Imperyong Kastila: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m orthography: -rsya- > -rsiya-, removed underlinked tag using AWB
m orthography, replaced: politikal → pampolitika, Holandya → Holandiya, nagdibersyon → nagdibersiyon (3) using AWB
Linya 8:
Isa sa pinakamalawak na imperyo ang Imperyong Espanyol sa kasaysayan at isa sa mga unang imperyong pandaidigan. Noong ika-15 at 16 na dantaon, ang Espanya ang taga-pagtaguyod ng pagdaigdigan ekplorasyon at pananakop ng [[Europa]]. Binuksan ng Espanya ang kalakalan sa mga karagatan - sa [[Karagatang Atlantiko]] sa pagitan ng Espanya at Amerika, at sa [[Karagatang Pasipiko]] sa pagitan ng Asya-Pasipiko at [[Mehiko]] sa pamamagitan ng [[Pilipinas]]. Ibinagsak ng mga conquistador ang sibilisasyong Azteca, Inca at Maya at malaya nitong inangkin ang malawak na lupalop ng Timog at [[Hilagang Amerika]]. May isang panahong nasa tugatog ito sa pangingibabaw ng lakas nito sa mga karagatan dahil sa kanyang hukbong pandagat at pangingibabaw ng hukbong sandatahang tercios nito sa larangan ng mga sagupaan sa Europa. Nagtamasa ng ginintuang edad sa kultura ang Espanya noong ika-16 at 17 dantaon.
 
Mula sa kalagitnaan ng ika-16 na dantaon, ang mga minahan ng ginto at pilak sa Amerika ang nagtaguyod sa lakas militar ng koronang Habsburgo ng Espanya sa mahabang sunud-sunod ng pakikidigma nito sa Europa at [[Hilagang Aprika]]. Natamo ng imperyong Espanya ang pinakamalawak nitong teritoryo sa mundo noong ika-17 at 18 na dantaon, datapuwat nagsimula itong humupa sa pabago-bagong kapalarang pangmilitar at pangkalakalan mula ng mga 1640. Mula sa mga bagong karanasang ito ng pahirap at pagdurusa sa pagpapalawak ng imperyo, nagbalangkas ang mga eskolar na Espanyol ng mga makabagong kaisipan tungkol sa batas natural, kasarinlan, batas pandaigdig, digmaan at ekonomika  – gayundin ang pagkuwestyon sa katarungan ng imperyalismo  – sa magkakalapit ng paaralang pang-isip na tinawag ng Eskwela ng Salamanca.
 
Ang patuloy na pakikibaka ng Espanya sa mga karibal na lakas ay nagdulot ng sigalot teritoryal, komersiyal at pangrelihiyon na nang lumaon ay nagdulot sa mabalagal na paghupa ng kapangyarihan nito sa simula kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Madalas ang pakikidigma nito sa imperyong Otomano sa Mediterraneo; sa Europa, ang Pransiya ay naging kasinglakas nito. Sa karagatan, unang karibal nito ang Portugal na sinundan ng mga Ingles at Holandes. Dagdag pa rito, ang mga piratang Ingles, Holandes at Frances sa karagatan, ang malawak na pagtulong ng militar nito sa kanyang mga nasasakupan, ang pagtaas ng katiwalian sa pamahalaan, at hindi pagsulong pang-ekonomiya na dulot ng tustosing militar nito ang sa dakong huli ay nagdulot sa paghina ng imperyo.
Linya 21:
 
Ang mga kapangyarihang kasangkot sa imperyong Espanyol ay masisilip sa mga imperyong Aragones, Burgonya, at Portuges. Noong huling 250 taon ng Reconquista, hinayaan ng monarkyang Kastila ang maliit ng musulmanong kahariang taifa ng Granada na nasa timog-silangan kapalit ng gintong buwis, tinatawag na parias, na nagpatuloy sa pagdaloy ng ginto sa Europa mula sa rehiyon ng Niger sa Africa. Nakilahok din ang Kastila sa Hilagang Africa upang tapatan nito ang imperyong Portugues nang simulang sakupin ni Enrique III ng Kastila ang Islas Canarias noong 1402 sa ilalim ng pyudal na kasunduan nito kay Jean de Béthencourt isang nobleng Normano. Ang pagsakop ng Islas Canarias, na tahanan ng mga taong Guanche, ay natapos lamang nang manalo ang hukbong sandatahan ng Koronang Kastila sa mahaba at madugong pakikidigma sa mga pulo ng Gran Canaria (1478-14831478–1483), La Palma (1492-14931492–1493) at Tenerife (1494-14961494–1496).
 
