Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pag-init ng daigdig"

m
clean up, replaced: politikal → pampolitika using AWB
m (orthography: -rsya- > -rsiya- using AWB)
m (clean up, replaced: politikal → pampolitika using AWB)
Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa himpapawid.
 
May maliit na bilang na mga siyentipiko ang laban sa pananaw na ang gawa ng tao ang nagdudulot ng malaki sa pagtaas sa temperatura nitong nakaraang panahon. Gayundin, walang katiyakan ang nakapalibot rito kung gaanong kalaking pagbabago sa panahon ang makikita sa darating na araw. May mainit na debateng politikalpampolitika at publiko kung paano mapabababa o mababaliktad ang pag-init sa darating na panahon at kung paano haharapin ang mga bunga nito.
 
Ang katagang “global warming” (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng mas malawak na katagang “climate change’ (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa prinsipyo nito, nyutral ang global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang ‘climate change’ ng UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao, at ‘climate variability’ (pabago-bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan. Ang ilang organisasyon ay gumagamit ng katagang 'anthropogenic climate change' sa pagbabagong dulot ng tao.