Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Apostol Pablo"

m
orthography, replaced: kwento → kuwento (2) using AWB
m (orthography, replaced: kwento → kuwento (2) using AWB)
Si '''Apostol Pablo''' o '''Pablo ng Tarsus''' ([[Wikang Ebreo|Ebreo]]: '''פאולוס מתרסוס''', Pa’ulus miTarsus) ([[5 CE]]–[[67 CE]]) ayon sa ilang aklat ng [[Bagong Tipan]] ay isang [[apostol]] ni [[Hesus]]. Ang mga sulat na tradisyonal na itinuturo sa kanya ng mga Kristiyano na tinatawag na mga [[sulat ni Pablo]] ay bumubuo ng malaking bahagi ng [[Bagong Tipan]]. Gayunpaman, ang marami sa mga [[sulat ni Pablo]] ay pinaniniwalaan ng mga modernong skolar na hindi autentiko o peke na ipinangalan lang kay Pablo. Ang mga [[sulat ni Pablo]] na nakapasok sa [[kanon]] na Katoliko ay tinatanggap ng maraming mga Kristiyano ngayon ngunit hindi lahat ng mga Kristiyano. Ang mga [[ebionita]] ay tumakwil sa mga [[sulat ni Pablo]] at tumuring kay Pablo na isang ''impostor na apostol''.
 
Ang ''[[Kristiyanismong Paulino]]'' ay isang terminong ginagamit ng mga skolar mula pa noong ika-20 siglo upang tukuyin ang isang anyo ng Kristiyanismo na nauugnay sa mga paniniwala at doktrinang itinaguyod ni Pablo sa [[sulat ni Pablo|kanyang mga sinasabing sulat]]. Ang mga skolar ay nagmungkahi ng iba't ibang mga hibla ng pananaw sa loob ng [[Kristiyanismo|Sinaunang Kristiyanismo]] sa mga simulang siglo nito. Ang mga katuruan ni Pablo ay nakita ng marami na iba at sumasalungat sa mga katuruan ni [[Hesus]] na nakatala sa mga kanonikal na ebanghelyo gayundin sa [[Mga Gawa ng mga Apostol]] at iba pang mga epistula ng Bagong Tipan gaya ng [[Sulat ni Santiago]]. Ang mga tagapagtaguyod ng anyong Paulino ng Kristiyanismo ay kinabiblangan ni [[Marcion ng Sinope]] na nag-angking si Pablo ang tanging apostol na tamang nakaunawa ng mensahe ng kaligtasan ni Hesus. Salungat dito ang mga pangkat ng Kristiyanismo na tumakwil kay Pablo at sa kanyang mga sulat at katuruan na kinabibilangan ng mga [[Hudyong-Kristiyano]] gaya ng mga [[Ebionita]] at [[Nazareno]] dahil sa kanyang paglihis sa Hudaismo at [[Konseho ng Herusalem|mga katuruan ng ibang mga apostol]]. Kanilang itinuring si Pablo na isang natalikod at impostor na apostol. Ayon sa mga skolar gaya nina [[Hyam Maccoby]] (1987), [[Robert Eisenman]], [[James Tabor]], [[Hugh Schonfield]] (1961) at marami pang iba, ang mga [[Ebionita]] ay mas matapat sa mga autentikong mga katuruan ni Hesus at bumubuo ng mga nananaig na mananampalataya ng Herusalem sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo bago ang kanilang unti-unting [[marhinalisasyon]] ng mga tagasunod ni Pablo.<ref name="Maccoby 1987">{{Cite book| author = [[Hyam Maccoby]]| title = The Mythmaker: Paul and the Invention of Christianity| pages = 172–183.| publisher = HarperCollins | year = 1987 | isbn = 0-06-250585-8}}, [http://ebionite.tripod.com/mac15.htm an abridgement]</ref><ref name="Schoeps 1969">{{Cite book| author = Hans-Joachim Schoeps| title = Jewish Christianity: Factional Disputes in the Early Church. Translation Douglas R. A. Hare| publisher = Fortress Press| year = 1969}}</ref><ref name="Tabor 2006">{{Cite book| author = [[James Tabor]] | title = The Jesus Dynasty: A New Historical Investigation of Jesus, His Royal Family, and the Birth of Christianity| publisher = Simon & Schuster | year = 2006| isbn = 0-7432-8723-1}}</ref><ref name="Tabor, authentic followers">Tabor (2006), p. 286, 289-291.</ref><ref name="Eisenman p. 5-65–6 1997">{{Cite book| author = [[Robert Eisenman]]| title = James the Brother of Jesus: The Key to Unlocking the Secrets of Early Christianity and the Dead Sea Scrolls | pages = 5–6.| publisher = Viking | year = 1997 | isbn = 1-84293-026-5}}</ref><ref>Howard Bream's review of H. J. Schoeps, ''Theologie und Geschichte des Judenchristentums'' (1949), in: ''The Journal of Religion'' (1952), p. 58: "In the development of Christianity itself, he [Schoeps] believes that they [the Ebionites] were in many respects closer to the teachings of Jesus than were the Gentiles. This is true particularly where the Ebionites differed from normative Judaism, as in rejecting animal sacrifice and in deleting certain passages from Scripture with the claim that they were interpolations."</ref>
 
