Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Emperador Hirohito"

m
orthography, replaced: pulitika → politika using AWB
m (orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB)
m (orthography, replaced: pulitika → politika using AWB)
Sa pag-aalsa ng mga military noong 26 Pebrero 1936, sinakop ng mga elemnto ng Unang Dibisyon ang malaking bahagi ng downtown Tokyo, at maraming mga opisyal ng gubyerno ang pinatay. Ipinag-utos kaagad ni Emperador Hirohito ang mabilis na pagtapos ng pag-aalsa at pagpaparasa sa mga kasabwat dito. Naapula ang pag-aalsa at ilang mga mataas na heneral na sangkot sa pag-uudyok sa mga rebelde ay agarang pinuwersang pinagretiro.
 
Ganunpaman, mabilis na nahatak ang bansa sa digmaan. Noong Hulyo ng taong 1937, nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng Japan at Tsina. Sa huling bahagi ng dekada 30 inabisuhan si Hirohito ng kanyang mga tagapayo na umiwas ng tuluyan sa pulitikapolitika dahil kung hindi isasakripisyo niya ang pusisyon ng buong maharlikang pamilya. Sinunod niya ang payong ito at tumango na lamang siya sa anumang pinagkasunduan ng gubyerno.
 
Maraming mga ebidensiyang nakalap na hindi kumbinsido si Emperador Hirohito sa mga napagkakasunduan ng mga nasa gubyerno lalo na noong unang bahagi ng dekada 40. Malaki ang pagtutol niya sa ginawang alyansa ng kanyang gubyerno sa Alemanya at Italya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pero hindi naman siya gumawa ng paraan para pigilan ito. Nagdududa din siya sa mga ipinakitang mga kaisipan ng kanyang mga pipunong militar na paulit-ulit na nangangakong bibilisan ang pagtapos ng gera sa Tsina. Subalit noong napagkasunduan na ng husto ang Digmaan na sangkot ang [[Estados Unidos]] noong 6 Setyembre 1941 hindi niya tinutulan ito.