Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Panlalaking kondom"

m
orthography, replaced: proteksyon → proteksiyon (3) using AWB
m (orthography, replaced: proteksyon → proteksiyon (3) using AWB)
[[Talaksan:Condom placement demonstration.ogv|right|thumb|Mga hakbang sa pagkakabit ng kondom.]]
 
Ang '''kondom''' o '''panlalaking kondom''' ([[Ingles]]: '''''condom''''') ay isang kasangkapan, karaniwang yari mula sa [[latex]] at sa di pa katagalan mula sa ''[[polyurethane]]'', na karaniwanang ginagamit sa panahon ng [[pakikipagtalik]]. Ikinakabit ito sa nakatayong [[titi]] ng isang [[lalaki]] at hinaharangan nito ang pagpasok ng lumabas na [[tamod]] patungo sa katawan ng katalik na tao. Ginagamit ang kondom upang maiwasan ang [[buntis|pagdadalang-tao]] at ang paghahatid ng mga [[sexually transmitted infections|karamdamang nakahahawa sa pamamagitan ng pagtatalik]] katulad ng [[gonorea]], [[sipilis]] at [[HIV]]. Ito ay ginagamit rin sa pangogolekta ng semilya para sa pag-bubuntis ng mga taong baog. Dahil ang mga kondom ay di-nababasa (''waterproof''), elastiko, at matibay. Ito ay ginagamit sa mga bagay na di-sekswal katulad ng pag-gawa ng di-nababasang mikropono.
 
Bilang isang paraan sa pagkontrol ng pag-aanak, ang mga kondom na para sa mga lalaki ay lamang sa pagiging mura, madaling gamitin, konting masamang epekto, at proteksyonproteksiyon sa mga sakit na nakukuha lamang sa pagtatalik ([[STD]]s). Gamit ang angkop na talino, pamamaraan at pag-gamit nito sa bawat kabanata ng pagtatalik, ang babae na ang kapareha ay gumagamit ng mga kondom ay may 2% na pagkakataon upang mabuntis kapag matino ang pagkakagamit at 18% na pagkakataon na mabuntis bawat taon sa karaniwang pag-gamit. Ito ay ginagamit na noong nakaraan na 400 na taon. Mula ika-19 na siglo, ito na ang pinakamabisang paraan ng ''[[contraception]]'' sa mundo. Kahit ito ay tinatanggap na sa kasalukuyang panahon, meron pa ring pagtatalo na nagaganap tungkol dito, batay kung paano ito ituturo sa mga klase ng ''[[sex education]]''.
 
== Gamit pang-medisina ==
Tulad ng mga iba't ibang uri ng pagpipigil sa pagbubuntis, maaaring suriin ang bisa ng mga kondom sa dalawang paraan. Ang perpektong gamit o ''rate'' ng paggamit ay tumutukoy lamang sa sukat ng bisa ng kondom ayon sa mga taong tama at wasto ang paggamit ng kondom. Ang aktuwal na paggamit o tipikal na paggamit ay tumutukoy naman sa mga tao na hindi tama ang paggamit o hindi kadalasang gumagamit ng kondom. Ang mga ''rate'' ay karaniwang ipinapahayag para sa unang taon ng paggamit. Para naman kalkulahin ang mga uri na ito, karaniwang ginagamit ang ''Pearl Index'', subalit may ibang mga pagsusuri na gumagamit naman ng mga talahanyang bawasan (''decrement tables'').
 
Ang ''rate'' ng pagbubuntis sa tipikal na gamit ay umaabot mula 10 hanggang 18% bawat taon, depende sa populasyon na sinusuri. Ang ''rate'' ng pagbubuntis sa perpektong paggamit ay hanggang 2% lamang bawat taon. Ang mga kondom ay maaaring gamitin kasama ang iba pang uri ng pagpipigil sa pagbubuntis para sa mas higit na proteksyonproteksiyon, tulad ng ''[[spermicide]]''.
 
=== Pagpipigil sa panganganak ===
Ang mga kondom ay higit na inirerekumenda para sa pag-iwas sa mga ''sexually transmitted infections'' ([[STI]]s) o mga impeksiyon na nakukuha sa pagtatalik. Napatunayan nang mabisa ang mga ito sa pagbaba ng mga ''rate'' ng impeksiyon sa parehong kalalakihan at kababaihan. Bagama't hindi perpekto, ang kondom ay epektibo naman sa pagbaba ng pagkalat ng mga organismo na nagdudulot ng [[AIDS]], ''[[genital herpes]]'', ''[[cervical cancer]]'', ''[[genital warts]]'', ''[[syphilis]]'', ''[[chlamydia]]'', ''[[gonorrhoea]]'', at iba pang mga sakit. Kadalasan din na inirerekumenda ang kondom bilang pandagdag sa mga mas mabisang kaparaanan ng pagpipigil ng panganganak (tulad ng IUD) kung saan ninanais din ang proteksyonproteksiyon laban sa STD.
 
Ayon sa isang ulat ng National Institutes of Health (NIH) sa Bethesda, [[Maryland]], [[Estados Unidos]], ang tama at tuloy-tuloy na paggamit ng kondom na gawa sa ''latex'' ay nakakababa ng panganib na mahawa ng HIV/AIDS hanggang 85% kumpara sa panganib kung hindi gagamit ng kondom. Dahil dito, ang ''seroconversion rate'' o ''rate'' ng impeksiyon na kung nasa 6.7 bawat 100 bawat tao-taon ay bumababa hanggang 0.9 bawat 100 na tao-taon. Sa isang pagsusuri noong 2007 mula sa University of Texas Medical Branch at sa [[World Health Organization]], nakita ang parehong pagbawas ng panganib na 80-95%.