Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Ibong Adarna"

1,136 bytes added ,  6 years ago
Kinansela ang pagbabagong 1403753 ni 112.203.173.191 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 1403753 ni 112.203.173.191 (Usapan))
Habang nasa daan, pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng Adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si Haring Fernando. Iminungkahi ng Adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay pinatigil. Pinabantayan ng hari ang Adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan at pinakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at dahil nabighani sila sa ganda ng lugar, hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. Di nagtagal, nakakita sila ng balon. Tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at sa kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay Prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya, binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay lumabas ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing, kaya nakiusap siya kay Don Juan na balikan ito, ngunit nang babalikan na ito ni Don Juan, pinatid ng kanyang panganay na kapatid ang tali. Ginawa ito ni Don Pedro dahil nagkagusto siya kay Donya Leonora. Pagkatapos, inaya na ng dalawang magkapatid sina Juana at Leonora na sumama na sila sa kaharian ng Berbanya. Nag alala si Leonora kay Don Juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang alagang lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan kaya nang dumating ang apat sa Berbanya, nalungkot siya nang di makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora, sinabi nitong siya ay may panata na hindi muna magpapakasal sa loob ng 7 taon. Sa halip, sina Don Diego't Juana ang ipinakasal.
 
Lumakas si Don Juan nang mapahiran ng tubig mula sa ilog-Herdan sa tulong ng lobo. Pauwi na siya ng Berbanya nang makita siya ng Ibong Adarna. Sinabi nito sa kanyang kalimutan na si Leonora at sa halip, siya'y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristales upang makita ang higit pang maganda at makapangyarihang si Maria Blanca. Nahirapan si Don Juan bago marating ang kaharian ng de los Cristales.may mga tumulong sa kanya na magkakapatid na ermitanyo na may mga balbas. Samantala, hinihintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng pangatlo sa tatlong ermitanyo tumulong sa kanya patungong de los Cristales. Doon, nakarating sila sa banyo ni Maria Blanca at ng kanyang mga kapatid. Di nagtagal, dumating ang mga ito at naligo sila. Sa kanyang nakita, pinakanabighani si Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Prinsesa Maria habang ito'y naliligo. Nagalit ito nang matapos siyang maligo at di matagpuan ang kanyang damit. Humingi ng patawad si Don Juan kay Princesa Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria kay Don Juan.
hi
 
Matapos mapagbilininan ni Donya Maria, hiningi ni Don Juan ang kanyang kamay kay Haring Salermo. Gaya ng kaugalian sa panliligaw, ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni Prinsesa Maria ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok. Dahil dito, nagtagumpay si Don Juan sa unang pagsubok at palihim na nagulat si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan: ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria na naman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ito. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria nang maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria.
135

edit