Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Optika"

walang buod ng pagbabago
Ang '''Sugaan''' o '''Optika''' ay ang sangay ng [[pisikaliknayan]] na kinasasangkutan ng ugali o gawi at mga katangiang pagaari ng [[liwanag]], kasama na ang mga interaksiyon nito sa [[materya]] at sa konstruksiyon ng mga [[instrumentong optikal]] na gumagamit o nakakapansin (nakakadetekta sa pamamagitan ng [[potodetektor]]).<ref name=McGrawHill>{{cite book|title=McGraw-Hill Encyclopedia of Science and Technology|edition=ika-5|publisher=McGraw-Hill|year=1993}}</ref> Karaniwang nilalarawan ng optiks ang kaasalan ng [[nakikitang liwanag]], liwanag na [[ultrabiyoleta]], at liwanag na [[inprared]]. Dahil ang liwanag ay isang [[along elektromagnetiko]], ang ibang mga anyo ng [[radyasyong elektromagnetiko]]ng katulad ng mga [[eksrey]], mga [[mikro-alon]] (''[[microwave]]'' sa Ingles), at mga [[along-radyo]] ay nagpapakita ng katulad na mga katangian.<ref name=McGrawHill/>
 
Bilang isang [[agham]], ipinapaliwanag ng optiks ang kung paano ang interaksiyon ng liwanag sa kapaligirang nakapaligid sa tao. Ipinapaliwanag nito ang paano umiiral ang [[bahag-hari]], kung paano tumatalbog ang liwanag mula sa mga salaminan, o kung paano ito dumaraan sa proseso ng [[repraksiyon]] kapag tumatagos o lumalagos sa salamin (katulad ng basong babasagin) o sa tubig, at kung ano ang naghahati sa liwanag na kumikislap at dumaraan sa isang [[prismo]]. Bilang karagdagan sa [[napagmamasdang liwanag]] sa pamantayang "[[ispektrum]]" na [[pula]], [[dilaw]], [[lunti]], [[bughaw]], at [[lila]], tumutuon din ang optiks sa hindi nakikitang mga bahagi ng buong [[ispektrum na elektromagnetiko]] kung saan ang napagmamasdang liwanag ay isa lamang maliit na bahagi.
 
Kapwa isang agham at isang larangan sa [[inhinyeriya]] ang optiks. Ginamit na ito upang gumawa o lumikha ng maraming gamiting mga bagay, kasama ang mga [[salaming pangmata]], mga [[kamera]], mga [[teleskopyo]], at mga [[mikroskopyomiksipat]]. Karamihan sa mga bagay na ito ang nakabatay sa mga [[lente]], na nagpopokus o nagtutuon ng liwanag at makakagawa ng mga [[imahen]] ng mga bagay na mas malalaki o mas maliliit kaysa sa orihinal.
 
Bagaman isang matandang agham na ang optikssugaan, may bago pang mga bagay na natutuklasan mula rito. Natuto ang mga siyentipiko kung paano nakapaglalakbay ang liwanag habang dumaraan sa isang manipis na [[pibrang optikal]] o [[hiblang optiko]]ng yari sa salamin o plastik. Malayo ang distansiyang nararating ng liwanag habang nasa loob ng isang pibra o hiblang optiko. Ginagamit ang mga pibrang ito sa pagdadala at pagtanggap ng mga tawag sa [[telepono]] at sa [[Internet]] sa pagitan ng mga lungsod.
 
==Mga sanggunian==
114

edits