Guillermo Tolentino: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.145.131.190 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Linya 25:
}}
Si '''Guillermo Tolentino''' ay isang batikang iskultor ng [[Pilipinas]] at guro. Kaibigan siya ng pintor na si [[Fernando Amorsolo]].<ref name=Ocampopage3>[http://www.lopezmuseum.org.ph/artscene_zeroin_amorsolo_03.html Ocampo, Ambeth. ''Amorsolo's Brush with History'', Lopez Memorial Museum, Eugenio Lopez Memorial Foundation, LopezMuseum.org.ph, 2003, pahina 3], kinuha noong: Agosto 1, 2007</ref>
 
==Talambuhay==
Ipinanganak si Tolentino noong [[Hulyo 24]], [[1890]] sa [[Malolos]], [[Bulacan|Bulakan]] kay Isidro Tolentino at Balbina Estrella. Siya ay mag-aaral ni Gng. H. A. Bordner na siyang unang nagturo sa kanya ng pagguguhit sa Paaralang Intermedyaryo ng Malolos. Nagtapos siya ng [[mataas na paraalan]] sa [[Mataas na Paaralan ng Maynila]]. Dahil sa kanyang sariling pagsisikap, nakapagtapos siya ng kurso ng [[pinong sining]] sa [[Unibersidad ng Pilipinas|Pamantasan ng Pilipinas]] noong 1915. Lumakbay papuntang [[Estados Unidos|Mga Nagkakaisang Estado]] noong 1919 at pinagkalooban siya ng iskolarsyip ni [[Bernard Baruch]], isang [[Amerikano]]ng milyonaryo sa [[Paaralan ng Sining Beaux]], [[Lungsod ng New York|Lungsod ng Bagong York]] at tinapos niya na may mga gawad noong 1921. Sa taong din iyon, lumakbay siya sa [[Europa]], pumupunta sa mga tanyag na [[museo]] at [[galerya]] sa [[Londres]] at Paris. Noong 1922, siya ay pumasok sa Regge Istituto di Belle Arti, nakapagtapos ng pag-aaral nang bahagya sa pamamagitan ng lingap ng kolonyang Italyanong sa Maynila. Sa [[Roma]], gumanap ang kanyang unang pang-isahang eksibisyon kung saan kabilang ang ''Saluto Romano (Saludong Romano)''. Sa paligsahang pang-iskultura na ginanap sa Lungsod ng Walang Hanggan, ang kanyang ''Apat na Mangangabayong Apokalipsis'' na napanalunan niya ng ikalawang gantimpala. Umuwi sa Pilipinas noong 1924 at nagsarili sa loob ng isang taon. Noong 1926, siya ay inatasan bilang guro sa Paaralan ng Pinong Sining ng [[Unibersidad ng Pilipinas|Pamantasan ng Pilipinas]] at kinalaunang naging propesor, kalihim, at sa huli tagapamahala. Namuno siya ang Paaralan mula sa 1953 hanggang sa kanyang pagreretiro bilang Emeritong Propesor noong 1955. Noong 1932, siya'y lumagay sa tahimik kay Paz Raymundo at nagkaroon ng pitong anak.
 
==Mga likha==