Cesar Augusto: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB
Linya 41:
[[Talaksan:Augustus Bevilacqua Glyptothek Munich 317.jpg|thumb|left]]
Sa harap ng [[Senadong Romano|Senado]] na may kontrol sa panalapian, iniutos ni Augustus na ang mga buwis ng lalawigan sa Imperyo ay dapat dalhin sa Fiscus na pinamumunuan ng mga taong pinili at sumasagot lamang kay Augusto. Ang mga kita sa mga lalawigang senatorial ay patuloy na ipinadadala sa Aerarium na nasa ilalim ng superbisyon ng Senado. Dahil dito mas mayaman si Augusto kaysa Senado na mas magandang magbayad ng salarium (suweldo) sa mga lehiyonaryo upang seguradohin ang kanilang katapatan. Siniguro ito ng lalawagang imperyo ng Romanong Ehipto na napakayaman at pinakamahalagang supplier ng butil na pagkain sa buong imperyo. Ang pagdalaw ng mga senador sa probinsiyang ito ay ipinagbabawal dahil ipinalalagay na pansariling kaharian ito ng emperador.
Nagbitiw si Augusto sa kanyang pagkakonsulado noong 23 BC nanatili ang kanyang puwestong ''imperium consular'' na humantong sa pangalawang kompromiso sa pagitan ni Augusto at ng Senado na tinawag na Pangalawang Pagkakaunawaan. Ginawaran si Augusto ng kapangyarihan ng isang ''tribunicia potestas'' kahit na walang titulo ngunit nagbigay sa kanya na tumawag ng miting ng Senado at bayan kailan nya naisin upang pag-usapan ang mga usaping ihaharap, i-veto ang mga aksiyon ng Asemblea o Senado, mamuno sa eleksiyon, at karapatang magsalita sa pagbubukas ng anumang miting. Kalakip sa tribunisyang autoridad ni AugustoautoridadAugusto ay mga kapangyarihang karaniwang reserbado sa ''censor Romano'' – kasama ang karapatang mag-supervise ng moralidad ng bayan at suriin ang mga batas upang siguradohing ito ay kapakanan ng publiko, gayundin ang magtakda ng census at tumiyak sa kasapian ng Senado. Walang tribunal sa Roma ang may katulad na kapangyarihang ito, at wala ring nakalipas na pangyayari sa loob ng sistemang Romano ang pagsasanib ng mga kapanyarihan tribunal at ng isang censor sa isang puwesto. Ni hindi nahalal sa Augusto sa tanggapan ng Censor. Hindi pa nababatid kung ang kapangyarihang censor na iginawad by Augusto ay bahagi ng kanyang tibunisyang autoridad o kanya lamang kinamkam ito.
 
Kasama sa ''autoridad tribunal'', ginawaran din si Augusto ng kapangyarihang ''imperium'' sa loob ng lungsod ng Roma. Ang sandatahang lakas ng lungsod na dati ay nasa ilalim na kontrol ng ''prefecto'' ay ngayon ay nasa pag-iisang kapangyarihan ni Augusto. Dagdag dito, ginawaran si Augusto ng ''imperium proconsulare maius'' (kapangyarihan sa lahat ng prokonsulado), ang karapatang makialam sa alinmang probinsiya at pabulaan ang mga desisyon ng sinumang gobernador. Sa kapangyarihang ''maius imperium'', si Augusto lamang ang taong makapaggagawad ng tagumpay sa isang matagumpay na heneral dahil sa lamang ang lider ng buong sandatahang lakas Romano.
Ang mga repormang ito ay kakaiba sa mata ng kaugalian ng republikang Romano dahil ang Senado ay hindi na binubuo ng mga aristokratikong republikano na may malakas na loob upang ipapatay ang Cesar. Marami sa mga senador ay namatay noong Digmaang Sibil at ang mga puno ng mga konserbatibong RepublikanomgaRepublikano sa senado tulad nina Cato at Cicero ay malaon nang patay. Pinatalsik na ni Octavio ang mga natitirang pinaghihinalaang elemento sa Senado. Kanya na ring inilagay ang kanyang mga aristokratang kinatawan dito. Hindi pa rin nalalaman kung gaano kalaya ang Senado sa mga transaksiyon nito at anong mga patagong pag-aayon ang nangyari.
Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni ''Publius Quinctilius Varus'' ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.