Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

m
orthography, replaced: bersyon → bersiyon (2), kwento → kuwento (11) using AWB
m (orthography: -psyo- > -psiyo-, replaced: {usbong → {stub, removed stub tag using AWB)
m (orthography, replaced: bersyon → bersiyon (2), kwento → kuwento (11) using AWB)
Sa [[mitolohiyang Ehipsiyo]], si '''Osiris''' ([[wikang Griyego]]: '''Usiris'''; binabaybay din sa transliterasyon ng [[wikang Ehipsiyo]] bilang '''Asar''', '''Aser''', '''Ausar''', '''Ausir''', '''Wesir''', '''Usir''', '''Usire''', o '''Ausare''') ay isang diyos ng mga sinaunang Ehipsiyo, na kalimitang tinatawag na diyos ng Kabilang Buhay. Siya ang diyos na nagdadala ng [[buhay]], ang hari at hukom ng mga namatay na mga tao <ref name=NBK>{{cite-NBK|Osiris}}, ''Dictionary Index'' para sa titik na ''O'', pahina 288.</ref>, at ng pagbaha ng [[Ilog ng Nilo]]. Si Osiris ang diyos na naghuhukom at tagasakdal ng kaukulang hatol sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao na naghahanap ng daan sa paraiso sa kabilang buhay.
 
Ayon sa mga kasulatang natagpuan ng mga arkeyolohiko, si Osiris ay isa sa pinakamatandang diyos na sinamba ng mga sinaunang Ehipto. Ang pangalan niya na nakaukit sa [[Bato ng Palermo]], tinatayang naisulat noong c. 2500 BK, ang pinakamatandang kasulatang nagsasaad ng mga bagay-bagay tukong kay Osiris. Naisulat sa maraming iskriptura ang mga kwentokuwento tungkol kay Osiris; kabilang dito ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text), ang [[Aklat ng mga Yumao]] (Book of the Dead), at sa pagsisimula bagong yugto ng Ehipto, ang [[Bato ni Shabaka]]—na naglalaman ng tanyag na kwentokuwento ng ''Tunggalian nila Horus at Set''. Nang sakupin ng mga Griyego ang kaharian ng Ehipto, binigyan ng historyador na si [[Plutarch]] ng Makabagong interpretasyon ang mga mitolohiya ng Ehipto. Bagamat si Osiris ay isang diyos na sinasabing nagbibigay ng kaligtasan para sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao, siya ay isa sa mga naging pinakatanyag na diyos sa buong daigdig. Dahil ito sa kanyang kwentokuwento na nagbibigay pagasa na ang mga tao ay mabubuhay muli ng maligaya sa kabilang buhay. Ang pagsamba kay Osiris ay kumalat sa halos lahat ng dako ng daigdig at ito ay nagpatuloy ng anim na daang-taon matapos isilang si [[Hesus|Kristo]]. Tuluyang nawala ang mga kultong sumasamba kay Osiris matapos ipagbawal na ito ng mga namumunong mga [[Kristyanismo|Kristyano]] at [[Muslim]].
 
Bilang diyos na nangangalaga ng mga yumao, si Osiris ay sadyang binigyan ng pagpapahalaga ng mga tagasunod niya. Tinuturing ng mga [[Paraon]] ng Ehipto ang sarili nila bilang mga tagapagmana ng kabilang buhay mula kay Osiris sa kanilang pagyao sa daigdig. Subalit sa paglipas ng panahon, lahat ng mga tagasunod ni Osiris, maging karaniwang tao lamang o may kapangyarihan, ay itinuring na ring mga tagapagmana ng kanyang kaharian sa kabilang buhay. Sari-sari mga ritual at misteryo ang inaalay kay Osiris para masigurado na sila ay tatanggapin niya sa paraiso ng kabilang buhay.
 
Ayon sa mitolohiya, bago siya mamatay at mabuhay muli bilang isang hari ng kabilang buhay, si Osiris ay itinuturing na tagapagdala ng [[sibilisasyon]] at [[agrikultura]] sa Ehipto. Bilang diyos ng agrikultura, tinuturing rin si Osiris na isang diyos na nagbibigay ng buhay sa mga pananim at mga tao; na matapos ang kamatayan ng isang halaman o tao, si Osiris din ang nagbibigay ng panibangong buhay sa mga ito. Ang kwentongkuwentong ito ng muling pagkabuhay ay ginagamit na paliwanag ng ilang mga sinaunang Ehipsiyo kung bakit nagkakaroon ng mga sikulo ng pagkabuhay at pagkamatay, tulad ng sikulo ng kapanganakan at kamatayan, pagtubo at pagkalanta, paglaki at pagliit ng buwan atbp.
 
