Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Anatomiya ng tao"

walang buod ng pagbabago
m (orthography, replaced: ksyon → ksiyon (3) using AWB)
[[Talaksan:Human skeleton diagram.png|thumb|150px|Talaan ng mga buto ng kalansay ng tao.]]
Ang '''dalubkatawan<ref> Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969. </ref> ng tao''' o '''anatomiya ng tao''' ay ang maka-agham na pag-aaral ng [[morpolohiya]] ng may-gulang na katawan ng [[tao]].<ref name = "intro HGray">{{cite web | url=http://www.bartleby.com/107/1.html| title= Dahon ng pagpapakilala, "Anatomy of the Human Body" (Anatomiya ng Katawan ng Tao). Henry Gray. Pang-20 edisyon. 1918|accessdate = 27 Marso 2007}}</ref> Hinati-hati ito sa mga bahaging [[magaspang na anatomiya]] (''gross anatomy'') at [[mikroskopikong anatomiya]] (''microscopic anatomy'').<ref name = "intro HGray"/> Ang magaspang na anatomiya (na tinatawag ding topograpikong anatomiya, anatomiyang rehiyonal, o antropotomiya) ay ang pag-aaral ng mga istrukturang pang-anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o [[mikroskopo]].<ref name = "intro HGray"/> Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag-aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo, na kinabibilangan ng [[histolohiya]] (ang pag-aaral ng organisasyon ng mga tisyu),<ref name = "intro HGray"/> at ng [[sitolohiya]] (ang pag-aaral ng mga selula).
 
Sa ilan sa mga aspeto ng anatomiya ng tao, may kaugnayan ito sa [[embriyolohiya]], [[pinaghahambing na anatomiya]] at [[pilohenetika]] (o [[pinaghahambing na embriyolohiya]]),<ref name = "intro HGray"/> dahil sa magkakaparehong ugat sa [[ebolusyon]]; halimbawa, namamalagi pa sa katawan ng tao ang mga isinaunang segmento ng mga parisan na nakatanghal sa lahat ng mga [[bertebrado]] na may inuulit na mga payak na pangkat, na natatanging magigisnan sa gulugod at sa kulungang-tadyang, at maaaring bakasin mula sa mga isinaunang mga embriyo.
===Mga talababa===
{{reflist}}
 
===Bibliyograpiya===
*Estrada, Horacio R. ''Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao'', isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa [[wikang Pilipino]], [http://www.stii.dost.gov.ph/dostpub/nrcp.htm ''NRCP Medical Series 1''], STII.dost.gov.ph
114

edits