Literal na pagsasalinwika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m →‎Saligang Batayan ng mga Alituntunin ng Kawastuhan sa Panalastasang Filipino: orthography, replaced: {usbong → {stub, ksyon → ksiyon using AWB
m Revision as of 18:15, 14 January 2012
Linya 1:
Ang '''literal na pagsasalinwika''', na tinatawag ding '''tuwirang pagsasalinwika''', '''direktang pagsasalinwika''', '''diretsong pagsasalinwika''', '''diretsuhang pagsasalinwika''', o '''diretsahang pagsasalinwika''', ay ang isang gawain ng [[pagsasalinwika]] o paglalapat ng salitang katumbas ng isang salita o kaisipan na nahahayag sa ibang wika, na maaaring nakaayon sa tahasang sinasabi o binabasa. Kadalasan itong matutunghayan sa mga panulat sa wikang Filipino kung saan karaniwang kagawian ang Pagsasaling Literal ng mga salitang Ingles sa mga katumbas nilang kasalinan sa wikang Filipino. Kaiba sa sining ng Pagsasalingwika, ang Pagsasaling Literal ay nakatuon lamang sa natutukoy na partikular na salita. Ang paksain ng Pagsasaling Literal ay ang bokabulayo ng wika hindi tulad ng sa pagsasalingwika kung saan ang paksain ay nakatuon higit sa bokabularyo at mga partikular na salita bagkus ay sa diwa at kaisipan tinataglay ng anyo at paraan ng gamit ng mga salita. Ang pagkakaiba ng dalawa ay makikita sa kaugnayan ng konteksto ng mga salitang isinasalin. Masasabing natatangi ang wikang Filipino bilang kakaibang wika na mahalagang bahagi na ng bokabularyo nito ang Pagsasaling Literal. Malaki ang kinalaman dito ng limitadong bokabularyo ng wikang Filipino na maiuugat ang kalagayan sa pinagdaanan nitong kasaysayan. Matatandaang maging ang Saligang Batas ng Pilipinas ay tumutukoy sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Sa pagkakaroon ng alternatibong wika (ang Ingles), hindi napagyaman ng wikang Filipino ang likaskalikasan nitong talasalitaannito. Partikular na ngang naging kakulangan ng wika ang limitado nitong bokabularyo. Ang Pagsasaling Literal ay nagiging paraan narin upang punan ang pagkukulang na yaon. Sa kawalan ng salitang katumbas sa dilang Filipino, isinasagawa ang Pagsasaling Literal upang bigyang ng salitang katumbas ang mga salitang Ingles at iba pang salitang banyaga.
{{linis-kopya}}
 
{{usbong|Wika}}
Ang '''literal na pagsasalinwika''', na tinatawag ding '''tuwirang pagsasalinwika''', '''direktang pagsasalinwika''', '''diretsong pagsasalinwika''', '''diretsuhang pagsasalinwika''', o '''diretsahang pagsasalinwika''', ay ang isang gawain ng [[pagsasalinwika]] o paglalapat ng salitang katumbas ng isang salita o kaisipan na nahahayag sa ibang wika, na maaaring nakaayon sa tahasang sinasabi o binabasa. Kadalasan itong matutunghayan sa mga panulat sa wikang Filipino kung saan karaniwang kagawian ang Pagsasaling Literal ng mga salitang Ingles sa mga katumbas nilang kasalinan sa wikang Filipino. Kaiba sa sining ng Pagsasalingwika, ang Pagsasaling Literal ay nakatuon lamang sa natutukoy na partikular na salita. Ang paksain ng Pagsasaling Literal ay ang bokabulayo ng wika hindi tulad ng sa pagsasalingwika kung saan ang paksain ay nakatuon higit sa bokabularyo at mga partikular na salita bagkus ay sa diwa at kaisipan tinataglay ng anyo at paraan ng gamit ng mga salita. Ang pagkakaiba ng dalawa ay makikita sa kaugnayan ng konteksto ng mga salitang isinasalin. Masasabing natatangi ang wikang Filipino bilang kakaibang wika na mahalagang bahagi na ng bokabularyo nito ang Pagsasaling Literal. Malaki ang kinalaman dito ng limitadong bokabularyo ng wikang Filipino na maiuugat ang kalagayan sa pinagdaanan nitong kasaysayan. Matatandaang maging ang Saligang Batas ng Pilipinas ay tumutukoy sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Sa pagkakaroon ng alternatibong wika (ang Ingles), hindi napagyaman ng wikang Filipino ang likas nitong talasalitaan. Partikular na ngang naging kakulangan ng wika ang limitado nitong bokabularyo. Ang Pagsasaling Literal ay nagiging paraan narin upang punan ang pagkukulang na yaon. Sa kawalan ng salitang katumbas sa dilang Filipino, isinasagawa ang Pagsasaling Literal upang bigyang ng salitang katumbas ang mga salitang Ingles at iba pang salitang banyaga.
 