== Talambuhay ==
[[Talaksan:PaulusTarsus LKANRW.jpg|thumb|right|Komposito ng mukha ni Pablo na ginawa ng mga eksperto ng kapulisan ng estado ng NRW, Alemanya.]]
[[Talaksan:Caravaggio-The Conversion on the Way to Damascus.jpg|thumb|right|Isang dibuho hinggil sa pagbabagong-loob ni San Pablo noong patungo siya sa Damasco. Ipininta ng tagapintang si [[Michelangelo Merisi da Caravaggio]] (1573-16101573–1610) - mas kilala bilang [[Caravaggio]] lamang - ang obrang ito. Sumiklab lamang ang liwanag na mula sa kalangitan sa loob ng isip ni Saul - na naging Pablo. Sa larawang ito na walang panlikod na palamuti o tanawin sapagkat nasa loob lamang ng isang silid o pook sa isang bahay. Tila naghihintay lamang ang kasamang katulong at ang kabayo na muling balikan ng ulirat at bumangong muli si Pablo, para makapagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.<ref name=Biblia2/>]]
 
Ang mga sanggunian sa buhay ni Pablo ang [[Mga Gawa ng mga Apostol]] at mga [[sulat ni Pablo]]. Ang ''Mga Gawa'' ay nagsasalaysay ng kwentokuwento ng panahong apostoliko ng sinaunang simbahang Kristiyano na may partikular na pagbibigay diin sa pangangaral ng 12 apostol at ni Pablo. Ang mga kalaunang kabanata ay nagsasalaysay ng pagkaakay ni Pablo sa Kristiyanismo, kanyang pangangaral at sa huli ay ang pagdakip at pagkakabilanggo at paglalakbay sa Roma. Ayon sa mga skolar, ang may akda ng [[Mga Gawa ng mga Apostol]] ay hindi maituturing na isang napaka-maasahang historyan. Ayon sa mga skolar, ang ''Mga Gawa ng mga Apostol'' ay naglalarawan kay Pablo nang iba sa paglalarawan ni Pablo sa kanyang mga epistula na parehong sa paktuwal at teolohikal.<ref>"Acts presents a picture of Paul that differs from his own description of himself in many of his letters, both factually and theologically." biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved 25 Nobyembre 2010, from [http://www.britannica.com/EBchecked/topic/64496/biblical-literature/73440/The-Acts-of-the-Apostles?anchor=ref598122 Encyclopædia Britannica Online]</ref> Ang ''Mga Gawa'' ay iba sa mga sulat ni Pablo sa mga mahahalagang isyu gaya ng kautusan ni Moises, pagka-apostol ni Pablo at kanyang relasyon [[Konseho ng Herusalem|sa simbahan sa Herusalem]].<ref>"That an actual companion of Paul writing about his mission journeys could be in so much disagreement with Paul (whose theology is evidenced in his letters) about fundamental issues such as the Law, his apostleship, and his relationship to the Jerusalem church is hardly conceivable." biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved 25 Nobyembre 2010, from [http://www.britannica.com/EBchecked/topic/64496/biblical-literature/73440/The-Acts-of-the-Apostles?anchor=ref598122 Encyclopædia Britannica Online]</ref> Ang isa pang isyu na sumisira sa kredibilidad ng may akda ng ''Mga Gawa'' ang [[plagiarismo]] nito ng iba't ibang mga sanggunian.
===Talambuhay ayon sa Bagong Tipan===
Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|22:25-29}} at {{bibleverse|Mga|Gawa|16:37}}, si Pablo ay isang mamamayang Romano sa kapanganakan gaya ng kanyang ama. Siya ay nagmula sa isang taos pusong pamilyang Hudyo sa siyudad ng [[Tarsus|Tarsus, Syria]].<ref name="Montague, George T. 1966">Montague, George T. ''The Living Thought Of St. Paul''. Milwaukee: Bruce Publishing Co. 1966. AISN: B0006CRKIC</ref>
Ang kanyang pamilya ay may kasaysayan ng kabanalang pang-[[relihiyon]] ({{bibleverse|2|Timoteo|1:3}}. Maliwanag na ang kanyang pamilya ay nauugnay sa mga tradisyon ng [[fariseo]] ({{bibleverse||Filipos|3:5-6}}). Ang kanyang ama ay isang fariseo ({{bibleverse|Mga|Gawa|23:6}}). Ayon sa {{bibleverse||Filipos|3:5}}, siya ay mula sa lipi ni Benjamin, isang Hebreo ng mga Hebreo at isang fariseo. Sa kanyang kabataan, ipinadala si Pablo sa Herusalem upang tumanggap ng edukasyon sa eskwela ni Gamaliel ({{bibleverse|Mga|Gawa|22:3}}). Gayunpaman, ang mga pagtatangka ni Pablo na mangatwiran sa istilong [[rabbi]]niko halimbawa sa {{bibleverse||Roma|7:1-6}} ay naghahayag ng kanyang kawalang kaalaman sa lohikang rabbiniko. Ang ilan sa kanyang mga kamag-anak ay tumira sa Herusalem dahil kalaunan, ang isa sa mga anak ng kanyang kapatid na babae ay nagligtas ng kanyang buhay doon ({{bibleverse|Mga|Gawa|23:16}}). Wala nang iba pa pang alam sa kanyang buhay hanggang sa sumali siya sa pagkamartir ni Esteban ({{bibleverse|Mga|Gawa|7:58-60,22:20}}). Si Saul ay natutong gumawa ng mga tolda ({{bibleverse|Mga|Gawa|18:1-3}}) na kalaunan ang naging paraan ng pagsuporta sa kanyang sarili habang nangangaral.
===Mga posibleng impluwensiyang pagano===
Siya ay nagmula sa isang taos pusong pamilyang Hudyo sa siyudad ng [[Tarsus|Tarsus, Syria]].<ref name="Montague, George T. 1966"/> Ayon sa mga skolar, ang Tarsus ang pinakamaimpluwensiyang siyudad sa [[Asya menor]] sa panahon ni [[Dakilang Alejandro]].<ref>Wright, G. Ernest , ''Great People Of The Bible And How They Lived'', (Pleasantville, New York: The Reader’s Digest Association, Inc., 1974. ASIN: B000OEOKL2</ref> Ang [[Stoisismo]] ang nananaig na [[pilosopiya]] doon. Mabigat na sumasalim sa pilosopiyang Stoiko ang mga [[sulat ni Pablo]] upang tulungan ang mga bagong akay na [[hentil]] na maunawaan ang salita ng diyos.<ref>Kee, Howard and Franklin W. Young, ''Understanding The New Testament'', Englewood Cliffs, New Jersey, Prentice Hall, Inc. 1958, pg 208. ISBN 978-0139365911</ref> Ang mga [[sulat ni Pablo|liham ni Pablo]] na ayon sa mga skolar ay orihinal na isinulat sa [[wikang Griyego]] ay may pagkakatulad at posibleng hinango mula sa mga [[pilosopiyang Griyego]] na [[Stoiko]] (halimbawa sa Filipos 4:2-9, Col 3:1-17, 1 Thes 4:1-12), [[Platonismo]] (halimbawa sa {{bibleverse||Colosas|1:18}}, {{bibleverse||Efeso|1:22}}, {{bibleverse|1|Corinto|12:14}}, {{bibleverse|2|Corinto|4:16-5:10}})<ref>Ayon kay [[Plato]]:"Una at pagkatapos ay mga diyos na gumagaya sa sperikal na hugis ng uniberso na nakasara sa dalawang mga makadiyos na kurso sa isang sperikal na katawan na, ating ngayong teterminuhang ulo na pinakamakadiyos na bahagi natin at ang panginoon ng lahat na nasa atin; dito, ang mga diyos kapag kanilang pinagsama ang katawan ay nagbigay sa ibang mga kasapi na maging mga lingkod."</ref> at [[Cynisismo|Cyniko]] (halimbawa sa Roma 6:16-18,7:14)<ref>Ayon kay [[Heraclitus]]: Ang kasamaan lamang ang umaalipin, ang birtud ay nagpapalaya</ref> gayundin sa [[mga misteryong Greko-Romano|mga misteryong relihiyon]]. Ang mga [[sulat ni Pablo]] ay nagpapakita ng kanyang kahusayan sa isang edukadong istilong Griyego gayundin sa kanyang pagbanggit ng ilang mga manunulat na [[Helenestiko]]. Halimbawa nito ang pagsipi ni Pablo sa isang taga-Creta sa {{bibleverse||Tito|1:12-13}}, "''Isa sa kanila, ito ay [[Epimenides|sarili nilang propeta]], ang nagsabi: Ang mga taga-[[Creta]] ay laging sinungaling, asal masamang hayop at matatakaw na [[batugan]]''. Isinaad ni Pablo na ''ang sinabing ito patungkol sa kanila ay totoo'' ({{bibleverse||Tito|1:13}}) na humahantong sa isang [[kontradiksiyon]].
 
