Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Australia"

1,134 bytes added ,  6 years ago
Nagdagdag ng mga tala
(Nagdagdag ng mga tala)
(Nagdagdag ng mga tala)
 
Ang Australya ay isang [[maunlad na bansa]] at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australya ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australya ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (''human development index''), mataas ang nagiging ranggo ng Australya sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (''national performance''), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australya ay kasapi ng [[Mga Nagkakaisang Bansa]], [[G20]], Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad ([[Organisation for Economic Co-operation and Development]] o [[OECD]]), [[Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan]] ([[World Trade Organization]] o [[WTO]]), [[Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko]] ([[Asia-Pacific Economic Cooperation]] o [[APEC]]), at ng [[Pacific Islands Forum]].
 
== Etimolohiya ==
Binibigkas bilang [əˈstɹæɪljə, -liə] sa Ingles Australyano, ang pangalang Australya ay nagmula sa salitang Latin na ''australis'', nangangahulugang "katimugan." Tinutukoy din ang bansa sa wikang kolokyal bilang Oz mula noong simula ng ika-20 dantaon. Ang [[Aussie]] ay isang karaniwang salitang pangkalye para sa "Australyano." Sa kapitbahayang [[New Zealand]], at bibihira naman sa Australya mismo, ang pangngalang "Aussie" is ginagamit din upang tukuyin ang bansa, isang pagbubukod na tawag mula sa mga naninirahan dito. Ang awit-pampalakasan na ''C'mon Aussie C'mon'' ay isang halimbawa ng lokal na gamit ng Aussie bilang kasingkahulugan ng Australya.
 
Ang mga alamat tungkol sa ''Terra Australis Incognita''—isang "di-kilalang kalupaan sa Timog"—ay nag-umpisa mula pa noong panahon ng mga Romano at naging isang karaniwang bagay sa heograpiya ng Kalagitnaang Panahon, bagaman at hindi ito batay sa anumang nasusulat na kaalaman hinggil sa kontinente. Matapos ang pagkakatuklas ng mga Europeo, ang pangalan para sa kalupaang Australyano ay malimit na nagiging batayan ng sikat na ''Terra Australis.''
 
== Tingnan din ==
623

edit