Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Panahong Edo"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.208.24.93 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.208.24.93 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot)
 
Ang pag-unlad sa pangkabuhayan sa Panahon ng mga Tokugawa ay kasama ang mga sumusunod: Paglago ng mga kalunsuran, pag-usbong ng pagnenegosyo sa ibayong-dagat, pagtindi ng kalakalan at mga pamumukadkad ng samu’t saring industriyang may mga produktong yari-sa-kamay.
 
Sa kalagitnaan ng ika-18 dangtaon, umabot na sa isang angaw (1 milyon) ang populasyon ng Edo at ang lungsod ng [[Osaka]] at pati na din ang punong-lungsod ng [[Kyoto]] ay meron ng mahigit sa tig-apat na daang libong katao na. Maraming ding mga bayan-bayan na meron mga moog at kastilyo ang umunlad din. Ang [[Osaka]] at [[Kyoto]] ay naging sentro ng mga industriyang yari-sa-kamay, samantalang ang Edo ang naging sentro sa pagsusuplay ng mga pagkain at iba pang mga abubot na kailangan ng mga publikong nasa kalunsuran.
 
Dahil sa paglobo ng tao, namukadkad din ang mga gawaing pangkonstruksyon, pagbabangko at mga samahan ng mga negosyante. Hindi din dito nagpahuli ang mga kanayunan dahil lumago din ang mga ani sa sahakan at mga produktong yari-sa-kamay ng mga baryo at bayan.
 
[[Kategorya:Kasaysayan ng Hapon]]
 
{{Link GA|uk}}
{{Link FA|uk}}