Unang Digmaang Pandaigdig: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Kampfgruppe (usapan | ambag)
mga pagtatama
Kampfgruppe (usapan | ambag)
mga pagtatama
Linya 141:
Ang [[Italya]] na noon pa ma'y kasapi na ng [[Tatluhang Alyansa]] ay tumangging makipaglaban nang magsimula ang digmaan subalit nang mapangakuan ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] ng ilang teritoryo sa Austriya-Unggarya, nagpahayag ito ng pakikidigma laban sa huli noong 23 Mayo at sa Imperyong Aleman nang sumunod na taon. Nagbigay-daan ito upang tuluyan ng magwakas ang Tatluhang Alyansa at magbukas ang [[Kampanyang Italyano (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Italyano]]. Nang sumunod na buwan ay naglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang sandatahang Italyano sa kahabaan ng Ilog Isonso sa kanlurang Eslobenya patungong hilagang-silangang Italya.<ref name="Calairo 2006 292"/><ref>{{cite web |url=http://net.lib.byu.edu/estu/wwi/comment/Italy/Page04.htm|title=Net.Lib.Byu.Edu: Pahina ni Tomas Nelson: Italya at ang Digmaang Pandaigdig|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
Naglunsad ng kampanya ang pinagsama-samang sandatahan ng [[Nagkakaisang Kaharian]], [[Pransiya]], [[AwstralyaAustralya]], [[Bagong Selanda]], [[Kanada]] at [[Indiya]] laban sa [[Imperyong Otomano]] noong 25 Abril sa Tangway ng Galipoli sa layuning masakop ang [[Konstantinopla]] ([[Istanbul]] ngayon) at makakuha ng daanang pandagat patungong [[Imperyong Ruso]] subalit nabigo. Sa kabilang banda, matagumpay namang naitaboy ng sandatahang Ruso sa pangunguna ni Heneral Nikolai Yudenich ang sandatahang Otomano palabas ng [[Bulubundukin ng Caucasus|timog Kawkasus]].<ref name="Hinterhoff 1984 499–503"/><ref>{{harvnb|Chisholm|1911}}</ref>
 
=== 1916: Mga pangyayari ===
Linya 175:
Bunga ng matamlay ng kampanya sa karagatan, nagpasya ang sandatahang pandagat ng [[Imperyong Aleman]] na maglunsad ng malayang pakikidigmang pangsubmarino noong 31 Enero 1917. Bunga nito'y daan-daang barko ng [[Nagkakaisang Kaharian]] at maging ng mga bansang neutral, kapwa pandigma, pangalakal at pampasahero, ang napalubog hanggang sa ipatupad ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmaang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] ang sistemang komboy pagsapit ng Mayo nang taon ding iyon na nakapagpahina sa pag-atake ng mga submarinong Aleman.<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/battle_atlantic_ww1_01.shtml|title=BBC.Co.Uk: Ang Unang Labanan ng Atlantiko|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
[[Talaksan:Australian infantry small box respirators Ypres 1917.jpg|thumb|right|200px|<center>mga sundalong AwstralyanoAustralyano, suot ang kani-kanilang maskarang pang-''gas'', sa isang bambang sa Ypres, Belhika</center>]]
 
Nagpahayag naman ng pakikidigma ang [[Estados Unidos]] (bagaman hindi kaagad nagpadala ng kaukulang sandatahan), sa panig ng Alyadong Puwersa, laban sa Imperyong Aleman noong 6 Abril matapos palubugin ng imperyong nabanggit ang may pitong barkong pangalakal ng mga Amerikano at nang maharang ng mga Briton ang Telegramang ''Zimmermann'' na nagsasaad ng paghimok ng mga Aleman sa mga Mehikano na magpahayag ng pakikidigma sa Estados Unidos upang mabawi ang [[Arisona]], [[Bagong Mehiko]] at [[Teksas]] na dating mga teritoryo ng [[Mehiko]].<ref name="Calairo 2006 292"/><ref>{{cite web |url=http://en.wikisource.org/wiki/Woodrow_Wilson_Urges_Congress_to_Declare_War_on_Germany
Linya 181:
 
