Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Crisanto Evangelista"

Maynila
m (→‎Kabataan at Pag-aasawa: orthography, replaced: sosyal → panlipunan using AWB)
(Maynila)
Lumaki at nagkaisip si Crisanto sa isang bayang kolonyal, na unti-unting nilalagom ng kapangyarihan ng imperyalismong Amerikano na katulong ang mga komprador, asendero at mga katutubong politiko sa paghuthot at pang-aapi sa sambayanang Pilipino. Bunga ng kahirapan at pagdarahop, tulak ng kanilang pagnanais na magkaroon ng kalayaan at mas mabuting pamumuhay, at inspirado ng dakilang tradisyong rebolusyonaryo sa maluwalhating pambansang kasaysayan ang pananakop ng ito ng imperyalistang Amerikano ay di kailanman lubos na pinatahimik ng patuloy na protesta ng taumbayang naghihirap. Ang mga pangmasang demonstrasyon at mga petisyon, at ang mga puta-putakting pag-aalsang armado ng mga Kolorum nuong 1923–1924, ng mahihirap sa Kabisayaan nuong 1927, ng mga magsasaka sa Tayug at ng Tanggulan nuong 1931, at ng Sakdal nuong 1935 halimbawa ay sumabog na patuloy sa ilalim ng rehimeng kolonyal. Ang mga puwersa ng pagbabago mula't sapul ay tila masamang panaginip na ayaw patulugin ang imperyalismo at mga katutubong galamay nito.
 
Nakatapos si Crisanto ng paaralang primarya sa Meycauyan. Nang dakong huli, nagtungo siya sa [[Maynila]] para dito ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsisikap habang nagtatara-baho ay natapos niya ang Intermediya. Nang dakong huli si Crisanto ay nakapagtapos ng katumbas ng primera anyo sa mataas na paaralan. Hindi siya makapagpatuloy pa sa kanyang pag-aaral dahil sa pagkamatay ng kanyang ama at iba pang mga kagipitan, laluna sa kabuhayan. Ang daigdig ng edukasyon, gayunpaman, para sa kanya ay nabuksan na ng mga panahong iyon, at naengganyo si Crisanto sa mga hiwaga at pangako nito. Udyok ng marubdob na hangaring matuto pa at ng katutubong katalinuhan, sa pamamagitan ng walang tigil na sariling pag-aaral a nagkaroon siya ng kakayahang bumasa sa Kastila at Ingles. Ang kanyang kahusayan sa Tagalog na katutubo niyang wika ay mas maagang natamo kaysa dalawang nabanggit sa una, at nanatili hanggang sa mga huling taon ng kanyang buhay bilang prinsipal na lengguahe sa
pagsasalita at pagsulat.
 
81

edit