Ang pag-iisang dibdib ng mga Reyes Catolicos (Fernando II ng Aragon at Isabel I ng Kastila) ang bumuo sa kompederasyon ng reyno na may kanya-kanyang administrasyon na pinamumunuan ng isang monarkya. Ayon kay Henry Kamen, ang Espanya ay gawa ng imperyo hindi ang imperyo ay gawa ng Espanya.
Linya 41:
Ang pagkamatay ni Gaston de Foix, isang heneral na Frances at Labanan sa Ravenna (1512).
Nang mamatay ni Reyna Isabel, si Fernando ang nag-iisang monarkya ng Espanya. Nagtakda ito ng mas agresibong palakad noong pa mang buhay si Isabel. Pinalawak nito ang impluwensiya ng Espanya sa Italia at laban sa Pransiya. Ang unang paggugol ni Fernando sa pwersang Espanyol ay nangyari noong Digmaan ng mga Liga ng Cambria laban sa Venezia kung saan ipinakita ng mga sundalong Espanyol kasama ang mga kaalyado nitong mga Frances sa Labanan ng Agnadello (1509). Matapos ang isang taon, naging bahagi si Fernando ng Banal na Liga laban sa Pransiya kung saan nabigyan ito ng pagkakataong angkinin ang Milan  – kung saan may dinastiyang habol ito  – at ang Navarra. Hindi gaanong naging matagumpay ang digmaang ito kaysa laban sa Venezia, at noong 1516, pumayag ang Pransiya na makipag-ayos na nagpaparaya sa Milan sa ilalim nito at pagkilala sa pangingibabaw ng Espanya sa Alta Navarra.
 
Noong naging matagumpay ang pamamayanan sa La Española noong unang dako ng 1500, nagsimulang maghanap ng ibang sasakupin ang mga mananakop. Ang mga hindi umunlad sa Hispaniola ay naging masidhi sa paghahanap ng tagumpay sa mga bagong itatayong pamayanan. Mula rito, sinakop ni Juan Ponce de León ang Puerto Rico at ni Diego Velázquez ang Cuba. Ang Darién sa Panama ang kauna-unahang pamayanan sa lupalop na ito na sinakop ni Vasco Núñez de Balboa noong 1512.
Linya 56:
Minsang tinatawag na Ginintuang Siglo ng Espanya ang siglo 16 at 17. Dahil sa pag-iisang dibdib ng mga haring Katoliko, minana ng kanilang apong si Carlos ang imperyong Kastila sa [[Amerika]], imperyong Aragones sa Meditereneo (kasama ang malaking bahagi ng kasalukuyang Italia), gayundin ang korona ng [[Banal na Imperyong Romano]] at ng Mabababang Bansa (Nederlands) at ng Franche-Comté. Dahil dito, nabuo ang imperyo mula sa mga pamana at hindi sa pananakop nito. Matapos niyang talunin ang mga rebeldeng Kastila noong Digmaang Kastila ng mga mamamayan nito, sinasabing si Carlos ang pinakamakapangyarihang tao sa Europa kung saan ang paghahari nito ay hindi mapapantayan hanggang sa dumating ang panahon ni [[Napoleon]]. Noong panahong ito, sinasabing hindi lumulubog ang araw sa imperyo nito. Ang imperyo noong Ginintuang Edad na ito ay kontrolado hindi sa Madrid bagkus mula sa Sevilla.
 
Sa simula, bigong pang-ekonomiya ang imperyong Kastila sa ibayong dagat. Nagbunga ito ng ilang pag-unlad sa kalakalan at industriya. Noong mga 1520, nagsimula ang malakihang pagmimina ng pilak sa Guanajuato, Mexico ngunit hindi naging maalamat na kayamanan ito matapos mabuksan ang mga minahanng pilak sa Zacatecas, Mexico at Potosi, Peru noong 1546 kasama ang malakihang pagluluwas nito sa Europa. Noong siglo 16, sinasabing hawak ng Espanya ang ginto at pilak na may halagang US $1.5 trilyon (sa halaga noong 1990) mula sa Nueva Espanya. Subalit nang lumaon, ang pag-angkat nito ay nagdibersyonnagdibersiyon sa ibang porma ng industriya na nagdulot ng inflation sa Espanya noong dakong huling dekada ng siglo 16. Ang situwasyong ito ang nagpalubha sa pagkawala ng maraming klase ng negosyante at artisano kasama ang pagpapatalsik ng mga Hudyo at Moriscos (musulmano/islamo). Ang malaking importasyon ng pilak sa dakong huli ang nagdulot sa Espanya na umasa sa mga panlabas na mapagkukunan ng mga materyales at pabrikadong kalakal.
Maraming mayayaman ang nag-invest ng kanilang kayamanan sa mga pautang bayan (juros) na sinasagot ng importasyon ng pilak sa halip na produksiyon ng produkto at pagpapabuti ng sakahan. Nagpalawig ito sa kaisipang medyebal ng mga aristokratiko na hindi marangal ang trabahong nagpapawis kahit palubog na ang pagtinging ito sa ibang kanlurang bansa ng Europa. Ang pag-inog ng pilak at ginto na tumulong pang-ekonomiko at pagbabagong panlipunan sa mga Mabababang Bansa, Pransiya, Inglaterra at iba pang bahagi ng Europa ay nakapagpabagal sa Espanya. Ang mga suliraning dulot ng inflation na tinalakay ng mga eskolar sa Eskwela ng Salamanca at ng mga arbitristas ay walang epekto sa gobyernong Habsburgo.
 
