Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Sayusay"

m
orthography, replaced: politikal → pampolitika (4) using AWB
m (orthography, replaced: pulitika → politika (6) using AWB)
m (orthography, replaced: politikal → pampolitika (4) using AWB)
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga ''sophist'', Makapal na panitik (''katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon''), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang [[political]] sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at ''estilo'' sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni [[Socrates]] (''c. 470-399 B.C.'') sa pagsasabing walang hangad ang mga ''sophist'' maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa ''retorika'' bilang sining ng pakikipagtalo (''debate'') at hindi sustansiya ng ''talumpati''. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng '''palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain'''. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates ''(c. 436-338 B.C.)''. Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang '''tuluyan''' o ''prosa''. Kakikitaan ang kanyang sariling ''prosa'' ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting [[pangungusap]] na mayaman sa [[History|kasaysayan]] at [[Philosophy|pilosopiya]]. Sa Rhetoric ni '''Aristotle''' ''(384-322 B.C.)'' sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang [[Logic|lohika]] ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang ''enthymeme'' kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na [[silohismo]] na mula sa katotohanang '''unibersal'''; at ang halimbawa o ''analogy'' para sa pangangatwirang induktibo.
 
Si '''Cicero''' ''(106-43 B.C.)'' ang batikang orador ng [[Roma]], katulad din ni [[Aristotle]], ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng ''orador'' kaya’t sa isyu ng [[moral]]idad ipinahayag niyang nararapat na '''maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati'''. Sagana ang ''prosa'' ni ''Cicero'' sa mga hugnayang nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni [[Aristotle]] ang ''oratoryong deliberative'' o [[politikalpampolitika]] na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (''public debate''). Si Aristotle din ang nagpasimula ng ''oratoryong panseseremonya'' o ''epideictic'' na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mga [[salita]]. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na ''declamation''.<ref name="Antonio, Andres, Ambrocio, Aranza, Bagadiong">{{citation | first=Eroll John | last=Antonio | contribution=''Ano ba ang Retorika?'' | editor-last = Andres, A.K.| editor2-last =Ambrocio, R.A. | editor3-last=Aranza, A. | editor4-last= Bagadiong, K. | title=[[LIKHA sa Makabagong Henerasyon]] | from=University of the East, Philippines | link=http://erroljohn020.blogspot.com/2008/04/what-is-rhetorics-anu-ang-retorika.html }}</ref>
 
==Layunin==
==Gampanin==
 
Ang pag-aaral ng retorika ay nakatutulong sa isang indibidwal sa pamamagitan ng limang aspekto. Una, bilang pangunahing diskurso, ang retorika ay nagbibigay daan tungo sa komunikasyon. Sa ganitong punto, nagkakaroon ng oportunidad ang isang indibidwal upang maipahayag ang kanyang saloobin kaugnay sa iba't ibang bagay na mahihinuha nito sa kanyang kapaligiran na maaaaring maisagawa sa paraang pasulat man o pasalita. Ikalawa, ito rin ay isang salik upang magkaroon ng tinatawag na ''distraction effect'' sa isang tao na gumagamit nito. Ito ay bunsod ng gradwal na pagkabaling ng atensiyon ng isang indibidwal habang ito ay sumusulat, nagbabasa, o kaya ay nagpapahayag ng sentimiyento na hinulma mula sa isang partikular na materyal. Sa ganitong paraan, nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon ang sikolohikal na kamalayan ng tao kung saan bahagya nitong nakakaligtaan ang tunay na suliranin na dinarahop nito. Ang retorika rin ay mainam upang ma-ehersisyo ng isang tao ang kanyang kalayaan sa pagpapahayag ''(Freedom of Expression)'' na magsisilbing elemento upang mapalawak nito ang mga pananaw sa mundo. Nahuhubog ng retorika ang perspektibo ng isang indibidwal dahil ito ay sumasaklaw sa dalawang pangunahing akto ng komunikasyon, susi tungo sa pagpapaibayo ng karunungan. Ika-apat, sa pamamagitan rin ng retorika, nagagawa rin ng tao na bigyang-ngalan ang maraming bagay na nakikita sa paligid. Ito ay isang manipestasyon ng umuusbong na pag-iisip ng tao upang makalikha ng mas makabagong mga ideya na magagamit hindi lamang sa proseso ng komunikasyon kundi maging sa mga aspektong sosyopolitikalpangsosyopolitika. Halimbawa, ang kamera ay nagging ''Kodak'', ang toothpaste ay nagiging ''colgate''. At huli, ang retorika ay nagbibigay-pundasyon tungo sa makapangyarihang asimilasyon partikular sa larangan ng [[politika]]. Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na politiko at mananumpalati si [[Ninoy Aquino]] na isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at ideyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.
 
==Elemento==
 
====Politika====
:Ang.. politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga politikalpampolitika na pagkilos sa kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga konstituente sa oras na maluklok sa puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang politikalpampolitika na kandidato ay kumukuha ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto, hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.
 
====Legalidad====