Himagsikang Pilipino: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m orthography, replaced: ksyon → ksiyon (2) using AWB
Linya 47:
sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ng [[Hapon]] na nakadaong sa Maynila na ang kasabay ang lahat ng puwersa ng Imperyong Hapones na tumuloy agad ng puwersang panghimagsik ng mga Pilipino at mga taguyod para sa mga Katipunan para sa huling makikipaglaban sa mga sundalong Kastila - at nabigo.
 
Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sina Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan sa Kabisayaan), ang pahayagang ''Kalayaan''. Para di malaman ng mga Kastila ang kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito si [[Marcelo H. del Pilar]] bilang "editor" nito at sa [[Yokohama]] bilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawang edisyon sa limbagan ng ''DiarioDyario de Manila''.
 
Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng [[San Juan del Monte]], [[Pasig]], [[San Felipe Neri]], [[Pateros]], [[Marikina]], [[Kalookan]], [[Malabon]], at di kalauna'y sa ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Kabisayaan. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong taong 1893. Sa kabuuan mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit 30,000 na mga katipunero.