Ang mga ito ay mula sa maagang [[Ikatlong Dinastiya ng Ur]] (2150-2000 BCE).<ref name=gilgamesh>Stephanie Dalley (ed.). Myths from Mesopotamia: Creation, the Flood, Gilgamesh, and Others. Oxford University Press. ISBN 978-0-19-953836-2.</ref> Ang pinakamaagang mga bersiyong ''Akkadian'' nito ay mula maagang ca. 2000 BCE at malamang noong 1800 o 1700 BCE nang ang isa o higit pang mga may akda nito ay humango sa isang umiiral na materyal ng panitikan upang lumikha ng isang epiko.<ref name=gilgamesh/> Ang ''pamantayang bersiyong Akkadian'' nito ay binubuo ng 12 tableta na inedit ni [[Sin-liqe-unninni]] sa pagitan ng 1300 BCE at 1000 BCE na natagpuan sa aklatan ni [[Ashurbanipal]] sa Nineveh.
 
==Pagkakatuklas==
Ang pamantayang bersiyon ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan ni [[Austen Henry Layard]] sa aklatan ni [[Ashurbanipal]] sa Nineveh noong 1849. Ito ay isinulat sa pamantayang Babilonio na isang dialekto ng Akkadian na ginagamit para sa panitikan.
Ang mga putik na tableta ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan ni [[Hormuzd Rassam]] noong 1853.
 
Ang sentral na katauhan nito na si ''[[Gilgamesh]]'' ay simulang muling ipinakilala sa mundo bilang "Izdubir" bago tumpak na nabigkas ang logograpong kuneirporma ni Gilgamesh.
 
Ang pagkakatuklas sa arkeolohiya ng mga artipaktong mula ca. 2600 BC na nauugnay kay Haring [[Enmebaragesi]] na binaggit sa isang seksiyon ng orihinal na Sumeryong Epiko ni Gilgamesh na ''Bilgamesh at Aga'' bilang ama ni Aga ng [[Kish]] na lumusob sa Uruk ang nagpapatunay sa pag-iral ni [[Gilgamesh]].
Ang unang modernong salin nito sa [[wikang Ingles]] ay inilimbag ni [[George Smith]] noong mga 1870. Ang kamakailang mga salin nito sa Ingles ay kinabibilangan ng isinagawa sa tulong ng nobelistang Amerikanong si John Gardner at John Maier noong 1984. Noong 2001, lumikha si Benjamin Foster ng isang salin sa Norton Critical Edition Series na gumagamit ng mga bagong materyal upang punan ang maraming mga blanko sa mga nakaraang edisyon. Ang pinakadepinitibong salin sa Ingles nito ang dalawang bolyum na gawang kritikal ni Andrew George na tumalakay sa katayuan ng mga nakaligtas na materyal at nagbibigay ng ekshesis na tableta sa tableta na may dalawang wikang magkatabing salin. Ito ay inilimbag ng Penguin Classics noong 2000.
===Wikang Arabiko===
Ang unang direktang salin nito sa wikang Arabiko mula sa mga orihinal na tableta ay isinagawa noong mga 1960 &nbsp;ng arkeologong Iraqi na si Taha Baqir.
 
==Nilalaman ng mga tabletang pamantayang bersiyon ==
 
===Tabletang tatlo===
Ang mga matanda ay nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si [[Ninsun]] na naghahanap ng suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si [[Shamash]] para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni Ninsun si [[Enkidu]] bilang kanyang anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa pamamahala ng lungsod ng D[[Uruk]] sa kanyang kawalan.
 
===Tabletang apat===
Sina Gilgamesh at Enkidu ay naglakbay tungo sa [[Mga Cedar ng Diyos|Kagubatang Cedar]] ng [[Lebanon]]. Sa bawat ilang mga araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy. Sa kabila ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang mga deskripsiyon ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan sa bantay ng kagubatan. Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig si Humbaba na sumisigaw at kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.
 
===Tabletang lima===
 
==Si Gilgamesh at ang punong Huluppu==
Isinalin ni [[Samuel Noah Kramer]] (1932, inilimbag 1938)<ref>Kramer, S. N. ''Gilgamesh and the Huluppu-Tree: A Reconstructed Sumerian Text''. Assyriological Studies 10. Chicago. 1938</ref> ang isang Tabletang XII na pinetsahan noong 600 BCE na isang saling [[wikang Akkadiano|Akkadiano]] ng tulang [[Sumeryo]] na "''Bilgamesh (Sumeryo ng Gilgamesh) at ang mundong ilalim''" na may petsang ca. 2000 BCE. Ang ikalawang kalahati nito ay idinagdag sa Tabletang XII ng Epiko ni Gilgamesh.
 
