Basilika ni San Juan de Letran: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
inayos ang ilang salin
m (Letran hindi Laterano)
m (inayos ang ilang salin)
Ito ang pinakamatanda at nangunguna sa apat na [[Pangunahing Basilika]] ng [[Roma]]. Ito rin ang umaangkin sa titulo ng Ekumenikong Inang Simbahan sa Simbahang Romano Katoliko. Isang tatak sa patyada, ''Christo Salvatori'', ang nagpapakita ng dedikasyon ng simbahan kay "Kristong Tagapagligtas", tulad ng sa mga katedral ng lahat ng mga patriyarka, kung saan lahat ng mga ito ay dedikado kay Hesukristo mismo. Bilang katedral ng Obispo ng Roma, pinangungunahan nito ang lahat ng ibang mga simbahan sa Simbahang Romano Katoliko, kung kaya't ito ay may titulo na ''archbasilica''.
 
Ito ay nasa labas ng [[Lungsod ng BatikanoVaticano]], ngunit nasa loob pa rin ng lungsod ng [[Roma]]. Gayunpaman, ito ay may estadong ekstrateritoryal, bilang isa sa mga pagmamay-ari ng [[Banal naSanta Sede]]. Ito rin ang kaso sa ibang mga gusali, sunod sa resolusyon ng Kasunduang[[Tratado ng Letran]].
 
==Etimolohiya==
== Panahong Medyebal ==
 
Ang opisyal na dedikasyon sa Basilika at sa katabing Palasyo ay pinamunuan ni Papa San [[Silvestre I]] noong PK 324, idinedeklara ang dalawa bilang ''Domus Dei'' o "Tahanan ng Diyos". Bilang Katedral ng Obispo ng Roma, ang Trono ng Papa ay nilagay sa loob ng Katedral. Bilang pagwawari sa pag-angkin ng Basilika sa pangunguna sa mga simbahan sa mundo bilang ang "Inang Simbahan", ang titulong, ''Sacrosancta Lateranensis ecclesia omnium urbis et orbis ecclesiarum mater et caput'', na ang ibig sabihin ay, "Ang Pinaka-banal na Simbahang Letran, ng lahat ng mga simbahan sa lungsod na ito at sa buong mundo, ang Ina at ang puno", ay inukit sa harapang pader sa pagitan ng mga pangunahing pintuan ng Basilikabasilika.
 
Ang Basilika at ang Palasyong Letran ay dalawang ulit dinedikado. Idinedikado ni Papa [[Sergio III]] ang mga ito kay [[San Juan Bautista]] noong ika-10 siglo, bilang karangalan sa bagong kinonsagrang Pabinyagan ng Basilika. Idinedikado naman ni Papa [[Lucio II]] ang mga ito kay [[San Juan Ebangelista]] noong ika-12 siglo. Gayunpaman, itinuturing pa rin sila bilang mga co-patron ng Katedral, ang punong patron, si Hesukristong Tagapaglitas mismo, tulad ng itinuturo sa nakaukit sa pasukan ng Basilika, at sa tradisyon sa mga patriarkong katedral.
9,046

edits