[[Kategorya:PagsasalinPagsasalinwika]]
==Kawalang batayan ng anyong kawastuhan==
 
[[en:Literal translation]]
Matatandaan na bago itakda ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sang-ayon sa katalagahan ng Saligang Batas ng Pilipinas sa ilalim ng Republika ng Commonwealth (1935), naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa bilang pambansang kapulungan na siyang itinalaga upang magsagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng isang wikang pambansa batay sa isang umiiral na katutubong dayalekto.
 
Sa pamamagitan ng kapulungan ng Surian, napagkatig ang mga alituntuning batayan na may pangkalahatang saklaw mula pangtalasalitaan hanggang pampanitikan at pangbalarilang alituntunin. Sa pamamagitan ng noong umiiral na batayan ng antas ng kawastohan ng gamit ng wika sa pakikipagtalastasan, sa pagsasalita o panulat man ay karaniwang natutukoy ang maling baybay o maling bigkas ng salita hindi man ang maling gamit ng gitlapi ng salita o mga katulad na pagkakamali.
 
At dahil nababatay ang Pambansang Wika sa dayalektong Tagalog, ang talasalitaang Filipino ay katulad ding nakabatay sa dayalektong ito kung saan ang mga bokabularyong Filipino ay limitado hindi lamang sa eksklusibong salitang Tagalog (o banyaga ngunit gamit at tanggap sa pananagalog) bagkus ay limitado din sa mga salitang saklaw baybayin ng alpabetong Tagalog.
 
Ano mang salita na kinapapalooban ng alin man sa mga titik na c, f, j, q, v, x, at z ay maibibilang na salitang hindi likas na Filipino. Bunsod ng ebolusyon ng mga salita at pangangailangan ng wikang Filipino na umangkop sa pagbabago ng panahon, naging FILIPINO ang Wikang Pambansa ng Pilipinas noong huling bahagi ng dekada Walungpu—naging [F]ILIPINO sa dating [P]ILIPINO. Ang lumang alpabeto ay binago at tinawag na Bagong Alpabeto ng wikang Filipino.
 
Malinaw ang adhikain ng pagbabago; paglinangin ang Wikang Pambansa. Ngunit bunsod narin ng sistema ng bilingualismo, ang pagpapalit-Alpabeto ay mistulang nag-akay sa talasalitaang Filipino na higit kalituhan hindi lamang sa larangan ng pagbabaybay at pabigkas ng mga salitang Filipino bagkus ay ang tuwirang hindi tiyak na matukoy alin ang salitang likas na Filipino at alin ang banyaga.
 
Maliban sa mistulang pagkakalimot sa pamilangan sa wikang Filipino (na kapuna-punang walang gumagamit ng bilang na Filipino sa petsa o sa halaga man ng pera)na kung hindi Ingles ay Espanyol ang gamit na salita sa pagbibilang kapwa sa panulat at pagsasalita, mapalad na ang isang pangungusap na magtatapos sa tuldok na hindi nahahaluan ng kahit isa man lamang na salitang Ingles o banyaga. At malala pa nga ay ang naging hindi inaasahang ebolusyon ng bilingualismo tungo sa kagawiang TAG-LISH ng bumungad ng dekada Siyam-na-pu. Sa kagawian ng tag-lish, napalisan ang kalituhan sa pagitan ng mga salitang Filipino at Ingles kung alin ang alin sa mga ito. Ang kalituhan sa halip ay tinanggap na lamang na karaniwang kalagayan kung saan ang bokabularyong Filipino ay hindi ekslusibo sa salitang Filipino. At ang kaalaman kung ano-ano ang mga salitang Filipino na dapat kilalaning bahagi ng talasalitaang Filipino ay nilunod na ng maluwag na pagtanggap ng lipunan sa kagawian ng tag-lish.
 