Si Osiris and panganay na lalaking anak nina [[Geb]], ang diyos ng kalupaan, at [[Nut (diyosa)|Nut]], ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak siya sa ikaunang araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 na bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa siya ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si [[Horus]] matapos na mapaslangin si Osiris ng kanyang kapatid. Nang siya ay binuhay muli ni Isis, si Osiris ang naging hari ng mga yumao bagamat pinili niya na maghari na lamang sa lugar ng mga yumao. Bilang diyos ng mga yumao, tuluyang napaglito at napagisa ang katauhan ni Osiris sa isa pang diyos ng mga yumao na si [[Khenti-Amenti]]. Ang Khenti-Amenti ay naging bansag na lamang kay Osiris na nangangahulugang ''Pinuno ng mga Taga-kanluranin'' bagamat ang kanluran ang pinaniniwalang lugar ng mga yumao dahil dito lumulubog ang araw. Pinatay si Osiris ng kanyang lalaking kapatid na si [[Seth|Set]] dahil isang [[paraon]] si Osiris, isang gampaning ibig angkinin ni Set dahil sa pagseselos.<ref name=NBK/>
Si Osiris ay kadalasang inilarawan bilang isang tao na nakadamit ng kasuota ng isang hari. Suot-suot niya sa kanyang ulo ang Koranang [[Atef]] na sadyang kahawig ng [[Hedjet|Koronang Puti]] na isinusuot ng mga paraong namumuno sa Mataas na Ehipto (Upper Egypt). Subalit ang Atef ay mayroong mga balahibo ng ostrits sa magkabilang tabi ng katawan nito na sumisimbolo sa [[Katotohan]]. Si Osiris ay mayroong hawak-hawak na isang [[pangkayod]] (shepherd's crook) at isang [[pantabas]] (flail) na ipinapatong niya sa kayang dibdid bilang simbolismo ng kanyang paghahari at pangangalaga sa kalupaan at kabilang-buhay. Ang balat niya ay kadalasang inilalarawan na kulay berde; bagamat siya ang diyos ng agrikultura at muling pagkabuhay—berbe ang kulay na mga halaman na sumisimbolo sa nagsibol. Kung susuriin, makikita na ang katawan ni Osiris mula sa kanyang leeg hanggang paa ay nakabalot ng maige sa gasa/pambalot na ginagamit na pambalot ng mga 'mummy'. Ang pagkakabalot sa kanya any simbolo ng nangyaring mumipikasyon sa kanya upang siya ay mabuhay muli.
 
== Mitolohiya at KwentoKuwento ==
 
Hindi kailan mang naging malinaw sa atin ang pagkaka-salaysay ng kwentokuwento ni Osiris. Kadalasang nagkakaroon sa sari-sariling bersyonbersiyon o interpretasyon ang mga iba-ibang mga [[lungsod estado]] sa Ehipto ukol sa kanilang mitolohiya. Dahil dito, nagkaroon ng iba-ibang nilalaman ang kwentokuwento ni Osiris, kadalasang nagkakakontrahan sa isa't-isa.
 
Matagal nang naniniwala ang mga sinaunang Ehipsiyo sa kabilang-buhay. Maraming mga iba't ibang uri ng mga dasal at hymno para sa mga yumao ang ating natagpuang nakaukit sa mga dingding nga mga libingang ''mastabas'' o di kaya'y nakasulat sa mga lumang papeles at mga aklat na kasamang inililibing sa namatay. Kabilang sa mga dasal na ito ay ang pagbibigay ng mga alay at dasal kay Osiris na matatagpuan sa mga Teksto ng mga Piramides at sa Aklat ng mga Yumao. Noong nagumpisa ang Ikalimang Dinastiya ng Ehipto, agarang dumami ang mga naitatalang mga deboto ni Osiris at mga dasal na inaalay sa kanya; at ang dasal ng mga paraon ay mababasa na ''Nagaalay ako (ang hari) kay Osiris''. Sa ganitong paraan, dito makikita na si Osiris ay sadyang naging napakahalaga sa relihyon ng mga sinaunang Ehipsiyo.
 
Mayroong nilalaman na dasal para kay Osiris ang Unang Kabanata ng Aklat ng mga Yumao na pinamagatang '''Himno kay Osiris''', na isinalin sa wikang Ingles ng Ehipolohistang si ''E.A. Wallis Budge'':
 
