Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Marxismo"

pinalawig ang pagsasalin mula Ingles
(pinalawig ang pagsasalin mula Ingles)
(pinalawig ang pagsasalin mula Ingles)
[[Talaksan:Karl Marx.png|300px|thumbnail|right|Si [[Karl Marx]].]]
Ang '''Marxismo''' ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-politikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pagyabong ng [[kapitalismo]] at ang ginagampanan ng pakikibaka ng mga antas ng lipunan sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.
 
Pinukaw ng dalawang [[Alemanya|Aleman]]g [[pilosopo]]—sina [[Karl Marx]] at [[Friedrich Engels]]—ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang politikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, kaparaanang pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.<ref>[http://www.britannica.com/EBchecked/topic/551385/social-science/38930/Marxist-influences social science : Marxist influences – Britannica Online Encyclopedia]. {{en}}</ref>
 
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}
9,043

edit