Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fidel V. Ramos"

Kinansela ang pagbabagong 1403744 ni 112.200.144.98 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 1403744 ni 112.200.144.98 (Usapan))
===Ekonomiya===
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.<ref>http://www1.umn.edu/humanrts/iwraw/publications/countries/philippines.htm</ref> Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng [[GDP]] ay 3.1 porsiyento.<ref>http://www.gmanetwork.com/news/story/211655/economy/ing-phl-economy-may-average-5-3-from-2010-2016</ref> Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng pamahalaan na lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa 4.2 milyong mga [[OFW]] na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa buong sektor ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang [[GNP]] rate ay 7.2 porsiyento at ang [[GDP]] at 5.2 porsiyento. Ang [[implasyon]] ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995. Ang [[Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya]] noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Ang [[deficit]] ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa [[surplus]] na P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.
kamehameha!!!
 
== Sanggunian ==
135

edit