== Mitikong Heniyalohiya ==
Ayon sa mga iba pang nasabing mga iskripto, na siyang mga pinaka-matatang mga kasulatang pang-relihyon ng mga sinaunang Ehipsiyo, si Osiris ay bahagi ng isang magkakapamilyang grupo ng mga diyos at diyosa na tinatawag na '''Pesedjet''' o [[Ennead]], na isang Griyegong salitang nangangahulugang ''ang siyam'' (the ''nine''). Katulad ng kahulugan ng salita, ang grupong ito ay binubuo ng siyam na mga diyos at diyosa na pawang magkakapamilya sa dugo. Ayon sa Ennead, ang kauna-unahang diyos ng daigdig ay si [[Atum]]; si Atum ay nagkaroon ng kambal na anak, ang diyos na si [[Shu]] at ang diyosang si [[Tefnut]], sa pamamagitan ng pag-sasalsal. Si Shu at Tefnut ay naging mag-asawa at sila rin ay nagkaroon ng kambal na anak na sila diyos [[Geb]] at diyosa [[Nut (diyosa)|Nut]]. Matapos ay naging magasawa naman sila Geb at Nut at sila naman ay nagkaroon ng apat (lima ayon sa ibang bersyonbersiyon) na supling na sila Osiris at [[Seth|Set]] na mga lalake, at [[Isis (diyosa)|Isis]] at [[Nephthys]] na mga babae. Nang isinilang ang huling apat, dito nagumpisa ang buhay sa daigdig. Ang Ennead ay unang umusbong sa lungsod ng [[Heliopolis]], ngayong isa nang lugar para sa mga turista na matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang kabisera ng Ehipto na [[Cairo, Ehipto|Cairo]].
 
== Ang Alamat ni Osiris ==
Noong sumapit na ang ika labing-anim na dinastiya sa Ehipto, nag-halo na rin ang dalawa sa pinakamalaki at makapangyarihang grupo ng mga diyos sa Ehipto, ang Ennead at ang [[Ogdoad]], napalitanang ang gampanin ng pinunong diyos ng Ennead na si Atum ni Ra (si Ra ang diyos ng araw na naging mas tanyag kay Atum) habang si Osiris naman ang naging ama ni Horus.
 
Nang umusbong ang 'dakilang' alamat ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Osiris sa buong Ehipto, pinalitan ni Osiris ang diyos na si [[Anubis]], ang orihinal na diyos ng mga yumao ayon sa Ogdoad. Sinabi ng mga tagasunod ni Osiris na si Anubis ay boluntaryong inilapat ang kanyang kapangyarihan kay Osiris sa pagdating nito sa lupain ng mga yumao. Ngunit para gumanda ang kwentokuwento, inilathala na si Anubis ay sa katunayan isa sa pinakamamahal na anak ni Osiris. Ayon sa kwentokuwento na ito, sinasabi na si [[Nephthys]], ang mas-nakabantang kapatid na babae nila Osiris, ay ayaw bigyan ng supling ng kanyang asawang si [[Seth|Set]]. Para magka-anak, ginamit ni Nephthys ang kanyang kapangyarihan upang maging kamukha niya ang kakambal niyang si [[Isis (diyosa)|Isis]]. Inakala ni Osiris na si Nephthys ay ang kanyang asawa at matapos silang dalawa ay magtalik, ipinanganak ang sanggol na si Anubis.
 
Ang Griyegong historyador na si Plutarch ang nagkwentonagkuwento ng karamihan sa mga nilalaman ng mitolohiya. Ayon sa kanya, noong si Osiris ay nabubuhay pa at namumuno bilang isang paraon ng Ehipto, si Osiris ang sinasabing nagdala ng sibilisasyon sa Lambak ng [[Nile, Ehipto|Ilog Nile]]. Nakita ni Osiris na pawang naging mga barbaryo ang mga Ehipsiyo kung kaya't sa ilalim ng kanya [[autoritaryanismo|diktatura]], ipinakilala niya sa mga Ehipsiyo ang mga [[batas]] pantao at ang [[relihyon|pagsamba]] sa mga diyos. Tinuruan niya ang mga Ehipsiyo kung papaano [[pagsasaka|magsaka]], gumawa ng mga [[serbesa]] at tumugtog ng mga instrumentong pang-musika. Naisipan din ni Osiris na magtungo sa ibang bahagi ng mundo para maghatid ng sibilisasyon sa ibang mga bansa. Dahil dito, itinuturing na isa sa pinakaminamahal na nilalang si Osiris ng mga diyos at ng kanyang mga tao kung kaya't nagselos ang naka-babatang kapatid niya na si [[Seth|Set]].
 
