Panlalaking kondom: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Ang '''kondom''' o '''panlalaking kondom''' ([[Ingles]]: '''''condom''''') ay isang kasangkapan, karaniwang yari mula sa [[latex]] at sa di pa katagalan mula sa ''[[polyurethane]]'', na karaniwanang ginagamit sa panahon ng [[pakikipagtalik]]. Ikinakabit ito sa nakatayong [[titi]] ng isang [[lalaki]] at hinaharangan nito ang pagpasok ng lumabas na [[tamod]] patungo sa katawan ng katalik na tao. Ginagamit ang kondom upang maiwasan ang [[buntis|pagdadalang-tao]] at ang paghahatid ng mga [[sexually transmitted infections|karamdamang nakahahawa sa pamamagitan ng pagtatalik]] katulad ng [[gonorea]], [[sipilis]] at [[HIV]]. Ito ay ginagamit rin sa pangogolekta ng semilya para sa pag-bubuntis ng mga taong baog. Dahil ang mga kondom ay waterproof, elastik, at matibay. Ito ay ginagamit sa mga bagay na di-sekswal katulad ng pag-gawa ng waterproof na mikropono.
 
Bilang isang paraan sa pagkontrol ng pag-aanak, ang mga kondom na para sa mga lalaki ay lamang sa pagiging mura, madaling gamiting, konting masamang epekto, at proteksyon sa mga sakit na nakukuha lamang sa pagtatalik (STDs). Gamit ang angkop na talino, pamamaraan at pag-gamit nito sa bawat kabanata ng pagtatalik, ang babae na ang kapareha ay gumagamit ng mga kondom ay may 2% na pagkakataon upang mabuntis kapag matino ang pagkakagamit at 18% na pagkakataon na mabuntis bawat taon sa karaniwang pag-gamit. Ito ay ginagamit na noong nakaraan na 400 na taon. Mula 19th na siglo, ito na ang pinakamabisang paraan ng contraception sa mundo. Kahit ito ay tinatanggap na sa kasalukuyang panahon, meron pa ring pagtatalo na nagaganap tungkol dito, batay kung paano ito ituturo sa mga klase ng [[sex education]].<ref>Salin mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Condom</ref>