===Paggamit ni Pablo ng bersiyong Septuagint===
 
===Talambuhay ayon sa mga Ebionita===
Ayon sa Kristiyanong si [[Epiphanius]], isinaad ng mga Hudyong-Kristiyanong [[Ebionita]] (kana tumakwil kay Pablo at tumuring sa kanyang isang natalikod na [[apostol]]) na "''kanilang inihayag na siya (Pablo) ay Griyego...Siya ay tumungo sa Heruslaem, kanilang sinasabi, at gumugol ng ilang panahon doon, siya ay sinunggaban ng kasigasigan na pakasalan ang anak na babae ng [[Saserdote]]. Sa kadahilanang ito ay naging isa siyang akay (sa Hudaismo) at nagpatuli. Pagkatapos ay nang mabigo niyang makuha ang babae ay napoot at sumulat nang laban sa pagtutuli at laban sa [[Sabbath]] at Batas (ng Hudyo)''"<ref>Epiphanius, Panarion, 30.16.6-9</ref>
 
===Pangitain ni Pablo ni Hesus===
Bago ang kanyang pagkaakay sa [[Kristiyanismo]], kanyang inamin na kanyang inusig ang "iglesia ng Diyos" ({{bibleverse||Galacia|1:13-14}}, {{bibleverse||Filipos|3:6}}, {{bibleverse|Mga|Gawa|8:1-3}}). Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|9:1-31}},
{{cquote|Siya ay pumunta sa pinakapunong-saserdote at humingi siya ng mga sulat para sa mga sinagoga ng Damasco. Sa ganoon, ang sinumang masumpungang niyang nasa Daan, maging mga lalaki o mga babae ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem. Sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. Siya ay nadapa sa lupa at nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabi sa kaniya: Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Sinabi niya: Sino ka ba Panginoon? Sinabi ng Panginoon: Ako si Hesus na iyong pinag-uusig. Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pantaboy na patpat. Nanginginig at nagtatakang sinabi niya: Panginoon, ano ang ibig mong gawin ko? Sinabi ng Panginoon sa kaniya: Tumindig ka at pumunta sa lungsod at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Ang mga taong kasama niya sa paglalakbay ay nakatayo na hindi makapagsalita. Narinig nila ang tinig ngunit wala silang nakikitang sinuman. Tumayo si Saulo at ng siya ay dumilat, wala siyang nakitang sinuman.}}
 
