Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Astronomiya"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.198.82.133 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Xqbot
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.198.82.133 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Xqbot)
Ang '''astronomiya''' ay isang agham na kinapapalooban ng [[pagmamasid]] at [[pagpapaliwanag]] ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng [[Daigdig]] at ng [[atmospero]] nito. Pinag-aaralan nito ang [[Kosmolohiya|pinagmulan]], [[Pagkabuo at pagbabago ng galaksiya|pagbabago]], at mga katangiang [[Astropisika|pisikal]] at [[kimikal]] ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.
 
[[Talaksan:JeanMoon leonDedal gerome combat de coqscrater.jpg|thumb|right|250px|Ang astronomiya ng buwan (astronomiyang lunar): ang malaking ''crater'' ay ang [[Daedalus (crater)|Daedalus]], kinunan ng tauhan ng [[Apollo 11]] nang pinalubutan nila ang [[Buwan (astronomiya)|Buwan]] noong [[1969]]. Matatagpuan ito na malapit sa gitna ng [[far side|malayong gilid]] ng Buwan. Ang diyametro nito ay humigit-kumulang sa 93 km.]]
 
Ang astronomiya ay isa sa mga piling agham na kung saan gumanap ng aktibong papel ang mga [[amateur astronomy|amateur]], lalu na sa pagtuklas at pagmonitor ng di-palagiang [[kababalaghan]] (''transient phenomena''). Hindi dapat ipagkamali ang astronomiya sa [[astrolohiya]], na nagpapalagay na ang kapalaran ng tao at pamumuhy sa pangkahalatan ay may kaugnayan sa nakikitang na kinalalagyan ng mga bagay sa kalangitan—kahit na ang dalawang larangang na ito ay magkapareho ang pinagmulan; sinusunod ng mga astronomo ang [[makaagham na pamamaraan]], habang hindi ito sinusunod ng mga astrologo.