Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imperyong Romano"

m
orthography, replaced: politikal → pampolitika (3) using AWB
m (→‎Pax Romana: fix links to en.wp using AWB)
m (orthography, replaced: politikal → pampolitika (3) using AWB)
|image_map = Roman Empire map.svg
|image_map_caption = Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa pamamahala ni [[Trajan]] noong 117 AD
|capital = [[Roma]] ang nag-iisang kabisera hanggang AD 286.
Sa pamamahala ng [[Tetrarchy]] nagkaroon ng maraming politikalpampolitika na kabisera, habang ang [[Roma]] parin ang tinuring na kabisera ng imperyo.
Sa pamamahala ni [[Constantine I|Constantine]] dalawa ang kabisera, [[Roma]] at [[Constantinopla]].
Ang kanlurang pamahalaan ay lumipat sa [[Ravenna]] pagkatapos ng ilang taon.
|common_languages = [[Latin]], [[Griyego]]
|religion = [[:en:Imperial cult (ancient Rome)|Romano Kulto Imperial]]
(to 380)
[[Christianity]]
(from 380)
|leader2 = [[Theodosius I]]
|leader3 = [[Romulus Augustus]] / [[Constantine XI]]
|year_leader1 = 27 BC  – AD 14
|year_leader2 = 379  – 395
|year_leader3 = 475 — 476 / 1449 — 1453
|title_leader = [[Talaan ng mga Emperador ng Roma|Emperador]]
|stat_year4 = 390 <ref name=size/>
|stat_area4 = 4400000
|footnotes = * Ang mga kaganapan naitala ay ukol sa [[Kanlurang Imperyo Romano]] (286  – 476)<ref>{{cite web|url=http://www.britannica.com/EBchecked/topic/507739/Roman-Empire|title=Roman Empire -- Britannica Online Encyclopedia|publisher=www.britannica.com|accessdate=2008-07-09}}</ref> at ng [[Silangang Imperyo Romano]] (330  – 1453), respectively.

Ang '''Imperyo ng mga Romano''' (Ingles: ''Roman Empire'') ([[Wikang Latin|Latin]]: {{aut|Imperium Romanum}}) ang tawag sa [[Republikang Romano|imperyalistang]] paghahari ng mga [[Romano]] sa malaking bahagi ng [[Europa]], [[Asya]] at [[Aprika|Hilagang Aprika]], na may autokratikong porma ng pamahalaan.<ref>"Roman Empire," Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2008</ref> Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong [[Republikang Romano|Republika Romana]] (510 BC  – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni [[Julio Cesar]] (Julius Caesar) laban kay [[Pompey]]. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay diktador o ''Diktador Perpetuidad'' (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng [[Senadong Romano]] kay [[Augustus Caesar|Octavio]] ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).

Ang katagang ''Imperium Romanum'' (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa [[Inglatera]] at Galia ([[Francia]] ngayon); sa halos buong [[Europa]] (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang [[Aprika]], kasama ang katabing lalawigan ng [[Ehipto]], sa mga lugar ng mga Balkans, sa [[Dagat Itim]], sa [[Asya Menor]] at halos buo ng [[Levante]]. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang [[Portugal]], [[Espanya]], [[Britanyang Romano|Inglatera]] at Francia, [[Italya]], [[Albania]], at [[Grecia|Gresya (Greece)]], ang mga Balkanos, [[Turquia]], at mga bahagi ng silangan at timog [[Alemania]]; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang [[Syria|Siria]], [[Lebanon|Libano]], [[Israel]], [[Jordan]] at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang [[Libya]], [[Tunisia]], [[Algeria]] at [[Morocco]], hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng [[Gibraltar]]. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador [[Trajan]]o sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang [[Romania]] at [[Moldova]]) gayundin ang ilang bahagi ng [[Hungary]], [[Bulgaria]] at [[Ukraine]] noong AD 106, at ng [[Mesopotamia]] noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensiyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.
=== Krisis ng Ikatlong Siglo ===
[[Talaksan:RomanEmpire 117.svg|thumb|left|305px|Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa ilalim ni Trajano noong taong 117 AD]]
Ang [[Krisis ng Ikatlong Siglo]] ay ang naging yugto ng muntikang pagbagsak ng Imperyo mula 235 hanggang 284. Sa panahon ito, 25 emperador ang naghari, at ang imperyo ay nakaranas ng krisis panghukbo, politikalpampolitika na krisis at krisis ekonomikal. Sa pag-akyat ng trono ni [[Diocletian]], na-resolba niya ang ilang mga problema ng imperyo at doon tumigil ang krisis.

