Sining ng pagtatanghal: Pagkakaiba sa mga pagbabago

ng
m (Inilipat ni AnakngAraw ang pahinang Sining pagtatanghal papunta sa Sining ng pagtatanghal na nasa ibayo ng ibang kapupuntahan: ng)
(ng)
Sa [[sining]], ang '''sining ng pagtatanghal''', na tinatawag ding '''sining ng pagganap''' o '''sining ng pagpapalabas''', ay isang [[pagtatanghal]], pagsasagawa, pagganap, pagsasakatuparan, o pagpapalabas na inihaharap sa [[madla]] o kapulungan ng mga tagapanood at takapakinig, na nakaugaliang [[interdisiplinaryo]]. Ang pagtatanghal ay maaaring ayon sa inihandang panitik o ''script'' sa Ingles, o kaya ay kusa at hindi pinaghandaan, o kaya ay maingat na pinaghandaan at binalak na maaaring mayroon o walang paglahok ng madla. Ang pagtatanghal ay maaaaring isinasakatuparan sa oras mismo ng pagtatanghal (iyong tinatawag na ''live'', literal na "buhay") o kaya ay sa pamamagitan ng midya; at ang tagapagtanghal ay maaaring naroroon sa oras ng pagtatanghal o wala dahil, bilang halimbawa, ay nairekord na ("hindi buhay" ang palabas). Maaari itong isang sitwasyon na kinasasangkutan ng apat na mga payak o pampatakarang mga elemento: oras (panahon), puwang (espasyo), ang katawan ng tagaganap, o pagiging naroroon ngunit nasa isang midyum (midya), at isang ugnayan sa pagitan ng manggaganap at ng tagapanood at tagapakinig. Maaaring mangyari ang sining ng pagtatanghal kahit na saan man, na maaaring sa isang itinakdang tanghalan o tagpuan, at isinasakatuparan sa loob ng anumang haba o tagal ng oras. Ang mga kilos ng isang indibidwal o isang pangkat sa isang partikular na lugar at sa isang tiyak na oras ang bumubuo sa gawain.
 
{{usbong|Sining}}
166,389

edits