Ang pangitaing ito ay kinopya sa [[Ang Bacchae]] na tinatayang 500 taong mas nauna sa ''Mga Gawa''. Sa Bacchae, si [[Dionysus]] na isang inusig na diyos ay nagsabi sa kanyang taga-usig na si Pentheus: "''Iyong binalewala ang aking mga salita ng pagbababala...at sumikad sa mga pantaboy na patpat''. Sa ''Mga Gawa'', pinanatili ang plural na anyo ng Griyegong kentra sa Bacchae samantalang pinanatili ang metro ng Bacchae na wala sa lugar sa ''Mga Gawa''. Ang isa pang problema ay pagkatapos ng pagbato kay Esteban, sinalaysay ng may akda ng Mga Gawa na natanggap ni Pablo mula sa [[Dakilang Saserdote]] ang mga liham ng mga sinagoga sa Damasco na nagbibigay kapangyarihan sa kanyang dakpin ang sinumang matagpuan na kabilang sa Daan at dadalhin sila sa Herusalem. Ayon kay Helms, ang Dakilang Saserdote sa Herusalem ay walang kapangyarihan na magpadakip ng mga Hudyo sa mga estadong dayuhan at ibalik ang mga ito sa Palestina. Ayon kay Wells, "naging palaisipan sa sa mga komentador sa suhestiyong ito na ang dakilang saserdote ay may kapangyarihang magpadakip sa isang siyudad na Romano mga 200 milya ang layo kung ang hurisdiksiyon ng kahit [[sanhedrin]] ay hindi lumagpas sa Judea". Ang ikalawang paghahayag ng pagkaakay ni Pablo ay sa isang talumpati na kanyang binigay nang siya ay dakpin sa Herusalem. Ang deskripsiyon ng kanyang pagkaakay ay may mga pagkakaiba sa Mga Gawa 9. Halimbawa, ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|9:7}}, hindi nakita ng mga kasama ni Pablo kung sino ang kanyang kinakausap ngunit narinig ang tinig. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|22:9}}, nakita ng mga kasama ni Pablo ang liwanag ngunit hindi narinig ang tinig. Ang ikatlong pagtalakay ng pagkaakay ni Pablo ay nangyari sa harap ni haring Agrippa sa pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa mga akusasyon ng [[antinomianismo]]. Ito ay mas maikli sa Gawa 9 at 22 at hindi naglalaman ng salaysay tungkol kay Ananias. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|26:17}}, sa daan tungo sa Damasco nang sabihin mismo ni Hesus ang papel ng pangangaral na gagawin ni Pablo sa mga [[hentil]]. Ayon naman sa Gawa 22, si Ananias sa Damasco at hindi si Hesus ang nagsabi ng lahat ng mga bagay na iuutos ni Hesus na gagawin ni Pablo. Ayon sa Gawa 22:17-21, si Pablo ay tumungo sa Damasco at pagkatapos ay bumalik sa Herusalem kung saan ay sinabi sa kanya ni Hesus ang kanyang pangangaral sa mga [[hentil]].
 
May ilang iminungkahing mga paliwanag sa "pangitain" ni Pablo ni Hesus. Ayon kay D. Landborough sa kanyang papel na inilimbag sa ''[[Journal of Neurology, Neurosurgery, and Psychiatry]]'',<ref name="Landsborough">D. Landsborough, "St. Paul and Temporal Lobe Epilepsy," ''J Neurol Neurosurg Psychiatry'' 1987; 50; 659–64: [http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1032067/pdf/jnnpsyc00553-0001.pdf]</ref> ang karanasan ni Pablo na may maningning na liwanag, kawalan ng postura (si Pablo ay nasubasob), isang mensahe ng malakas na nilalamang pang-relihiyon, at kalaunang pagkabulag ay nagmumungkahi ng isang pag-atke ng [[epilepsiya]] ng [[temporal lobe]] ng utak...Ang pagkabulag na sumunod ay maaaring isang [[Postictal state|post-ictal]]."<ref name="Landsborough"/> Maraming mga halimbawa sa kasaysayan ng mga indibidwal na nagkaroon ng masidhing mga mistikal na karanasan na kinikilala ngayon bilang mga sintomas ng sakit sa pag-iisip.<ref>http://news.bbc.co.uk/2/hi/science/nature/2865009.stm</ref> Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may [[schizophrenia]] ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga [[diyos]] o [[mesiyas]], ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.<ref>{{cite journal|last=Siddle|first=Ronald|coauthors=Haddock, Gillian, Tarrier, Nicholas, Faragher, E.Brian|title=Religious delusions in patients admitted to hospital with schizophrenia|journal=Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology|date=1 Marso 2002|volume=37|issue=3|pages=130–138|doi=10.1007/s001270200005|pmid=11990010}}</ref><ref>{{cite journal|last=Mohr|first=Sylvia|coauthors=Borras, Laurence, Betrisey, Carine, Pierre-Yves, Brandt, Gilliéron, Christiane, Huguelet, Philippe|title=Delusions with Religious Content in Patients with Psychosis: How They Interact with Spiritual Coping|journal=Psychiatry: Interpersonal and Biological Processes|date=1 Hunyo 2010|volume=73|issue=2|pages=158–172|doi=10.1521/psyc.2010.73.2.158}}</ref><ref>{{cite journal|last=Suhail|first=Kausar|coauthors=Ghauri, Shabnam|title=Phenomenology of delusions and hallucinations in schizophrenia by religious convictions|journal=Mental Health, Religion & Culture|date=1 Abril 2010|volume=13|issue=3|pages=245–259|doi=10.1080/13674670903313722}}</ref> Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng ''temporolimbic'' ng utak.<ref>{{cite journal |doi=10.1111/j.1399-5618.2009.00737.x |title=The International Society for Bipolar Disorders (ISBD) consensus guidelines for the safety monitoring of bipolar disorder treatments |year=2009 |last1=Ng |first1=Felicity |last2=Mammen |first2=Oommen K |last3=Wilting |first3=Ingeborg |last4=Sachs |first4=Gary S |last5=Ferrier |first5=I Nicol |last6=Cassidy |first6=Frederick |last7=Beaulieu |first7=Serge |last8=Yatham |first8=Lakshmi N |last9=Berk |first9=Michael |journal=Bipolar Disorders |volume=11 |issue=6 |pages=559–95 |pmid=19689501}}</ref> Sa isang 2012 papel na inilimbag sa ''[[Journal of Neuropsychiatry and Clinical Neurosciences]]'', iminungkahi na ang karanasan ni Pablo ay maaaring maunawaan bilang isang pagkabulag na sikoheniko. Ito ay nangyari sa kabuuang konteksto ng ibang mga karanasang pandinig at pang-paningin na maaaring sanhi ng [[disorder ng mood]] na nauugnay sa mga sintomas na sikotikong spektrum.<ref>Murray, ED.; Cunningham MG, Price BH. (1). "The role of psychotic disorders in religious history considered". J Neuropsychiatry Clin Neuroscience 24 (4): 410–26. doi:10.1176/appi.neuropsych.11090214. PMID 23224447</ref>
 
