Lansangan: Pagkakaiba sa mga pagbabago

No change in size ,  8 year ago
m
walang buod ng pagbabago
m (Bot: Migrating 5 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q83620 (translate me))
mNo edit summary
Ang '''lansangan''', '''kalsada''', '''karsada''', '''daan''' o '''kalye''' ay isang uri ng '''landas''' o '''ruta''' na [[pangtransportasyon]], [[pampaglalakbay]], o [[pangtrapiko]] ng [[sasakyan]] o kaya ng mga [[tao]] o maaaring mga [[hayop]] lamang na nag-uugnay ng isang [[lokasyon]] papunta sa isa pa. Ang '''bulaos''' ay isang uri ng daanan ng tao. Sa katawan ng tubig, ang daan ay maaaring tawaging [[kipot (landas)|kipot]], [[bangbang]] (bambang), [[dagat-kipot]], [[kanal]], [[dagat-lagusan]] o [[paagusan]].
 
Ang mga lansangan o kalsada, kung nasa lupa, ay karaniwang mga daan na may palitada o nilatagan ng mga bato, simentosemento, at aspalto. Karaniwan din itong mayroong mga bangketa sa gilid. Layunin ng mga paglalatag na ganito ang pagpapahintulot ng paglalakbay na nakahiwalay ang mga sasakyan at mga tao.
 
Ang kalye ay isang piraso ng lupang pinatag na ginagamit ng mga tao upang makapagbiyahe nang mas maginhawa. Sa karaniwan, ang kalye ay nasa loob ng isang [[bayan]]. Karamihan sa mga kalye ay nagiging sentro ng katutubong kultura at isang lugar kung saan nagpapangkat-pangkat ang mga tao, katulad ng pagkakaroon ng masisiglang buhay na panggabi.