Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Inunan"

dagdag
(dagdag)
(dagdag)
[[Talaksan:Placenta held.jpg|thumb|right|Isang inunan, na may nakakabit pang [[ugat ng pusod]], pagkaraang maisilang ang isang sanggol.]]
 
Ang '''inunan'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Inunan, plasenta}}</ref> o '''plasenta'''<ref name=JETE/> (mula sa salitang-ugat na [[unan]]; Ingles: ''placenta'', ''after-birth'') ay isang pansamantalang [[organo (anatomiya)|organong]] matatagpuan sa karamihan ng mga [[babae]]ng [[mamalya]] habang nasa panahon ng [[pagbubuntis]]. Ang masang ito na parang espongha ay ang pinagkakabitan ng hindi pa ipinapanganak na sanggol sa mas panloob ng kalatagan ng sinapupunan. Sa organong ito isinasagawa ang sirkulasyon ng dugo sa loob ng bata. Ang pangalan nito sa Ingles na ''after-birth'' (pagkaraan ng pagsilang) ay mula sa dahil ang inunan ay natatanggal nang kusa pagkalipas ng ilang saglit pagkatapos na maipanganak ang bata. Napaka mahalaga na ang buong plasenta ay mailabas, sapagkat kapag ang isang bahagi ay naiwan pagkaraan ng panganganak o pagkalaglag, napaka malamang na mabulok ito at makapagdulot ng pagkalason sa dugo. <ref name=TMHP>Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "After-birth". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 21.</ref>
 
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang panandaliang organong ito, sapagkat hindi maaaring maghalo ang [[dugo]] ng [[nanay]] at ng [[sanggol]]. Gumaganap ang inunan bilang isang kalatagang pampalitan sa pagitan ng ina at bata. Dumaraan dito ang mga [[sustansiya]] at [[oksiheno]]. Kapag naghalo ang mga dugo ng ina at ng sanggol, makakasanhi ito ng pagkamatay ng dalawa. Halimbawa, kung may [[uri ng dugo]]ng A ang ina, samantalang B naman ang bata, maghahalo ang dalawang magkaibang uri ng dugo, na siyang ikamamatay ng mag-ina. Nakakabit ang inunan sa [[suloy]] o [[supling]] (ang [[fetus]]) sa pamamagitan ng [[ugat ng pusod]]<ref name=Gabby>{{cite-Gabby|''Umbilical cord'', ugat ng pusod}}</ref>, isang bahagi ng katawan na binubuo ng mga tisyung pang-ugpong at mga ugat ng dugo.<!--connective tissue at blood vessel--> Kapag naipanganak na ang bata, sumusunod na iluwal naman ang inunan, at kalimitang tinatawag na '''pinagpanganakan'''.
166,389

edits