Ayon sa tabletang ito, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha. Pinili nina [[Anu]] at [[Enlil]] ang langit at lupa para kanilang tirhan. Si [[Ereshkigal]] ay binigyan ng [[mundong ilalim]] at si [[Enki]] ay tumungo sa isang kalalimang matubig sa ilalim ng mundo. Ang isang puno (tree) ay itinanim sa isang pampang ng Ilog [[Euphrates]] na hinipan ng hangin at tinangay sa ilog. Nakita ni [[Inanna]] na Reyna ng Kalangitan ang puno at inuwi ito sa kanyang "banal na hardin" at itinanim at inalagaan na umaasang mula dito ay makakagawa siya ng isang kama at trono. Nang ang puno ay lumago, si Inanna ay napigilan sa paggamit ng puno dahil ang [[ahas]] ay tumira sa ugat ng puno, ang isang ibong [[Zû]] ay gumawa ng isang pugad sa tuktok ng puno at ang isang ki-sikil-lil-la-ke na isinalin bilang [[Lilith]] ay gumawa ng bahay sa gitna ng puno. Pumasok si Gilgamesh sa hardin ni Inanna at pinatay ang ahas ng kanyang palakol na sumindak sa ibon at ki-sikil-lil-la-ke. Kinalag ni Gilgamesh ang mga ugat ng puno at pinutol ito ng kanyang mga kasama. Mula sa sanga ng puno ay gumawa si Gilgamesh ng kama at trono para kay Inanna. Gumawa si Inanna ng dalawang bagay mula sa puno, ang pukku mula sa mga ugat nito at mikku mula sa korona at ibinigay niya ito ay kay [[Gilgamesh]] na hari ng [[Uruk]]. Isang araw, ang mga regalong ito ay nahulog sa [[mundong ilalim]] at si Gilgamesh ay nabagabag na hindi niya ito makukuha mula dito. Ang kasama ni Gilgamesh na si [[Enkidu]] ay sumagip sa mga ito ngunit napigilang makabalik sa mundo ng mga nabubuhay. Si Gilgamesh ay tumangis at mag-isang tumungo sa [[Ekur]] upang magsumamo sa templo ni [[Enlil]] ngunit si Enlil ay hindi namagitan para sa kanya. Pagkatapos ay tumungo siya sa [[Ur]] upang magsumamo kay [[Sin (mitolohiya)|Sin]] ngunit si [[Sin (mitolohiya)|Sin]] ay hindi rin namagitan para sa kanya. Pagkatapos ay tumungo siya sa [[Eridu]] upang magsumamo kay [[Ea]]. Si Ea ay namagitan at nagsumamo kay [[Nergal]] upang buksan ang mundo upang lumabas ang espirito ni Eridu mula sa mundong ilalim. Si Nergal ay nakinig at binuksan ang mundo at ang espirito ni Enkidu ay nag-ulat kay Gilgamesh kung ano ang karanasan ng [[kabilang buhay]].
==Impluwensiya sa Bibliya==
{{main|Adan at Eba|Arko ni Noe}}
Ang Epiko ni Gilgamesh ay posibleng nag-uugat mula 3,700 taong nakakalipas. Ang unang bersiyong Lumang Babilonyong Epiko ni Gilgamesh ay isinulat noong ca. 1800 BCE at mas naunang isinulat sa [[Tanakh]] ng [[Bibliya]]. Ang mga pagkakatugma sa Epiko ni Gilgamesh at [[Aklat ng Genesis]] ay matagal nang nakilala ng mga skolar.<ref>Gmirkin, Russell, "Berossus and Genesis, Manetho and Exodus..'', Continuum, 2006, p. 103. See also Blenkinsopp, Joseph, "Treasures old and new.." Eerdmans, 2004, pp. 93–95.</ref> Ang kwento ng [[Arko ni Noe]] ay inaayunan ng mga skolar na hinango mula sa Epiko ni Gilgamesh.<ref name="George2003">{{cite book|author=A. R. George|title=The Babylonian Gilgamesh Epic: Introduction, Critical Edition and Cuneiform Texts|url=http://books.google.com/books?id=21xxZ_gUy_wC&pg=PA70|accessdate=8 NovemberNobyembre 2012|year=2003|publisher=Oxford University Press|isbn=978-0-19-927841-1|pages=70–}}</ref> <ref>Rendsburg, Gary. "The Biblical flood story in the light of the Gilgamesh flood account," in ''Gilgamesh and the world of Assyria'', eds Azize, J & Weeks, N. Peters, 2007, p. 117</ref>
 
Ang mga imperyo ng [[Mesopotamia]](na mas naunang lumitaw sa Israel) ay napaka-impluwensiyalnapakamaimpluwensiya ''(influential)'' sa [[Sinaunang Malapit na Silangan]] at ang [[Babilonya]] ay sumakop sa [[Israel]] noong 587 BCE.
{|class="wikitable"
|-
| Si Enkidu ay binuo mula sa putik ng lupa ng [[diyosa]] ng paglikha na si [[Aruru]]. Si Enkidu ay kasama ng mga hayop. Si Enkidu ay tinukso ng babaeng si Shamhat || Si [[Adan at Eba|Adan]] ay binuo mula sa alikabok ng lupa(Genesis 2:7). Si Adan ay kasama ng mga hayop. Si Adan ay tinukso ng babaeng si Eba
|-
| Pagkatapos makipagtalik ni Enkidu kay Shamhat, ang mga hayop ay hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang diyos. <ref>http://www.ancienttexts.org/library/mesopotamian/gilgamesh/tab1.htm</ref> Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kumain.<ref>http://www.mythome.org/gilgamesh1.html</ref> || Sinabi ng ahas kay [[Adan at Eba]] na sila ay magiging tulad ng diyos kung kakainin nila ang bunga ng Puno ng Kaalaman. Nang kainin nila ang bunga, kanilang nalaman na sila ay hubad at nagtago sa kahihiyan. Si [[Yahweh]] ay gumawa ng mga damit para sa kanila.(Genesis 3:5-8)
|-
| Ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang na aking isinakay dito, Ang lahat ng aking kakilala at mga kamag-anak ay pinapunta sa bangka, ang lahat ng mga hayop ng parang… (Tabletang XI) ||Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa. Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop---mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. (Genesis 7:13-14)
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}
 
[[Kategorya:Mga mito ng paglikha]]
[[Kategorya:Mga mito ng baha]]
[[Kategorya:Mitolohiyang Mesopotamiano]]
[[Kategorya:Mga epiko]]
 
{{Link GA|es}}