Nilustay ng angkang Habsburgo ang mga yaman mula Amerika at Kastila sa pakikidigma nito sa Europa para sa kapakanan ng angkang Habsburgo. Pumalya ng maraming beses ito sa pagbabayad ng utang-bayan, at binayaang mabangkarota ang Espanya kung saan sumambulat ang hidwaan sa pagitan ng Imperyo at pamayanang Kastila sa isang rebelyong popular ng Digmaan ng mga Bayan ng Kastila (1520-221520–22). Maraming mithiing politikalpampolitika ang angkang Habsburgo:
 
• Bigyan daan sa mga produktong Amerikano (ginto, pilak, asukal) at Asyano (porselana, pampalasa, seda) <br />
Linya 70:
Nagpatupad ang Espanya ng ilang batas upang protektahan ang mga katutubong tao sa mga nasasakupan nito sa Amerika. Una rito ay noong 1542. Ang kaisipang batas na ito ang naging saligan ng makabagong batas pandaigdig. Dahil sa kalayuan nito, nag-aklas ang mga mananakop Europeo nang makitang nagbabawas ito sa kanilang kapangyarihan. Nagdulot ito ang parsiyal na pagbawi ng Bagong Batas. Nang lumaon, mahihinang batas ang ipinalabas upang protektahan ang mga katutubo ngunit walang talâ na naging mabisa ito. Pinagsamantalahan ng mga natirang encomenderos ang mga Indios sa halip na alagaan sila.
 
Noong 1543, nagpalabas si Francisco I, ang hari ng Pransiya, na papanig ito kay Soliman, ang Magnipiko at sultang Otomano, sa pagsakop nito kasabwat ang pwersang Otomano sa lungsod ng Nice na kontrolado ng Espanya. Si Henry VIII ng Inglaterra na may mas malaking galit sa Pransiya kaysa sa Emperador (dahil naging sagabal ito sa kanyang diborsyodiborsiyo) ay kumampi kay Carlos na lusobin ang Pransiya. Kahit na natalo ang mga sundalong Espanyol sa Labanan sa Ceresoles sa Savoy, hindi natinag ang Milan na kontrolado ng mga Kastila habang nalupig sa hilaga ang mga Frances sa mga kamay ni Henry. Sa dakong huli, napilitang tanggapin ang mga kasunduang hindi pabor sa Pransiya. Patuloy ang pakikidigma sa mga Otomano sa silangan ng mga Austrianong pinamumunuan ni Fernando, batang kapatid ni Carlos. Inayos din ni Carlos ang mas matandang problema nito, ang Liga ng Esmalcalda.
[[Talaksan:Habsburg Map 1547.jpg|thumb|right|450px|Mapa ng teritoryo ng mga Habsburgo matapos magbitiw si Carlos V (1556) na ipinakikita sa The Cambridge Modern History Atlas (1912); kulay berde ang mga lupaing Habsburgo. Mula 1556, ang mga lupain mula sa Nederlands hanggang sa silangan ng Pransiya, sa timog ng Italia at mga pulo ay angkin ng angkang Habsburgo ng Espanya.
Linya 86:
 