Noong 3 Mayo ay nagsipag-alsa ang karamihan sa mga sundalong Pranses matapos ang bigong [[Opensibang Nivelle]]. Nang maisagawa ang mga pag-aresto at kaukulang paglilitis ay napakiusapan din ang mga sundalo na bumalik na sa kani-kanilang bambang. Pinalitan naman ni [[Felipe Petain]] si [[Roberto Nivelle]] bilang pangkalahatang komandante ng sandatahang Pranses. Sa kabilang banda, ipinagpatuloy ng [[Imperyong Briton]] ang mga opensiba sa [[Larangang Kanluran (Unang Digmaan Pandaigdig)|Larangang Kanluran]] sa mga [[Labanan ng Aras (1917)|Labanan ng Aras]], [[Labanan ng Kambray (1917)|Kambray]] at [[Labanan ng Pashendaele|Pashendaele]].<ref>{{harvnb|Lyons|1999|p=243}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.ww1westernfront.gov.au/vimy-ridge/index.html
|title=WW1WesternFront.Gov.Au: Mga AwstralyanoAustralyano sa Larangang Kanluran 1914-1918|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
[[Talaksan:19170704 Riot on Nevsky prosp Petrograd.jpg|thumb|left|<center>isang kaguluhan sa Petrograd (San Pedrosburgo ngayon) noong Himagsikang Ruso</center>]]
Linya 225:
Noong 28 Hunyo 1919 ay nilagdaan ng [[Alemanya]] at ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmaang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] na kinabibilangan ng [[Estados Unidos]], [[Hapon]], [[Italya]], [[Nagkakaisang Kaharian]] at [[Pransiya]] ang [[Tratado ng Versailles|Tratado ng Versalles]]. Itinadhana ng tratadong ito ang pagsakop ng Alyadong Puwersa sa Renanya at Saar, mga teritoryo sa kanlurang Alemanya, sa loob ng 15 taon at paglilimita sa kakanyahan ng sandatahang lakas ng Alemanya na magparami at magpalakas. Kabilang din dito ang pagkakaloob ng Alemanya ng mga teritoryo’t kolonya nito sa Alyadong Puwersa, sapilitang bayad-pinsala at pagtatatag ng [[Liga ng mga Nasyon]].<ref name="Calairo 2006 293"/><ref name="Guillermo 2004 305-306">{{harvnb|Guillermo|Almirante|Galvez|Estrella|2004|pp=305-306}}</ref>
 