Ginawa din ni Diocletian ang "Tetrakiya", ang literal na paghahari ng 2 Emperador ''[[Augustus (titulo)|Augusto]]'' ang ang dalawang nakababatang ''[[Caesar (titulo)|Cesar]]'' na taga-pagmana ng trono. Bumagsak ang Tetrakiya sa pamamahala ni [[Constantius Chlorus]]. Muling nag-kaisa ang imperyo sa pamamahala ni [[Constantino ang Dakila]] at ni [[Theodosius I]] (395AD).

== Ang Mga Emperador (Pagkatapos ng Republikang Romano) ==
Walang tiyak na sagot tungkol sa kung sino talaga ang unang emperador ng Roma. Sa ilalim ng teknikal na pananaw, hindi malinaw na may “unang emperador,” sa dahilang hindi ito isang opisyal ng puwesto sa sistemang batas Romano  – sa halip, ito ay pagsasanib ng mga magkakaibang puwesto.
[[Talaksan:Roman Republic Empire map.gif|thumb|left|305px|Ang paglaki at pagbagsak ng Imperyong Romano]]
{{main|Augustus Caesar}}

Si [[Augustus Caesar|Octavio]], na apo sa pamangkin ni Julius Caesar, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng '''Augustus'''  – “ang iniluklok”, ang Princeps  – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si [[Pompey]] ay ginawaran din ng titulong ito.

Dagdag pa rito, si Augusto Cesar (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble(oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging ''Pontifex Maximus'' si Augusto matapos mamatay si [[Marcus Aemilius Lepidus]] noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.
[[Talaksan:Castro Battle of Actium.jpg|left|thumb|181px|''Ang Labanan sa Actium'' ni Lorenzo A. Castro, 1672.]]

Ang Labanan sa Actium ang lumupig at nang lumaon ang naging dahilan ng pagpapakamatay nina [[Marco Antonio]] at [[Cleopatra]]. Ipinapatay rin ni Octavio ang batang anak ni Cleopartra kasama sa pagbabagsak sa pamumuno ni [[Tolomeo XV Caesarion]]. Sinasabing si Cesario ang kaisa-isang anak ni Julio Cesar. Sa pagpatay ni Octavio kay Cesario, nawalan siya ng karibal sa trono na may dugo ni Julio Cesar. Sinimulang baguhin ni Octavio, na ngayo’y nag-iisang namumuno ng Roma, ang mga balangkas nitong militar, piskal at politikalpampolitika. Ginawa ito upang patatagin at patahimikin ng mundong Romano at lubos na tanggapin ang bagong rehimen.

Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong ''imperator'' “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador.
* [[Ronald Syme]], ''[[The Roman Revolution]]'', 1939, ISBN 0-19-280320-4
* Colin Wells, ''The Roman Empire'', 2nd ed., 1992, ISBN 0-00-686252-7
* Fergus Millar, A Greek Roman Empire: Power and Belief under Theodosius II (408-450408–450). Sather Classical Lectures, Vol. 64. Berkeley: University of California Press, 2006. Pp. 279. ISBN 0-520-24703-5
* McDonnell/MacDonnell, Roman Manliness: Virtus and the Roman Republic