Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pedro Calungsod"

walang buod ng pagbabago
 
Sinimulan ang proseso ng beatipikasyon ni Padre Diego noong 1673. Ngunit dahil sa kaguluhan at sa pagpapalayas ng mga Heswita, ito ay nahinto. Sinimulan lamang ito muli noong 1980s at nagtagumpay sa beatipikasyon ni Padre Diego noong ika-6 ng Oktubre 1986. Doon rin bumalik sa alaala si Pedro Calungsod. Dahil ang Guam ay dating bahagi ng Diyosesis ng Cebu, pinangunahan ni Ricardo Cardinal Vidal, ang arsobispo ng Cebu, ang pagbubukas ng pag-aaral tungkol kay Calungsod. Noong 1997, itinalaga ni Cardinal Vidal si Padre Ildebrando Jesus A. Leyson bilang vice postulator na siyang susulat ng opisyal na ulat tungkol kay Calungsod. Isinangguni ito sa Congregation for the Causes of Saints at noong Enero 2000 inaprubahan ni Beato Juan Pablo II ang dekreto na tunay ngang martir si Pedro Calungsod.
Ahahahahah xD
 
Bineyatipikahan siya ni Papa [[Juan Pablo II]] noong ika-5 ng Marso, taong 2000. Ayon sa Calendario ng Martires ng Santa Iglesia Romana Catolika, si Calungsod ay inaalaala tuwing [[Abril 2|ika-2 ng Abril]], ang araw ng kanyang kamatayan. (Ngunit kung ang ika-2 ng Abril ay nakapaloob sa Semana Santa, ito ay ipinagdiriwang sa Sabado bago ang Linggo ng Palaspas para magbigay respeto sa Linggo ng Pagkabuhay na hindi kasali sa bilang ng 40 araw ng Cuaresma.)
 
Hindi nakikilalang mga tagagamit