===Pangangaral===
Ayon sa {{bibleverse||Galacia|1:17}}, pagkatapos ng kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo, siya ay unang tumungo sa [[Arabia]] at hindi sa Herusalem at pagkatapos ay bumalik sa Damascus.<ref>Kirsopp Lake, [http://www.archive.org/stream/earlierepistleso00lakeuoft#page/320/mode/2up ''The earlier Epistles of St. Paul, their motive and origin''] (London 1911), pp. 320–323.</ref> Ang kanyang pagtungo sa Arabia ay hindi binanggit sa iba pang aklat ng Bagong Tipan. Ayon sa {{bibleverse||Galacia|1:13-24}}, pagkatapos lamang ng 3 taon mula sa kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo nang siya ay tumungo sa [[Herusalem]]. Sa Herusalem ay kanyang nakatagpo sina [[Santiago]] at nanatili kay [[Pedro]] sa loob ng 15 araw. Ayon naman sa {{bibleverse|Mga|Gawa|9:27}}, agad siyang tumungo sa Herusalem pagkatapos ng kanyang pagkaakay sa Kristiyanismo. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|7:58,8:3}}, ang hindi pa naaakay sa Kristiyanismong si Saul (Pablo) ay aktibong sumali sa pagpatay kay Esteban. Ayon as {{bibleverse2||Galacia|1:22}}, hindi pa siya kilala ng mga iglesiya sa Judea pagkatapos niyang tumungo rito. Kanyang inangkin sa {{bibleverse||Galacia|4:24-25}} na ang [[Bundok Sinai]] ay nasa [[Arabia]].
 
Inangkin niyang kanyang natanggap ang [[ebanghelyo]] hindi mula sa apostol ngunit sa direktang pahayag ni [[Hesus]] ({{Bibleverse||Galacia|1:11-12}}). Ayon sa {{bibleverse||Galacia|2:1-10}}, pagkatapos ng 14 taon ng kanyang pagkaakay ay tumungo siyang muli sa Herusalem. Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|11:25-26}}, si [[Bernabe]] ay pumunta sa Tarsus upang hanapin si Saulo at nang siya ay matagpuan niya ay dinala siya ni Bernabe sa [[Antioquia]]. Nang magkagutom sa [[Hudea]], sina Pablo at Bernabe ay naglakbay sa Herusalem upang ihatid ang suportang pang salapi mula sa pamayanang Kristiyano ng Antioquia.
 
