Atlas (kalipunan ng mapa): Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m orthography, replaced: [sosyal] → [panlipunan] using AWB
m orthography, replaced: pangrelihiyon → panrelihiyon using AWB
Linya 1:
Ang '''atlas''' ay isang kalipunan ng mga [[mapa]], partikular na ng daigdig<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|Atlas}}</ref> o rehiyon ng mundo, subalit mayroon ding mga atlas ng iba pang mga planeta at ng kanilang mga [[satelayt]] sa [[sistemang solar]]. Nakaugaliang isinasaaklat o binubuong isang aklat ang mga atlas, isang pagkakasama sa isang aklat ng mga mapa ng iba't ibang lupain at bansa<ref name=Bansa>{{cite-Bansa|Atlas}}, nasa [http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=atlas ''Atlas''].</ref>; ngunit mayroon na rin sa kasalukuyan ng mga atlas na nasa ibang mga anyo o pormatong [[multimidya]]. Bilang dagdag sa paglalarawan ng mga [[katangian]]g [[heograpiko]] at mga hangganang [[pampolitika]], maraming mga atlas ang kadalasang nagtataglay ng mga [[estadistika]]ng [[pangheopolitika]], [[panlipunan]], [[pangrelihiyonpanrelihiyon]], at [[pang-ekonomiya]].
 
May kaugnayan ang pangkartograpiyang ''atlas'' para sa kalipunan ng mga mapa sa kay [[Atlas]] ng [[mitolohiyang Griyego]]. Si [[Antonio Lafreri]] ang unang tagapaglathala na nag-ugnay sa [[Titano (mitolohiya)|Titanong]] si Atlas sa isang pangkat ng mga mapa, sa kanyang ''Tavole Moderne Di Geografia De La Maggior Parte Del Mondo Di Diversi Autori''; ngunit hindi niya ginamit ang salitang "atlas" para sa pamagat ng kanyang akda. Si [[Gerardus Mercator]] ang partikular na naglaan ng kanyang aklat na "atlas" para "parangalan ang Titanong si Atlas na Hari ng [[Mauretania]], isang maalam na pilosopo, matematiko, at astronomo;" bagaman si [[Haring Atlas]] na isang astronomong hari ang kanyang nilalarawan.