Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Marxismo"

m
isinaayos ang panunulat
m (balarila)
m (isinaayos ang panunulat)
Ang '''Marxismo''' ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pagyabong ng [[kapitalismo]] at ang ginagampanan ng [[tunggalian ng uri]] sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.
 
Pinukaw ng dalawang [[Alemanya|Aleman]]g [[pilosopo]]—sina [[Karl Marx]] at [[Friedrich Engels]]—ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang pulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, kaparaanangmetodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.<ref>[http://www.britannica.com/EBchecked/topic/551385/social-science/38930/Marxist-influences social science : Marxist influences – Britannica Online Encyclopedia]. {{en}}</ref>
 
Walang isang tiyak na teoryang Marxista. Ang Marxistang analisis ay ginagamit sa iba't-ibang paksa, nalilihis ang pag-unawa at nagbabago sa pagdaan ng panahon, na nagdudulot ng iba't-iba at minsa'y magkakasalungat na mga teoryang bumubungad na Marxismo.<ref>{{cite book |last= Wolff and Resnick|first= Richard and Stephen |title= Economics: Marxian versus Neoclassical |publisher=The Johns Hopkins University Press|date=August 1987|isbn= 0-8018-3480-5|page = 130|quote= Marxian theory (singular) gave way to Marxian theories (plural).}} {{en}}</ref>
9,043

edit