Crisanto Evangelista: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m orthography, replaced: politikal → pampolitika (2) using AWB
m →‎Kabataan at Pag-aasawa: orthography, replaced: sosyal → panlipunan using AWB
Linya 6:
 
Si Crisanto Evangelista ay isnilang noong 1 Nobyembre 1888 sa maliit na nayon ng Malhacan, Meycauayan, Bulacan. Sina
Florencio Evangelista at Feliciana Abano ang kanyang mga magulang. May kapatid sa ina, si Mamerta Abano, na mas matanda kay Crisanto; at tanging kapatid na babae na sumunod sa kanya. Ang kanyang ama ay isang magsasaka sa asyenda; ang kanyang ina, isang maybahay, ay sinasabing nag-aangkin ng matalinong pag-iisip. Ang murang kabataan ni Crisanto ay nagdaan sa dalawang malalaking sigwang sosyalpanlipunan sa kasaysayan ng Pilipinas: ang rebolusyong matagumpay laban sa mga Kastila at ang madugong Pilipino-Amerikano. Sa huling digmaang nabanggit, nagbuwis ng kulang-kulang sa 300,000 buhay ang mga Pilipino upang ipagtanggol ang Unang Republika at ang kanilang pambansang kasarinlan at karangalan.
 
Lumaki at nagkaisip si Crisanto sa isang bayang kolonyal, na unti-unting nilalagom ng kapangyarihan ng imperyalismong Amerikano na katulong ang mga komprador, asendero at mga katutubong politiko sa paghuthot at pang-aapi sa sambayanang Pilipino. Bunga ng kahirapan at pagdarahop, tulak ng kanilang pagnanais na magkaroon ng kalayaan at mas mabuting pamumuhay, at inspirado ng dakilang tradisyong rebolusyonaryo sa maluwalhating pambansang kasaysayan ang pananakop ng ito ng imperyalistang Amerikano ay di kailanman lubos na pinatahimik ng patuloy na protesta ng taumbayang naghihirap. Ang mga pangmasang demonstrasyon at mga petisyon, at ang mga puta-putakting pag-aalsang armado ng mga Kolorum nuong 1923–1924, ng mahihirap sa Kabisayaan nuong 1927, ng mga magsasaka sa Tayug at ng Tanggulan nuong 1931, at ng Sakdal nuong 1935 halimbawa ay sumabog na patuloy sa ilalim ng rehimeng kolonyal. Ang mga puwersa ng pagbabago mula't sapul ay tila masamang panaginip na ayaw patulugin ang imperyalismo at mga katutubong galamay nito.