===Unang paglalakbay ng pangangaral===
Ang may akda ng [[Mga Gawa ng mga Apostol]] ay nagsalaysay ng mga paglalakbay ni Pablo sa tatlong magkakahiwalay na mga paglalakbay. Ang {{bibleverse|Mga|Gawa|13-14}} ay simulang pinangunahan ni Bernabe at dinala si Pablo mula sa Antioquia tungo sa [[Cyprus]] at pagkatapos ay sa katimugang [[Asya menor]] (Anatolia) at pabalik sa Antioquia. Sa Cyprus ay sinuway at binulag ni Pablo si [[Elymas]] na mahikero ({{bibleverse|Mga|Gawa|13:8-12}} na tumuligsa sa kanyang mga katuturan. Mula sa puntong ito, si Pablo ay inilarawan bilang pinuno ng pangkat. Sila ay naglayag tungo sa Perga sa Pamphylia. Sila ay iniwanan ni Juan Marcos at bumalik sa Herusalem. Sina Pablo at Bernabe ay tumungo sa Pisidian Antioquia. Sa tuwing [[Sabbath]] ay pumupunta sila sa [[sinagoga]] ng mga Hudyo. Siya ay inanyayahan ng mga pinunong Hudyo upang magsalita sa kanila. Isinalaysay ni pablo ang kasaysayan ng mga [[Israelita]] mula sa Ehipto tungo kay [[David]]. Kanyang ipinakilala si [[Hesus]] bilang inapo ni David na dinala sa [[Israel]] ng [[Diyos]]. Kanyang isinaad na ang kanyang pangkat ay dumating sa bayan upang dalhin ang mensahe ng kaligtasan. Kanyang isinalaysay ang kwentokuwento ng kamatayan ni Hesus at resureksiyon. Kanyang sinipi ang saling Griyego ng Tanakh na [[Septuagint]] upang ihayag na si Hesus ang ipinangakong [[Kristo]] na nagdala sa kanila ng kapatawan ng kanilang mga kasalanan. Sina pablo ay inanyayahan ng mga Hudyo at mga ''natatakot sa diyos'' na mga [[hentil]] ay karagdagan pang magsalita sa susunod na Sabbath. Sa panahong ito, ang halos buong siyudad ay nagtipon. Ito ay sumiphayo sa mga maimpluwensiya '' (influential)'' na Hudyo na nagsalita laban sa kanila. Ginamit ni Pablo ang okasyong ito upang ihayag ang pagbabago sa kanyang pangangaral na mula nito ay tungo sa mga [[hentil]] ({{bibleverse|Mga|Gawa|13:13-48}}. Ang [[Antioquia]] ay nagsilbing isang pangunahing sentrong Kristiyano sa pangangaral ni Pablo ng ebanghelyo.
===Ikalawang paglalakbay ng pangangaral===
Si Pablo ay lumisan para sa kanyang ikalawang paglalakbay ng pangangaral mula sa Herusalem pagkatapos ng pagpupulong ng [[Konseho ng Herusalem]] kung saan pinagdebatihan ang tungkol sa kautusan ni [[Moises]]. Sa kanilang paglalakbay sa saklaw ng dagat [[Mediteraneo]], sina Pablo ay huminto sa Antioquia kung saan ay nagkaroon ng isang alitan tungkol sa pagkuha kay Juan Marcos sa kanilang mga paglalakbay. Ayon sa Mga Gawa, iniliwan sila ni Juan Marcos sa nakaraang paglalakbay at umuwi sa Herusalem. Sa hindi pagkalutas ng alitan sa pagitan ni Pablo at Bernabe, nagpasya silang maghiwalay. Kinuha ni Bernabe si Juan Marcos bilang kasama samantalang si [[Silas]] ay sumama kay Pablo. Sa simula ay dinalaw nina Pablo at Silas ang Tarsus, Derbe at Lystra. Sa Lystra, kanilang nakatagpo si [[Timoteo]] at nagpasyang kunin siya kasama nila. Ang Simbahang Kristiyano ay patuloy na lumago. Sa Philippi, ang ilang mga tao ay hindi naging masaya sa ginawang pagpapalaya ni Pablo ng espirito sa dalagitang may espirito ng [[hula|panghuhula]] na nagsasabing ang pangkat ni Pablo ay mga alipin ng diyos. {{bibleverse|Mga|Gawa|16:16-24}}. Nang makita ng mga panginon na wala na silang mapagkakikitaan dahil sa ginawa ni pablo, hinuli nila sina Pablo at ipinakulong sila sa bilangguan. Pagkatapos ng isang [[milagro]]song [[lindol]], ''nauga ang mga patibayan ng bilangguan at kaagad ay nabuksan ang lahat ng mga pinto at nakalas ang mga gapos ng bawat isa''. Ang salaysay ng milagrosong pagtakas mula sa bilangguan ay matatagpuan rin sa maraming sinaunang panitikang Griyego na mas naunang isinulat sa [[Mga Gawa ng mga Apostol|Mga Gawa]] kabilang [[Ang Bacchae]].<ref>The Acts of the Apostles, Luke Timothy Johnson, Daniel J. Harrington, p. 217</ref> Ayon sa Bacchae, natagpuan ng mga inusig na tagasunod ng Diyos na si [[Dionysus]] na "''ang gapos ng kanilang mga hita ay nakalas...na hindi nahipo ng kamay ng tao, ang mga pinto ay umuga ng maluwang na nagbukas sa kanilang sarili''". Sina Pablo at Silas ay patuloy na naglakbay na tumungo sa Berea at pagkatapos ay sa [[Athens]] kung saan ay nangaral siya sa mga Hudyo at sa mga may takot sa diyos na mga Griyego sa sinagoga at sa mga intelektuwal sa Areopagus. Sa Corinto, kanyang nakatagpo sina Aquila at Priscilla na naging mga mananamapalatay at tumulong kay Pablo sa kanyang mga pangangaral. Ang mag-asawang ito ay sumunod kay Pablo at kanyang mga kasama sa [[Efeso]] at nanatili roon upang magpasimula ng mga simbahang Kristiyano. Sila ay naglayag sa [[Caesarea]] upang batiin ang mga simbahang naroon at naglakbay pahilaga sa Antioquia kung saan sila nanatili ng isant taon bagon muling lumisan para sa kanilang ikatlong paglalakbay ng pangangaral.
Sinimulan ni Pablo ang kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral sa pamamagitan ng paglalakabay sa buong rehiyon ng Galacia at Phrygia upang palaksin, turuan at sawayin ang mga mananamplataya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Efeso at nanatili roon sa halos tatlong taon. Siya ay isinalaysay na nagsagawa ng mga [[milagro]], [[faith healing|nagpagaling ng mga tao]] at [[eksorsismo|nagpalayas ng mga demonyo]].<ref>"Paul, St." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005</ref> Nilisan niya ang Efeso pagkatapos ng isang pag-atake mula sa isang platero na humantong sa isang kaguluhang pabor kay [[Artemis]] na kinasasangkutan ng buong siyudad.<ref name="ODCC self">"Paul, St" Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005</ref> Sa kanyang pananatili sa Efeso, siya ay sumulat ng apat na mga liham sa Corinto<ref name="McRay 2007 54">{{cite book|last=McRay|first=John|title=Paul His Life and Teaching|year=2007|publisher=Baker Academic|location=Grand Rapids, MI|isbn=10: 0-8010-3239-3 (pbk.)|pages=54}}</ref> na ang dalawa ay nawawala. Ang mga ito 1) isang liham na tinukoy sa {{bibleverse|1|Corinto|5:9}}, 2) [[1 Corinto]], 3) liham na tinukoy sa {{bibleverse|2|Corinto|2:3-4}} at 4) [[2 Corinto]].
 
