Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Paghahari-harian"

m
orthography, replaced: sosyal) → panlipunan) (2), removed stub tag using AWB
m (deadlink fix: content removed from google cache, found on web archive)
m (orthography, replaced: sosyal) → panlipunan) (2), removed stub tag using AWB)
Ang '''paghahari-harian''' o '''pagmamaton''' (Ingles: ''bullying'') ay isang uri ng [[pang-aapi]] o [[panunupil]], na isa ring uri ng [[ugali]]ng mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o [[koersiyon]] (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng [[panliligalig]] na binabanggit, [[pagsalakay]] o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa [[lahi]], [[relihiyon]], [[kasarian]], [[kamulatang seksuwal|seksuwalidad]], o kakayahan.<ref>[http://www.cambridgeshire.gov.uk/education/parents/welfare/Bullying/whatisbullying.htm Cambridgeshire.gov.uk]</ref><ref>(U.S. Dept. of Justice, Fact Sheet #FS-200127)</ref> Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng '''pangmamaton''' ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "[[puntirya]]" o ang "[[pinupukol]]".
 
Ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri ng [[pang-aabuso]] &ndashnbsp; [[pang-aabusong sikolohikal|emosyonal]], [[pang-aabusong binabanggit|sinasambit]], at [[pang-aabusong pangkatawan|pisikal]]. Karaniwang itong kinasasangkutan ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng [[pananakot]] o intimidasyon. Ang paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba't ibang mga kaparaanan. Ang [[Nagkakaisang Kaharian]] ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan ng pagmamaton,<ref>[http://www.campus.manchester.ac.uk/equalityanddiversity/harassmentdiscriminationandbullying/ ''Harassment, Discrimination and Bullying Policy''] &ndashnbsp; [[Pamantasan ng Manchester]]</ref> samantalang ang mga estado ng [[Estados Unidos]] ay mayroon mga batas na laban dito.<ref>Hindi bababa sa 15 mga estado ang nagpasa ng mga batas na tumutuon sa pangmamaton sa mga batang nag-aaral.[http://web.archive.org/web/20040529052056/http://stopbullyingnow.hrsa.gov/HHS_PSA/pdfs/SBN_Tip_6.pdf Paghahanap sa Google]</ref>
 
Sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang [[hari]]) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay tinatawag ding '''pang-aabuso ng kauri''' o '''pang-aabuso ng kapantay''' na tao.<ref>Bennett, Elizabeth ''Peer Abuse Know More: Bullying From a Psychological Perspective'' (2006)</ref> Sinuri ni [[Robert W. Fuller]] ang pagmamaton sa diwa ng [[rankismo]]. Mayroon ding [[pagmamaton sa Internet]].
 
Maaaring maganap ang pagmamaton sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan o nakikipagkapwa sa bawat isa. Kabilang dito ang [[Pagmamaton sa paaralan|paaralan]], simbahan, mag-anak, [[pagmamataon sa pook ng trabaho|trabaho]], tahanan, at pamayanan. Ito ay isa ring pangkaraniwang [[Imigrasyon|dahilan ng pagtulak]] na nag-uudyok ng [[migrasyon ng tao|migrasyon]]. Maaaring umiral ang pagmamaton sa pagitan ng mga [[pangkat na panlipunan]] (grupong sosyal), mga [[klaseng panlipunan]] (klaseng sosyal), at pati na sa pagitan ng mga bansa (tingnan ang [[jinggoismo]]). Sa katunayan, sa sukatang pandaigdigan, ang nawawatasan o tunay mga kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga nasyon, kapwa sa mga sistemang pang-ekonomiya at sa mga sistemang pangtratado o pangkasunduan, ay kadalasang binabanggit bilang ilan sa pangunahing mga sanhi ng [[Unang Digmaang Pandaigdig]] at ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]].<ref name = "power_imbalance_caused_wwI">{{cite web
| year = 2010
| url = http://www.sparknotes.com/history/european/1871-1914/section8.rhtml
| title= The Balance of Power in Europe (1871-19141871–1914)
| accessdate = 2010-10-30}} Description of how an imbalance of power in Europe precipitated WWI.
</ref><ref name = "peace_consequences">{{cite web
==Mga sanggunian==
{{Reflist}}
 
{{usbong|Tao|Sikolohiya|Lipunan}}
 
[[Kategorya:Sikolohiyang panlipunan]]