At higit sumulong pa ang panahon hanggang dumating ang henerasyon ng cellular o mobile telephone. Higit ngang nalunod sa daloy ng ebolusyon ang kalikasan ng wikang Filipino ng sumulong ang teknolohiya ng text messaging. Higit sa kalituhan o kawalan ng pagkakailanlan sa kung alin ang salitang Filipino, maging ang wastong panuntunan sa wastong bagbabaybay, anyo, gamit at kapanahunan ng mga salitang Filipino ay pumaimbulog narin sa kawalang pagkilala sa antas ng kawastuhan.
 
Kung noon ay natutukoy pa ang maling baybay o kaya ay hindi wastong gamit ng gitlapi (salitang Filipino lamang ang may gitlapi dahil ang Ingles ay maryoon lamang prefix at suffix), sa kasalukuyan ay wala nang mali sa gamit ng wika (maging mali ay hindi sasabihing mali dahil maging mali ay kinikilalang katanggap-tanggap).
 
Sa kinagawiang kultura ng panalastasang Filipino; '''kung wala nang nakababatid ng tama, sino pa nga bang makapagsasabi kung ano ang mali.'''
 
==Saligang Batayan ng mga Alituntunin ng Kawastuhan sa Panalastasang Filipino==
 
katulad ng mga alituntuning legal na may mga konkreto at pinagtibay na mga probisyon ng batas bilang batayan; kaya naman ay ng mga teyoryang pang-akademya na nagtataglay ng malawak na kasaklawan ng antas ng pagtanggap na patuloy na iniaangkop sa bawat bagong katuklasan; o, ang maidagdag pa nga na mga batayang moral mga paniniwalang pang-ispiritwal na may opisyal na nagsasatalagang mga sekta at samahang pangrelihiyon, ang mga pampanuto'ng alituntunin na umiiral sa larangan ng panalastasan sa wikang Filipino ay, bunsod ng mabilis na ebolusyon ng pandaigdigang bokabularyo, mapupunang hindi na pinagtutuunan ng sapat na pansin at kahalagahan.
 
Sa kapwa larangang berbal at [[pampanulatan]]g ugnayan na gamit ang wikang Filipino, ang antas ng kawastuhan ay nakalulungkot na hindi na kinikilala bilang mahalagang sangkap ng sining at agham ng panalastasan. Lahat na yata ng anyo ng kamalian ay maluwag na tinatanggap na kadalasan ay hindi na nga kinikilala pang pagkukulang bagkus ay karaniwang kagawian. Sa halip na pag-iral ng mga kongkretong alituntunin ng wastong pagsasatitik at pagsasadila ng wika, ang higit tanggap na katuwiran sa kasalukuyang kultura ng panalastasang Filipino ay ang paniniwalang gaano man kamali ang komposisyon ng isang kapahayagan sa pambalarilang batayan (o kaya ay pampanitikan o pangtalasalitaan, atb), hanggat nararating ng kahayagan ang pang-unawa ng sinasalinan ng diwa, kinikilalang katanggap-tanggap ang naging proseso na talastasan alin mang landas—liko o tuwid o pabaligtad—ang binaybay nito bago mailipat o paiparating sa kinauukulan.
Hanggat naintindihan, wala ng kailangan pang kung ano pa mang antas ng kawastuhan.
Katunayan, sa higit halos pagpulandit ng tulin ng pagbabago—pag-unlad man o pagkasira—at pagsulong ng ebolusyon ng pandaigdigang bokabularyo, may mga salitang umiiral na wala nang iisang kasarinlan o wika ang makapag-aangkin na yaon ay kanyang bokabularyo.
 