Si Pablo ay dumaan sa Macedonia tungo sa Achaea at nagpatuloy sa Syria ngunit binago ang kanyang mga plano at naglakbay pabalik sa Macedonia dahil ang mga Hudyo ay nagbalak ng masama sa kanya. Sa panahong ito, pinagpapalagay na malamang dumalaw si Pablo sa Corinto sa loob ng tatlong buwan.<ref name="ODCC self"/> Kanya ring dinalaw ang [[Illyricum (Roman province)|Illyricum]]. Dinalaw ni Pablo at kanyang mga kasama ang ibang mga siyudad sa kanilang paglalakbay pabalik sa Herusalem gaya ng Philippi, Troas, Miletus, [[Rhodes]], at [[Tyre, Lebanon|Tyre]]. Tinapos ni Pablo ang kanyang paglalakbay sa iasng paghinto sa [[Caesarea]] kung saan siya at kanyang mga kasama ay nanatili kay Felipe ang Ebanghelista bago dumating sa Herusalem.<ref>[http://www.biblestudy.org/maps/pauls-third-journey-map.html Biblestudy.org]</ref> Pagkatapos niyang dumating sa Herusalem sa wakas ng kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral, siya ay nasangkot sa isang malalang pakikipag-alitan sa ilang mga Hudyong Asyano (malamang na [[Romanong Asya]]). Ang alitang ito ay kalaunang humantong sa kanyang pagkadakip at pagkabilanggo sa Caesarea sa loob ng tinatayang isang taon at kalahati. Sa huli, sina Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag sa Roma kung saan si Pablo ay nilitis para sa kanyang inaakusang mga krimen. Ayon sa ''[[Mga Gawa]]'', si Pablo ay nangaral sa Roma sa loob ng dalawang taon mula sa kanyang inuupahang tahanan habang hinihintay ang kanyang paglilitis. Hindi isinaad sa Bagong Tipan kung anong nangyari pagkatapos ng panahong ito ngunit ang ilang mga kalaunang sanggunian ay nag-aangkin na si Pablo ay pinalaya ni Emperador [[Nero]] at nagpatuloy na mangaral sa Roma. Posible ring naglakbay si Pablo sa ibang mga bansa gaya ng [[Espanya]] (batay sa {{bibleverse||Roma|15:23-28}}) at Britanya. Ayon kina [[Crisostomo]],<ref>[[s:Nicene and Post-Nicene Fathers: Series I/Volume XIII/On Timothy, Titus, and Philemon/On 2 Timothy/2 Timothy 4:9-13|Chrysostom on 2 Tim.4:20]] (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series I Volume XIII)</ref> [[Cirilo]]<ref>[[s:Nicene and Post-Nicene Fathers: Series II/Volume VII/S. Cyril/Lecture 17|Cyril on Paul and gifts of the Holy Ghost]] (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series II Volume VII, Lecture 17, para.26)</ref> at [[Pragmentong Muratorian]], si Pablo ay naglakbay sa Espanya. Ang kapitulo 29&nbsp;ng Mga Gawa ng Sonnini Manuscript ngunit hindi kasama sa kanon ng Bagong Tipan ay nagdedetalye ng paglalakbay ni Pablo sa Britanya kung saan ay nangaral siya sa isang lipi ng mga Israelita sa Bundok Ludgate sa lugar ngayon ng [[Katedral ni San Pablo]].
 
