Kalusugang pampubliko: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Legobot (usapan | ambag)
m Bot: Migrating 40 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q189603 (translate me)
m orthography, replaced: Masatsusets → Massachusetts using AWB
Linya 1:
Ang '''kalusugang pampubliko''' ay ang agham at sining ng pag-iwas at pagpigil sa mga [[karamdaman]], pagpapahaba ng [[buhay]], at pagtataguyod ng [[kalusugan]] sa pamamagitan ng itinatag na mga pagsusumikap at mga gawain at maalam na mga pagpili ng lipunan, mga samahan, publiko man o pribado, mga pamayanan at mga indibiduwal (1920, [[Charles-Edward Amory Winslow|C.E.A. Winslow]]).<ref>C.-E. A. Winslow, “''The Untilled Fields of Public Health'',” ''Science'', n.s. 51 (1920), p. 23.</ref> Samakatuwid, layunin ng kalusugang pampubliko ang matabanan o makuntrol at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit at mapanatili ang kapaligirang malusog para sa lahat.<ref name=NBK>{{cite-NBK|''Public health''}}, Bolyum para sa P, pahina 502.</ref> Tinatawag din itong '''kalusugang pangmadla''', '''kalusugang pambalana''', '''kalusugang pangmasa''', o '''kalusugang pambayan'''. Nagbibigay-pansin ang kalusugang pampubliko sa mga banta sa pangkalahatang kalusugan ng isang pamayanan batay sa pagsusuri ng [[kalusugan ng populasyon]]. Ang tinutukoy na [[populasyon]] ay maaaring kasingliit ng isang mabibilang na dami ng mga tao o kasinglaki ng lahat ng mga naninirahan sa ilang mga [[kontinente]] (halimbawa na kaso ng [[pandemiko]]). Kalimitang nahahati ang kalusugang pampubliko sa [[epidemiyolohiya]], [[biyoestadistika]], at [[palingkurang pangkalusugan]] ([[serbisyong pangkalusugan]]). Mahahalagang kabahaging mga larangan din nito ang kalusugang [[kalusugang pangkapaligiran|pangkapaligiran]], panlipunan, [[kalusugang pang-ugali|pang-ugali]], at [[kalusugang panghanapbuhay|panghanapbuhay]]. May dalawang natatanging mga katangian ang kalusugang pampubliko:
 
:* Tumutuon ito sa pag-iwas sa halip na pagbibigay-lunas na aspeto ng kalusugan;
Linya 9:
Noong [[Gitnang mga Panahon]] sinalanta ng mga [[salot]] at iba pang mga karamdaman ang mga tao dahil sa pamumuhay na siksikan sa loob ng napapaderang mga lungsod at mga bayan na may maduming mga tubig na inumin, at kung saan kasama rin sa pinamamahayan ng mga tao ang mga alagang hayop. Ganito ang sitwasyon ng pamumuhay hanggang sa pagsapit ng ika-18 daang taon. Noong panahon ng [[Rebolusyong Industriyal]], isa sa pinakamahalagang kaunlaran sa larangang kalusugang pampubliko ang pagkakaimbento ni [[Edward Jenner]] sa [[bakuna]]ng panlaban sa [[bulutong]] noong bandang 1798.<ref name=NBK/>
 
Noong 1848, itinatag sa [[Inglatera]] ang Pangkalahatang Lupon ng Kalusugan (''General Board of Health''), na naging daan sa pagkakaroon ng Ministriya ng Kalusugan ng [[Britanya]] noong 1919. Sa [[Estados Unidos]], sinimulan sa Boston noong 1850 ang unang pag-aaral ukol sa mga kalagayang pangkalusugan. Noong 1866, nilikha sa [[Bagong York]] ang Metropolitanong Lupon ng Kalusugan (''Metropolitan Board of Health''). Noong 1869, nagkaroon ng sariling Lupong Pangkalusugan ang estado ng [[MasatsusetsMassachusetts]]. Noong 1953, itinatag ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Kagawaran ng Kalusugan, Edukasyon, at Kapakanan (''Department of Health, Education, and Welfare).<ref name=NBK/>
 
==Mga lathalain==
Linya 19:
*[[Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan]]
*[[Kapakanang pampubliko]]
*[[:en:World Health Day|World Health Day]] ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing [[Abril 7]].
 
==Mga sanggunian==