Ang mga teritoryo ng Alemanya ay napunta sa [[Belhika]], [[Dinamarka]], [[Polonya]], [[Czechoslovakia|Tsekoslobakya]] at [[Litwanya]] samantalang muling nabawi ng Pransiya ang mga rehiyon ng Alsasya at Lorena. Ang mga kolonya naman ng dating imperyo sa [[Aprika]] at [[Karagatang Pasipiko]] ay pinaghati-hatian ng [[AwstralyaAustralya]], [[Bagong Selanda]], Belhika, Hapon, Nagkakaisang Kaharian at Pransiya samantalang napabalik naman sa [[Tsina]] ang lalawigan ng [[Shandong]].<ref name="Guillermo 2004 305-306"/><ref>{{cite web |url=http://en.wikisource.org/wiki/Treaty_of_Versailles/Part_III|title=En.Wikisource.Org: Tratado ng Versalles/Ikatlong Bahagi: Mga Tadhanang Pampolitika para sa Europa|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
Mula naman sa labi ng mga imperyong [[Austriya-Unggarya|Austro-Unggaryo]] at [[Imperyong Ruso|Ruso]] ay itinatag ang makahiwalay na bansang [[Austriya]] at [[Unggarya]], [[Estonya]], [[Letonya]], Litwanya, [[Pinlandiya]], Polonya at Tsekoslobakya. Ang ilang teritoryo ng Austriya-Unggarya tulad ng [[Trieste|Triyeste]] ay napunta sa Italya at ng [[Transilbanya]] ay sa [[Rumanya]]. Gayundin naman, ang [[Besarabya]] na bahagi ng Imperyong Ruso ay napapunta rin sa Rumanya samantalang ang mga mamamayang Eslabo ng [[Bosniya at Hersegobina]], [[Eslobenya]] at [[Kroasya]] ay nakiisa sa [[Serbiya]] at [[Montenegro]] upang itatag ang [[Yugoslabya]]. Gayundin noong kasagsagan ng digmaan, taong 1917, ay itinatag ang mga bansang [[Armenya]], [[Aserbayan]], at [[Heyorhiya]] subalit nang maitatag sa [[Rusya]] ang [[Unyong Sobyet]] noong 1922 ay muling napasailalim ang mga ito sa pamamahala ng mga Ruso nang sumunod na taon.<ref name="Guillermo 2004 305-306"/><ref name="csun.edu">{{cite web |url=http://www.csun.edu/~sr6161/world/unit%206/Unit%206%20Detail%202.pdf|title=CSUN.Edu: Europa Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig|accessdate=2012-05-25}}</ref>
Linya 286:
Libo-libong bantayog, museo at libingan na nasa pangangalaga ng iba’t ibang ahensiya, ang itinayo sa mga nayon at bayan sa [[Europa]] at maging sa [[Estados Unidos]] bilang pag-alala sa mga nasawi at nawala noong digmaan.
 
Ipinagdiriwang sa [[AwstralyaAustralya]] at [[Bagong Selanda]] ang [[Araw ng Anzac]] tuwing 25 Abril kada taon bilang paggunita sa [[Labanan ng Galipoli]]. Samantala, ang [[Araw ng Tigil-putukan]] at [[Araw ng Pag-alala]] ay ginugunita sa [[Pransiya]], [[Nagkakaisang Kaharian]] at mga dating kolonya nito tuwing 11 Nobyembre ng taon.<ref>{{cite web |url=http://www.awm.gov.au/commemoration/anzac/anzac_tradition.asp|title=AWM.Gov.Au: Ang Tradisyon ng Araw ng ANZAC|accessdate=2012-05-26}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.awm.gov.au/commemoration/remembrance/|title=AWM.Gov.Au: Araw ng Pag-alala, 11 Nobyembre 2012|accessdate=2012-05-26}}</ref>
 
Ang mga kahindik-hindik na pangyayaring nakapaloob sa digmaan ay namalas ng mga mambabasa sa mga talaarawan, tula at nobelang isinulat ng mga sundalong nakipaglaban. Ilan sa mga ito ay tanyag na “[[Lahat ay Tahimik sa Larangang Kanluran]]” (o ''All Quiet on the Western Front'' sa Ingles), nobela ng isang sundalong Alemang si [[Eric Maria Remarque]] na makalawang ulit na isinapelikula noong 1930 at muli noong 1979; at ang tulang “[[Sa Kaparangan ng Flanders]]" (o ''In Flanders Field'') ng Kanadyanong si [[Juan McCrae]] na hanggang sa ngayon ay tinutula pa rin sa Araw ng Pag-alala. Nakapagtala naman ang Museong Pandigma ng Imperyong Briton ng mahigit sa 2,500 talaarawan ng mga sundalo na nirebisa ni Max Arturo.<ref>{{cite web |url=http://firstworldwar.com/poetsandprose/remarque.htm|title=FirstWorldWar.Com: Tuluyan & Patula - Eric Maria Remarque|accessdate=2012-05-26}}</ref><ref>{{cite web |url=