Hindi naging mapayapa ang Espanya dahil umakyat sa trono ang mapusok na si Enrique II ng Pransiya noong 1547 na agad bumuhay sa alitan nito sa Espanya. Agad sumubo sa pakikidigma si Felipe II, na sumunod kay Carlos, sa Pransiya na lumupig sa hukbong sandatahang Frances sa Labanan ng San Quentin sa Picardia noong 1558 at muling nilupig si Enrique sa Labanan ng Gravelines. Ang Kapayapaan sa Cateau-Cambrésis na nilagdaan noong 1559 ang tuluyang kumilala sa mga inangking lupain ng Espanya sa Italia. Sa pagdiriwang sumunod sa kasunduan, napatay si Enrique ng isang bahagi ng ligaw na sibat. Sa mga sumunod na 30 taon napasok ang Pransiya sa mahabang giyera sibil at kaguluhan na nag-alis sa pakikipagtunggali nito sa Espanya at sa angkang Habsburgo sa kapangyarihan sa Europa. Dahil malaya ito sa oposisyong Frances, nangibabaw ang Espanya sa kanyang kapangyarihan at pananakop noong panahong 1559–1643.
Ang pagbubukas ng konsorsyokonsorsiyo sa pagbabangko sa Genoa ang nagdulot ng bangkarota kay Felipe II noong 1557 at gumulo sa mga bahay pangbangko ng Alemanya at nagwakas sa reyno ng mga Fuggers bilang taga-panalapi ng Espanya. Binigyan ng mga bangkerong Genovese ang reynong Habsburgo na mahirap pigilin mangutang dahil sa maasahang kikitain. Ang kapalit nito ay mabilis na paglilipat mula sa Sevilla papunta ng Genoa ng mga pilak na mula sa Amerika bilang kapital sa pagpapatuloy ng negosyo nito.
 
Sinakop ang Florida noong 1565 ni Pedro Menendez de Aviles nang kanyang itatag ang San Agustin, Florida at sa agad na paglupig nito sa ilegal na pagtatangka ng isang kapitang Frances na si Jean Ribault at 150 kababayan nito na makapagtatag ng pamayanang Frances sa teritoryo ng Hispanong Florida. Mabilis na naging isang mahalagang pantalan ang San Agustin para sa mga barkong Espanyol na puno ng ginto at pilak na itinutulak papuntang Espanya mula mga nasasakupan nito sa Nuevo Mundo. Noong 27 Abril 1565, itinatag ang permanenteng pamayanang Espanyol sa Filipinas ni Miguel López de Legaspi na nagsimula sa Galeon de Manila. Ang Galeon de Manila ang sasakyan ng mga produkto mula sa buong Asya patawid sa Pacifico hanggang sa pantalan ng Acapulco na nasa pasigan ng Mexico. Mula roon, ang mga produktong ito ay itinatawid sa lupa sa Mexico upang isakay sa mga bokeng Espanyol patungong Espanya. Ang Maynila bilang isang bayang kalakalang Espanyol ay itinatag noong 1572 upang mapabuti ang kalakalan sa Asya.
Linya 97:
== Mga Sigalot sa Europa (1571–1598) ==
 
Naging maikli ang pagsasaya sa Madrid. Noong 1566, sumiklab ang kaguluhang pinamumunuan ng mga Calvinista na nagpapunta sa Duke ng Alva upang ibalik ang katahimikan sa bansa. Noong 1568, nabigong patalsikin ni Guillermo, ang Tahimik, si Alva sa Nederlands. Ang mga labanang ito ang sinasabing mitsa sa simula ng Walumpung Taong Digmaan na nagbunga sa kalayaan ng mga Nagkakaisang Lalawigan. Sa dahilang nagtatamasa ang mga Espanyol sa kayamanan mula sa Nederlands at lalo na sa mahalaga nitong daungan ng Antwerp. Desidido silang ibalik ang katahimikan at hawakan ang mga probinsiya doon. Noong 1572, isang kulupon ng mga rebeldeng Holandes na tinatawag na watergeuzen ("Pulubing Dagat") ang sumalakay sa mga pasiging bayan ng HolandyaHolanda at nagproklamang sumusuporta kay Guillermo at nagtatuwa sa lideratong Espanyol.
[[Talaksan:Veen01.jpg|thumb|250px|[[Otto van Veen]]: Otto van Veen: Ang Paglikas ng Leiden (1574) matapos pigtasin ng mga Holandes ang kanilang dike sa Walumpung Taong Digmaan.]]
Linya 107:
[[Talaksan:Francisco de Zurbarán 014.jpg|thumb|right|300px|Ang pagtatanggol ng Cádiz, ni Zurbaran.]]
 
