Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Himagsikang Pilipino"

Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 200 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, ''indio'') sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (''polo''). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng ''divide et impera''-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.
 
== SanhiSanji ==
 
Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ''ilustrado''. Pinadala ng mga ''ilustrado'' ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.
Hindi nakikilalang mga tagagamit