===Konseho ng Herusalem===
{{main|Konseho ng Herusalem}}
Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|15:1-2}}, nagkaroon ng mahalagang pagpupulong sa pagitan ni Pablo at ng mga Pinuno ng [[Simbahan ng Herusalem]]. Ang pagpupulong na ito ay pinaniniwalaan ng mga skolar na ang parehong pangyayaring binanggit sa {{bibleverse||Galacia|2:1}}.<ref name="ODCC self"/> Ang mahalagang tanong na tinalakay sa pagpupulong na ito ay kung ang mga akay na [[hentil]] ay kailangang magpatuli. Ayon sa mga skolar, ang salaysay ng pagpupulong sa [[Sulat sa mga taga-Galacia]] ay sumasalungat sa salaysay ng [[Mga Gawa]]. Ayon sa {{bibleverse2||Galacia|2:2}}, si Pablo ay tumungong muli sa Herusalem pagkatapos ng 14 taon dahil sa isang pahayag na kanyang natanggap samantalang ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|15:2}}, sina Pablo at kanyang mga kasama ay isinugo sa Herusalem ng mga kalalakihan. Ayon sa {{bibleverse2||Galacia|2:2}}, itinanghal ni Pablo ang ebanghelyo na kanyang ipinangaral sa mga hentil sa isang pribadong pakikipagpulong sa mga pinuno ng Simbahan ng Herusalem samantalang ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|15:4}} ay kanyang iniulat ang lahat sa mga Simbahan, sa mga apostol at mga nakakatanda. Ayon sa {{bibleverse||Galacia|2:3-5}}, sa Herusalem, si Tito na kasama ni Pablo ay hindi napilit ng mga Hudyong-Kristiyano ({{bibleverse|Mga|Gawa|15:5}}) sa Simbahan ng Herusalem na magpatuli nang malaman ng mga ito na si Tito ay hindi tuli. Inakusahan ni Pablo ang mga nasa Simbahan ng Herusalem na mga espiya na "hindi tunay" na kapatid na pumasok ng palihim at inangking siya ay hindi nagpailalim sa kanilang kagustuhan na magpatuli si Tito kahit sa isang sandali. Salungat dito, ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|15:6}}, si [[Santiago ang Makatarungan]] na pinuno ng Simbahan ng Herusalem at hindi si Pablo ang nagpasya na huwag magpatuli ang mga hentil. Gayunpaman, pinagpasyahan ni Santiago na ang mga hentil ay kailangan pa ring sumunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pag-iwas sa idolatriya (diyos-diyosan), pangangalunya, dugo at mga binigting hayop ({{bibleverse|Mga|Gawa|15:19-25}}). Ang pagsunod sa mga kautusang ito ni Moises ay hindi binanggit sa Galacia at sa halip ay isinaad na ang tanging hiniling ng Simbahan ng Herusalem kay Pablo ay alalahanin ang mga mahihirap. Inangkin ni Pablo sa Galacia 2:7 na nakilala ng mga Pinuno ng Simbahan ng Herusalem na ang pangangaral sa mga hentil ay ipinagkaloob sa kanya at ang pangangaral sa mga Hudyo ay sa mga pinuno ng Herusalem. Walang binanggit sa Mga Gawa ng pagkilala ng pangangaral ni Pablo sa mga hentil ngunit sa halip ay inangkin sa {{bibleverse|Mga|Gawa|15:7}} na si Pedro ang pinili ng diyos upang mangaral sa mga hentil. Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|16:3-5}}, tinuli ni Pablo ang kanyang kasamang si Timoteo alang-alang sa mga Hudyo sapagkat nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama ay isang Griyego. Sa pagtahak nina Pablo at Timoteo sa mga lungsod, kanilang ibinigay sa mga ito ang mga batas na pinagpasiyahan ng mga apostol at ng mga matanda sa Herusalem na kanilang dapat sundin. Gayunpaman, ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|21:20-21}}, tinuturuan ni Pablo ang lahat ng mga Hudyo, na nasa mga hentil ng pagtalikod kay Moises na sinabi ni Pablo na huwag tuliin ang kanilang mga anak, ni mamuhay ng ayon sa mga kaugalian ng mga Hudyo. Ang pasya ni Santiago ng pagbabawal sa mga hentil ng dugo, binigting hayop at sa diyos-diyosan ay sinalungat ni Pablo sa {{bibleverse|1|Corinto|10:25}} at {{bibleverse|1|Corinto|8:4-8}}.
 
===Insidente sa Antioquia===
==Mga katuruan==
===Hinggil sa batas na Hudyo===
Maraming beses na binanggit na pinagtibay at sinunod ni [[Apostol Pablo]] ang "kautusan" ni Moises gaya ng {{bibleverse||Roma|2:12–16}}, {{bibleverse||Roma|3:31}}, {{bibleverse||Roma|7:12}}, {{bibleverse||Roma|8:7–8}},{{bibleverse||Galacia|5:3}}. Isinaad sa {{bibleverse|Mga|Gawa|24:14}}, {{bibleverse|Mga|Gawa|25:8}} na si Pablo ay sumasampalataya at sumusunod sa batas ng Hudyo. Gayunpaman, ilang beses ring binanggit sa mga [[sulat ni Pablo]] ang kanyang pagpapawalang bisa sa kautusan ni Moises ({{bibleverse||Roma|10:4}}, {{bibleverse||Roma|6:14,7:1-7}}, {{bibleverse||Galacia|3:1-5,23-25,4:21-25}}, {{bibleverse|2|Corinto|3:6-17}} at iba pa) at pagkokondena sa mga nagmamasid at nagtuturo ng pagmamasid ng kautusan ni Moises (hal. {{bibleverse||Galacia|2:1-4,11-14}}). Ang isyu ng tunay na pananaw ni Pablo hinggil sa batas ng Hudyo ay patuloy na pinagdedebatihan pa rin ng mga skolar hanggang sa kasalukuyan.
 
===Pang-aalipin===
Sa Bagong Tipan, pinahintulan ni Pablo ang pagsasanay ng [[pang-aalipin]]. Inutos ni Pablo sa mga Kristiyanong alipin na maging matapat sa kanilang mga panginoon na Kristiyano. (Efeso 6:5-9, I Timoteo 6:1-3). Sa halip na kondenahin ang pang-aalipin kay Onesimus na nakilala ni Apostol Pablo ay ibinalik ito ni Pablo sa panginoon nitong isa ring Kristiyano na si Filemon.
===Kababaihan===
Inutos ni Pablo na dapat manahimik ang mga babae sa loob ng Iglesia at hindi dapat magturo sa mga lalake (I Cor 14:34-45, 1 Tim 2:11-12). Sa kabilang dako, pinuri ni Pablo ang mga babaeng manggagawa sa iglesia (Fil. 4:3, Rom 16:1-3). Inutos ni Pablo na ang mga asawang babae ay dapat buong magpapasakop sa kanilang mga asawa (Efeso 5:22-24, Col 3:18-19). Inutos rin ni Pablo sa mga babae na huwag magsuot ng mga alahas na ginto o perlas, huwag magtrintas ng buhok o huwag magsuot ng mamahaling damit (1 Tim 2:9).
 
==Pagka-apostol==