At sa kung ano mang layunin at kadahilana na batay sa mga kumentaryo ng matatalinong opinyon ay pangunahing bunsod ng kung ano ang sa kasalukuyan ay popular o ang pop-culture, sinalubong ng Unang Dekada ng Ika-dalawang melenyo ang makabagong anyo ng panalastasan sa wikang Filipino (kung Filipino pa nga bang maituturing ang mga talasalitang gamit nito at mga pambalarilang alituntuning sumasaklaw sa kanilang gamit at anyo). Tinanggap ng lipunan Fipino ng may ngiti at simpleng pagkikibit-balikat ang talastasang tinawag ng henerasyon bilang JEJEMON. At idagdag pa nga dito ang halos kahalinhinang BECKYMON. May ilang bumaimbulog na opinyon na nagsakategorya ng mga gayong pagbabago bilang makabagong sinig ng henerasyon.
 
Sa pag-aaral ng wika at panalastasan, isang tanggap na teyorya ang pagkilala sa wika bilang "buhay" na elemento ng isang kultura at sibilisasyon. Mayroon daw itong sariling pintig ng hininga at ritmo ng pagiral na kusa itong umaaangkop (o sumasalungat) na masasabing kumikilos alinsunod sa daloy ng mga pagbabago ng panahon at kalagayan ng pinananahanan nitong lahi o kasarinlan. Ang teyoryang ganito ang batayan at dahilan kung bakit ang gamit ng wika ay higit kinikilala bilang kasanayan (skill) sa halip na kaalaman (knowledge) kung kayat ang pag-aaral dito ay kinikilalang pampanalastasang kasanayan o pagsasanay (communication skills).
 
Sa pantalasalitaang batayan, KAHAPON ay ang wastong anyo ng gayong salita sa Filipino. Sa gayong batayan, sasabihing ang palisan ang anyo ng salita at bigkasin o isulat ito sa anyong KA-GA-HAPON ay mali kung gayon. Nakapagtataka nga lamang na ang pagkakamali sa gamit ng anyo ng salita o bokabularyo ay mistulang sinasadya ng walang-malay na dilang Filipino. Kung mali ang KAGAHAPON, nakapagtatakang ang pagkakamali ng isa ay madalas na nauulit din ng iba sa mismong katulad nitong maling anyo. Maaari namang ang pagkakamali ay maging KAWAPON, GAHAPON, SIHAPON, ETC. ngunit bakit ang pagkakamali ay mistulang sabayang umiiral.
 
Ang pagkakamali sa bigkas ng salitang KANINA na sa halip ay madalas binibiglas KAGANINA. Kapani-paniwala pa ba na ang mismong pagkakamali ay magkatulad sa pagitan Pampanpanga at Laguna. Kung hanggang pa nga sa Visaya ay mapupunang gayon parin ang mismong antas ng pagkakamali; KAGANINA. KAGAHAPON. Kung ang pagkakamali ay hawa bunsod ng narinig na katulad na mali, paano ipaliliwanag ang pagkakamali na hindi sinasadya (hindi pinag-isipan o namamalayan).
May kinalaman nga ba sa pangungundisyon ng kaisipan o kamalayan, na sa mas malawakang saklaw ay sa paghuhugis ng dilang gamit sa panalastasan, ang umiiral na eksposyur na gising na diwa sa elektronikong media? Sa malayang opinyon, ang ganoong pananaw ay inginingiting sinasabing kaisipang paranoid. NANGENGEALAM nga ba sa kasanayang pampanalastasan ang mga makabagong elemento ng modernong sibilisasyon?
 
Ang mga salitang naging halimbawa: KAGAHAPON, KAGANINA, NANGENGEALAM, kung tutunghayan ang talasalitang Filipino ay hindi sasabihing salitang Filipino. Subalit ilalahad ngayon dito ang katanungang SINO NGA BA ANG NAGTATALAGA, NAGSASAAD, HUMUHUGIS-BATAYAN kung ano ang salitang Filipino at kung ano ang hindi. Sino nga ba ang may sapad taglay na kapangyarihan na tuwirang makapagsasabi kung kailan ang Filipino ay Filipino.
 