Nangailangan ng malaking sandatahang lakas ang Portugal upang makontrol ito kahit nasa bankarotang kalagayan ang Espanya noong 1576. Noong 1584, si Guillermong Matahimik ay pinaslang ng isang Katolikong may sira sa ulo na umaasang ang pagkamatay ng popular na lider ng rebeldeng Holandes ay magtatapos sa digmaan. Hindi ito nangyari. Noong 1586, nagpadala si Reyna Elizabeth I ng Inglaterra ng tulong sa mga Protestante sa Nederlands at Pransiya. Inatake ni Sir Francis Drake ang mga mangangalakal Espanyol sa Caribe at Pacifico kasama ang partikular na madugong atake nito sa daungan ng Cadiz. Noong 1588, upang itigil ang pakikialam ni Elizabeth, ipinadala ni Felipe ang Armada Espanyol upang atakihin ang Inglaterra. Natalo ang Armada ng Espanya kahit matibay ang pananggalang nito dahil - dahil naging maganda ang panahon, maliksi ang boque de guerra ng Inglaterra, at sa paunang ulat ng mga tiktik ng Inglaterra sa Netherland na agad napaghandaan. Gayunpaman, natalo ang Inglaterra sa malaking atake militar nito, ang Expedisyong ni Drake-Norris, 1589, na nagbikwas pabor sa Espanya noong Digmaang Anglo-Hispano noong 1585-16041585–1604 na walang kaduda-duda na ang boque ng Espanya ang pinakamakapangyarihan sa buong Europa bago matalo ito sa bokeng Holandes sa Labanan sa Kababaang Bansa noong 1639 kung saan makikitang humupa na ang lakas nito.
[[Talaksan:Invincible Armada.jpg|thumb|left|300px|Ang Armadang Espanyol habang papaalis ng Look ng Ferrol (1588)]]
Linya 116:
[[Talaksan:Iberian Union Empires.png|295px|thumb|450px|Isang mapa ng imperyong Espanyol at Portugues noong pahanon ng Iberong Pag-iisa (1581-16401581–1640)]]
 
Sa pakikidigma nito laban sa Inglaterra, Pransiya at Nederlands kahit na pinamumunuan ng may kakayahang liderato, talong-talo ito dahil bangkarote ang imperyo. Napilitan ang Espanya na ayusin muli ang mga utang nito noong 1596 dahil walang tigil ang pandarambong sa mga barko nito sa Atlantico at hindi patuloy ang pagluluwas ng ginto mula sa Nuevo Mundo. Sinubok labasan nito ang sarili sa maraming kasangkot na kaguluhan, una rito ang paglagda nito sa Tratato sa Vervins sa Pransiya noong 1598, ang pagkilala kay Enrique IV (na naging Katoliko noong 1593) bilang hari ng Pransiya, at ang pagpapanatili sa maraming estipulasyon sa nakaraang Kapayapaan sa Cateau-Cambrésis. Nakipakasundo ang Inglaterra, na nagdusa sa sunod-sunod na pagkatalo sa karagatan at walang humpay na digmaang gerilya ng mga Katoliko sa Irlanda, na suportado ng Espanya, sa Tratado sa Londres, 1604, na sinundan sa pag-akyat sa trono ni Haring James I mula sa angkang Stuart.
 
Ang kapayapaan nito sa Inglaterra at Pransiya ay nagbigay ng pagkakataong mailagay ang lakas nito upang maibalik ang pamamahala nito sa mga probinsiyang Holandes. Ang mga Holandes na pinamumunuan ni Mauricio ng Nassau, anak ni Guillermong Matahimik at sinasabing pinakabantog na estratehista sa panahon niya, ay nagtagumpay na makuha ang ilang lungsod sa hanggahan nito mula ng 1590 kasama ang kuta ng Breda. Matapos ang pakikipag-ayos nito sa Inglaterra, ang bagong komandanteng Espanyol na si Ambrosio Spinola, isang heneral na may kakayahang katulad ni Mauricio, na lumaban ng todo sa mga Holandes ay nabigong sakupin ang Nederlands dahil sa pagkabangkarota ng Espanya noong 1607. Noong 1609, ang Kasunduang Dose Anyos na nilagdaan sa pagitan ng Espanya at Nagkakaisang mga Probinsiya. Sa wakas, dumatala ang kapayapaan sa Espanya &nbsp;– ang Pax Hispanica.
 
Nakaahon ang Espanya noong lagdaan ang Kasunduan na nagbigay ng panahon para ayusin ang pananalapi nito at upang ibalik ang dangal at kapanatagan mula pa noong tunay na bantog na digmaan na unang kinasangkutan nito. Si Felipe III, ang tagapagmana ni Felipe II, ay isang taong may maliit na kakayahan, walang interes sa politika at mahilig mag-atas ng pangangasiwa ng imperyo sa iba. Ang pangulo niyang ministro na may kakayahan ay ang Duke ng Lerma.