Sergio Osmeña: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Stryn (usapan | ambag)
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 124.6.181.88 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Linya 44:
===Maagang buhay===
Si Sergio Osmeña ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay isang mayamang negosyante na si Don Pedro Lee Gotiaoco at ang kanyang ina ay si Juana Osmeña y Suico na iniulat na 14 taong gulang lamang ng ipanganak si Sergio Osmeña. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Colegio de San Carlos noong 1892. Siya ay nag-aral sa Maynila sa San Juan de Letran College kung saan niya unang nakilala sina [[Manuel L. Quezon]] na kanyang kaklase at sina [[Juan Sumulong]] at [[Emilio Jacinto]]. Kumuha siya ng kursong batasa sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging ikalawa sa eksaminasyon ng batas noong 1903. Siya ay naglingkod na katulong sa digmaan ni Heneral [[Emilio Aguinaldo]] bilang courier at mamamahayag. Noong 1900 ay itinatag niya ang pahayaganh El Nuevo Día sa Cebu na tumagal ng 3 taon. Noong 1904, ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos ay humirang sa kanya bilang gobernador ng Cebu. Pinakasalan niya si Estefania Chiong Veloso noong 10 Abril 1901 at nagkaroon sila ng 10 anak.
===Kongreso===
"chloe i love crystal
====Kinatawan====
 
Habang nagsisilbing gobernador, tumakbo siya sa halalan ng unang Asembleang Pilipino noong 1907 at nahalal na speaker nito. Siya ay naglingkod sa mababang kapulungan hanggang 1922. Itinatag niya kasama ni [[Manuel L. Quezon]] ang [[Partidong Nacionalista]] upang hadlangan ang Partido Federalista ng mga politikong taga Maynila.
====Senado====
Noong 1922 ay nahalal si Osmeña sa Senado. Siya ay tumungo sa Estados Unidos bilang bahagi ng Misyong OsRox noong 1933 upang makuha ang pagpasa ng panukalang batas ng kalayaang Hare–Hawes–Cutting na pinalitan ng [[Batas Tydings-McDuffie]] noong 1934.
===Misyong OsRox===
Si Osmeña kasama ni [[Manuel Roxas]] ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na [[misyong OsRox]] (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng [[Hare–Hawes–Cutting Act]] na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni [[Manuel L. Quezon]]. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng [[Batas Tydings–McDuffie]] na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.