Napasalang ni Set si Osiris nang nilinlang niya ang kanyang kapatid na pumasok sa loob ng isang napaka-gandang kahong gawa sa [[ginto]], [[marpil]], mga makukulay na mga [[diyamante]] at kahoy mula sa punong [[cedar]]. Nangako si Set na kung sino mang tao na sakto ang sukat ng kanyang katawan sa kahon ay mapapasakanya ang napakagandang 'regalo'. Noong nakaraang gabi, palihim na kinuha ni Set ang sukat ng katawan ni Osiris upang masiguradong ang biktima niya lamang ang kakasya sa loob ng kahon. Sinubukang pumasok ng mga kasabwat ni Set sa kahon ngunit wala sa kanila ang kumasya dito, maliban kay Osiris. Nang pumasok si Osiris sa kahon, isinara ni Set si Osiris sa loob ng kahon at binuhusan ito ng tunaw na [[tingga]] (lead) at ihinagis niya ito sa ilog. Inanod ng ilog ang kahon papunta sa kabilang dako ng [[Dagat Mediterano]] at ito ay umahon sa kalampasigan ng [[Byblos (lungsod)|Byblos]], isang lumang lungsod sa [[Lebanon]].
Sa kagustuhang maipaliwanag kung papaano naging posible ang pagkakabuntis ni Isis at panganganak niya kay Horus sa pamamagitan ni Osiris na isa nang namatay na diyos ay sinubukang baguhin ng mga tagasunod ni Osiris ang mga nilalaman ng mga naunang mga kasulatan ng kanilang relihyon para mabigyan ng pagpapaliwanag ang bagong pananampalataya. Ang ginawang pagbubuntis ni Osiris kay Isis kahit na patay si Osiris ay naging isang napaka-halagang simbolismo na nagpapatunay na sadyang napakama-kapangyarihan talaga ang salamangka ni Isis at si Osiris ay isang diyos ng pagkalalake. Sa ganitong paliwanag, ipinapakita na si Osiris ang diyos ng kabutihan bagamat siya rin ay puspusang pinagpala na mabuhay muli, magkaron ng isang dakila anak at maging karapat-dapat na punong-hukom sa mga yumao. Ang 'ama, ina at anak' na relasyon nila Osiris, Isis at Horus ay agad na kinilala ng mga Ehipsiyo hanggang sa pagdating ng mga mananakop na Griyego kung saan nakilala ng mundo ang mitolohiyang Ehipto.
 
Ayon sa kwentokuwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng iisang anak na si Horus na isinilang matapos mapaslang si Osiris ng kanyang selosong kapatid na si [[Seth|Set]]. Napilitang manirahan at lumaki si Horus sa mga 'swamp' sa Hilagang Nile (ang Delta ng Ilog Nile) upang hindi siya matuklasan at patayin ng kanyang mapag-higanting [[tiyo]]. Nang umabot na si Horus sa kayang wastong [[eded]] na labing-walong tao, nagatubili siya na ipaghigante ang pagkakapaslang ng kanyang ama. Matapos ang mga mahahabang tunggalian sa pagitan ng mag-tiyo, kung saan hinugot ni Set ang kaliwang mata ni Horus, nagtagumpay ang anak ni Osiris sa labanan at si Horus ang naging panibagong [[paraon]] ng Ehipto. Ibinigay na lamang Horus ang kanyang nawalang mata, ang [[Wedjat]] kung tawagin, kay Osiris bilang regalo ng pagmamalasakin sa kanyang ama. Ang matang ito ay naging simbolo ng kakayahang makita ang lahat ng mga bagay-bagay sa daigdig (all-seeing) ni Osiris.
 
Bilang patunay ng pagkakaluklok ni Horus sa trono ng Ehipto, ang ama ni Osiris na si [[Geb]] ay nagsalaysay ng isang testimonya, na mababasa sa Unang Bahagi ng [[Bato ni Shabaka]], na ngayon ay matatagpuan sa Museo ng Britanya:
 
== Relihyon at Ritual ==
Ang mga sinaunang Ehipsiyo ay may malakas na pananalig na mayroon silang makakamit na imortalidad sa kabilang-buhay. Sumikat ng histo ang relihyon ni Osiris dahil naniniwala ang kanyang mga tagasunod na ang buhay na walang hanggan ay para sa lahat ng nabubuhay na tao at hindi lamang para sa mga taong may kapangyarihan sa lipunan. Sa pagtatapos ng panahon ng pagtatayo ng mga piramides noong Ikaapat Dinastiya ng Ehipto (c. 2575 BK - 2467 BK) at pagbubukas ng Ikalimang Dinastiya ng Ehipto, nawalan ng katanyagan ang paniniwala na ang mga paraon at mga opisyales lamang ang maaaring makapunta sa langit (i.e. kabilang buhay) sa pamamagitan ng pagtatayo kani-kanilang mga naglalakihang piramides. Ang kulto ni Osiris, na nagsimulang lumakas ang makapangyarihan sa lungsod ng [[Abydos]], ang naging isa sa pinakatinangkilik na paniniwala ng maraming Ehipsiyo.
 
Sinakop ng pananampalataya ni Osiris ang maraming lungsod at estado at agarang pinalitan o hindi kaya'y inasimila ni Osiris ang pagkakakilanlan ng mga lokal na mga diyos roon.==Mga sanggunian==