Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Marxismo"

pinalawig ang pagsasalin mula Ingles
m (added Category:Sosyalismo using HotCat)
(pinalawig ang pagsasalin mula Ingles)
[[Talaksan:Karl Marx.png|300px|thumbnail|right|Si [[Karl Marx]].]]
Ang '''Marxismo''' ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-politikalpulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pagyabong ng [[kapitalismo]] at ang ginagampanan ng pakikibaka[[tunggalian ng mga antas ng lipunanuri]] sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.
 
Pinukaw ng dalawang [[Alemanya|Aleman]]g [[pilosopo]]—sina [[Karl Marx]] at [[Friedrich Engels]]—ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang politikalpulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, kaparaanang pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.<ref>[http://www.britannica.com/EBchecked/topic/551385/social-science/38930/Marxist-influences social science : Marxist influences – Britannica Online Encyclopedia]. {{en}}</ref>
 
Walang isang tiyak na teoryang Marxista. Ang Marxistang analisis ay ginagamit sa iba't-ibang paksa, nalilihis ang pag-unawa at nagbabago sa pagdaan ng panahon, na nagdudulot ng iba't-iba at minsa'y magkakasalungat na mga teoryang bumubungad na Marxismo.<ref>{{cite book |last= Wolff and Resnick|first= Richard and Stephen |title= Economics: Marxian versus Neoclassical |publisher=The Johns Hopkins University Press|date=August 1987|isbn= 0-8018-3480-5|page = 130|quote= Marxian theory (singular) gave way to Marxian theories (plural).}} {{en}}</ref>
 
Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan ay nagiging kabilagtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad.
 
Lumalabas ang mga kawalang-husayang ito sa mga pagkakasalungat sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.<ref name="ComparingEconomic">''Comparing Economic Systems in the Twenty-First Century'', 2003, by Gregory and Stuart. P.62, ''Marx's Theory of Change''. ISBN 0-618-26181-8. {{en}}</ref>
 
== Mga sanggunian ==
9,043

edit