Imperyong Kastila: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Zumalabe (usapan | ambag)
m orthography: -rsya- > -rsiya-, removed underlinked tag using AWB
Linya 1:
{{wikify|date=Enero 2008}}
{{confuse|Ginintuang Panahon ng mga Kastila}}
Ang [[Espanya]] ang sentro ng isa sa unang [[Imperyong Kolonyal]]. Pinamamahalaan ng Espanya ang kanyang malawak na ''overseas empire'' hanggang [[ika-19 na siglo]]. Ayon kay [[Henry Kamen]], nilikha ng Imperyo ang Espanya, sa halip na ang Imperyo ang nilikha ng Espanya.
Line 11 ⟶ 10:
Mula sa kalagitnaan ng ika-16 na dantaon, ang mga minahan ng ginto at pilak sa Amerika ang nagtaguyod sa lakas militar ng koronang Habsburgo ng Espanya sa mahabang sunud-sunod ng pakikidigma nito sa Europa at [[Hilagang Aprika]]. Natamo ng imperyong Espanya ang pinakamalawak nitong teritoryo sa mundo noong ika-17 at 18 na dantaon, datapuwat nagsimula itong humupa sa pabago-bagong kapalarang pangmilitar at pangkalakalan mula ng mga 1640. Mula sa mga bagong karanasang ito ng pahirap at pagdurusa sa pagpapalawak ng imperyo, nagbalangkas ang mga eskolar na Espanyol ng mga makabagong kaisipan tungkol sa batas natural, kasarinlan, batas pandaigdig, digmaan at ekonomika – gayundin ang pagkuwestyon sa katarungan ng imperyalismo – sa magkakalapit ng paaralang pang-isip na tinawag ng Eskwela ng Salamanca.
 
Ang patuloy na pakikibaka ng Espanya sa mga karibal na lakas ay nagdulot ng sigalot pangteritoryalteritoryal, pangkomersyalkomersiyal at pangrelihiyon na nang lumaon ay nagdulot sa mabalagal na paghupa ng kapangyarihan nito sa simula kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Madalas ang pakikidigma nito sa imperyong Otomano sa Mediterraneo; sa Europa, ang Pransiya ay naging kasinglakas nito. Sa karagatan, unang karibal nito ang Portugal na sinundan ng mga Ingles at Holandes. Dagdag pa rito, ang mga piratang Ingles, Holandes at Frances sa karagatan, ang malawak na pagtulong ng militar nito sa kanyang mga nasasakupan, ang pagtaas ng katiwalian sa pamahalaan, at hindi pagsulong pang-ekonomiya na dulot ng tustosing militar nito ang sa dakong huli ay nagdulot sa paghina ng imperyo.
 
Natapyas ang imperyo nito sa Europa sa Kapayapaan sa Utrecht (1713) na nag-alis sa Espanya ng mga natitira nitong teritoryo sa Italia at Mabababang Bansa (Nederlands). Nang lumaon bumuti ang kapalaran nito ngunit naging segunda lamang ito sa politika sa Europa.
Line 69 ⟶ 68:
== Mga Bagong Batas hanggang sa Kapayapaan sa Augsburgo (1542–1555) ==
 
Nagpatupad ang Espanya ng ilang batas upang protektahan ang mga katutubong tao sa mga nasasakupan nito sa Amerika. Una rito ay noong 1542. Ang kaisipang batas na ito ang naging saligan ng makabagong batas pandaigdig. Dahil sa kalayuan nito, nag-aklas ang mga mananakop Europeo nang makitang nagbabawas ito sa kanilang kapangyarihan. Nagdulot ito ang parsyalparsiyal na pagbawi ng Bagong Batas. Nang lumaon, mahihinang batas ang ipinalabas upang protektahan ang mga katutubo ngunit walang talâ na naging mabisa ito. Pinagsamantalahan ng mga natirang encomenderos ang mga Indios sa halip na alagaan sila.
 
Noong 1543, nagpalabas si Francisco I, ang hari ng Pransiya, na papanig ito kay Soliman, ang Magnipiko at sultang Otomano, sa pagsakop nito kasabwat ang pwersang Otomano sa lungsod ng Nice na kontrolado ng Espanya. Si Henry VIII ng Inglaterra na may mas malaking galit sa Pransiya kaysa sa Emperador (dahil naging sagabal ito sa kanyang diborsyo) ay kumampi kay Carlos na lusobin ang Pransiya. Kahit na natalo ang mga sundalong Espanyol sa Labanan sa Ceresoles sa Savoy, hindi natinag ang Milan na kontrolado ng mga Kastila habang nalupig sa hilaga ang mga Frances sa mga kamay ni Henry. Sa dakong huli, napilitang tanggapin ang mga kasunduang hindi pabor sa Pransiya. Patuloy ang pakikidigma sa mga Otomano sa silangan ng mga Austrianong pinamumunuan ni Fernando, batang kapatid ni Carlos. Inayos din ni Carlos ang mas matandang problema nito, ang Liga ng Esmalcalda.