Kung sa pag-iral ng Surian ng Wikang Pambansa ay nakapagtalaga ng isang pambansang sangunian ng wikang pambansa na siya noong nagtalaga ng mga batayang alituntunin, maging ang mga institusyong pampamahalaan (tulad ng Kagawaran ng Edukasyon) o pang-akademya (gaya ng mga University Institutes/Departments/Colleges/etc of Languages and Communications) sa kasalukuyan ay walang sapat na kapangyarihan, hindi man ng sapat na kakayahan, upang magtalaga ng pangmalawakang pagsasatalaga ng mga pang-alituntuning batayan ng wastong gamit at anyo ng wika.
At maging sa larangan ng panalimbagan, kailan na nga ba huling mayroong inilimbag na TALASALITAANG FILIPINO o diksyunaryong Filipino? Sa isang mag-aakda, kanino nito maaaring hanguin ang kanyang kasanayan (na sa larangan ng [[panulatan]] ay kinikilalang kapangyarihan o otoridad) at ano ang mga magiging batayan kung kailan at paano ituturing ang antas ng kawastuhan ng kanyang magiging mga pagtutukoy sa mga salita (alin ang bokabularyong Filipino) at pagbibigay katuturan sa mga ito.
Sa pulso ng umiiral na kultura sa larangan ng panalastasang Filipino, mangyari man na makapagtalaga ng mga matatalinong tagapanguna upang bumuo at magtalaga ng mga alituntuning batayan ng wika, ang malamig na turing ng dilang Filipino sa pangangailangan ng kawastuhan ng anyo at gamit ng wika ay malamang na magsasaisangtabi lamang sa kung ano man ang batayang itatalaga.
 
Ang papagiralin ang "hinulmang anyo" ng wikang Filipino ay mistulang hindi mapangyayari sa kasalukuyang kapanahunan at henerasyon. Na kung totoo nga na may sarili at angking buhay at hininga ang wika, ilang eksperto sa larangan ng pag-aaral ng panalastasan ang nagmumungkahi na ang mga katisuran o pagkakali na sa mas eksaktong termino ay sasabihing DETERYORASYON ng isang wika ay pawang stage o baitang lamang na dinadaanan nito tungo sa mas akma nitong katuturan at dipinisyon.
Kung ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino pawang baitang lamang ng kanyang ebolusyon, ang pangkasaysayang koneksiyon nito sa dayalektong Tagalog ay ang ugnayang magtitiyak ng preserbasyon ng taglay nitong kalikasan sa harap ng lahat ng pagbabago at sa larangan ng kung gaano man pumupulandit ang tulin ng ebolusyon.
At sinong magsasabi sa akin na wasto ba o mali na ang kasalinang ginagamit ko sa salitang LANGUAGE ay WIKA sa halip na LENGUWAHE. Maitanong na din naman, Filipino nga ba ang salitang LINGUWAHE. Ano nga ba ang wastong anyo ng salita: LING'WAHE, LINGWAHE, LINGUAHE?
At sinong matalino ang makapagsasabi? Matalino man at sabihin man nila, sundin naman kaya ng iba? Umiral kaya?
 
May maiiba kaya kung isasabatas ang pag-iral ng pamahalaan? Pero kailan nga ba dapat gamitin ang PAMAHALAAN sa halip na GOBYERNO. Alin ba ang likas na talasalitaang Filipino? Filipino ba ang salitang SIENSYA (O SIYENSIYA, SYENSYA, ETC)kung may katumbas itong literal na salin sa salitang AGHAM. Bakit OTORIDAD ang kasalinan ng AUTHORITY at hindi AWTORIDAD?
 
Sa mga simpleng kalituhan naniniwala akong karagdagang pagsasaliksik lamang ang kailangan at matutukoy ang kawastuhan ng mga gayon. Madali ang magsaliksik. Kasingdali din kaya ang magbahagi na sinaliksik? Madaling hanapin ang tama subalit sino nga ba ang may gusto pang humanap.
Kung nooy pinatunayan na Surian ng wikang pambansa ang pagpapairal na batayan ng wika, ang kalagayan na kasalukuyang nagaganap na ebolusyon ng wikang Filipino ay magpapatunay ang wika nga ay may sariling buhay. Tutukuyin nito sa kanyang sarili kung alin at paano ang paiiraling wasto at angkop nitong anyo.
 
At sinong magsasabi, magtatalaga ng wasto na higit mas wastong pagtatalaga kundi ang mismong kahahantungang mga pagbabago ng wikang Filipino.
Sa patuloy na daloy nito, pagsisikapan ng mga pahinang ito na maging tanglaw na susubaybay at magtatala ng mga kaganapang pagdadaan ng wikang Filipino.
 
[[Kategorya:Pagsasalin]]