Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Maharashtra"

pinalawig ang pagsasalin mula Ingles
(pinalawig ang pagsasalin mula Ingles)
(pinalawig ang pagsasalin mula Ingles)
 
Kasama sa mga sinauna at medyebal na imperyo ng Maharashtra ang [[Dinastiyang Satavahana]], [[Imperyo ng Western Chalukya]], [[Imperyong Mughal]] at [[Imperyong Maratha]]. May lakíng 307,713 km², ito ay pinalilibutan ng [[Dagat Arabiano]] sa kanluran, at ng mga estado ng [[Karnataka]], [[Telangana]], [[Goa]], [[Gujarat]], [[Chhattisgarh]], [[Madhya Pradesh]] at ang [[Union territory]] ng [[Dadra and Nagar Haveli]]. Ang mga pangunahing ilog sa estado ay ang Godavari, Krishna, Narmada at Tapti. Maraming destinasyong makasaysayan, likas, at relihiyo ang pinupuntahan ng mga turista sa Maharashtra gaya ng Pandharpur, Hazur Sahib Nanded, Shegaon, Shirdi, Mahabaleshwar, Satara, Nanded, Nagpur, Chikhaldara at Panhala. Ang lupain ng estado ay hindi akma sa agrikultura na siyang nagtutulak sa mga tao sa kanayunan nito na magtungo sa mga kalungsuran, kaya naman ang populasyon sa mga lungsod ng Maharashtra ay higit pa sa kahit anong estado ng India. Ito rin ang may pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa mga estado ng India. Ilan sa malalaking lungsod nito ay ang [[Navi Mumbai]], [[Pune]], [[Nagpur]], [[Nashik]], [[Aurangabad, Maharashtra|Aurangabad]], [[Kolhapur]], [[Thane]], [[Solapur]], [[Amravati]], [[Sangli]] at [[Nanded]].
 
Pinakamayaman at pinakamaunlad ang Maharashtra sa mga estado ng India. Nag-aambag ito ng 25 bahagdan sa produksiyong industriyal at 23.3% sa GDP ng bansa noong 2010–2011.<ref name=wealth>{{cite web|title=India's top 25 states with highest GDP|url=http://www.rediff.com/money/slide-show/slide-show-1-top-25-states-with-highest-gdp/20120223.htm|publisher=''Rediff.com''|accessdate=28 Agosto 2014}}</ref> Noong ngang 2011, ang per capitang kita ng estado ay {{Indian Rupee}} 1.0035 [[lakh]] (US$1,600) higit sa pambansang antas ng kita na {{Indian Rupee}} 0.73 lakh (US$1,200). Sa unang pagkakataon, lumagpas sa {{Indian Rupee}} 1.20 lakh (US$2,000) ang per capitang kita ng Maharashtra noong 2013, at siyang naging pinakamaymang estado ng India. Malaking bahagi ng ekonomiya ng estado ay mula sa sektor ng argrikultura at mga industriya. Ang mga pangunahing industriya produktong kemikal, elektrikal at di-elektrikal na makinarya, tela, petrolyo at mga kaugnay na produkto.
 
 
== Talasanggunian ==
9,043

edit